Chapter 19: Aftermath

11.4K 215 23
                                    

Chapter 19: Aftermath

Sa loob ng kotse ni Greg sa parking area di maalis ang ngiti sa dalawang binata. “Pare kahit ilang oras lang, naranasan narin natin maging normal, naranasan natin maging Shan, Tommy at Jason” sabi ni Enan.

“Yeah, ganito pala ang feeling pare” sagot ni Greg. “Teka, bakit pala kita dinadamay? Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko?” tanong ni Enan. “Ahem, just so you know my friend while you and Katrina were on a lunch date…ahem…kasama ko naman pinsan niyang si Lea. Kumain din kami sa Japanese restaurant” pasikat ni Greg.

“Ows? Di nga? Magsosorry nga dapat ako sa iyo kasi bigla nalang kita nilaglag e” sabi ni Enan. “Oh please my friend do not be sorry. I am so thankful to be honest. Pare, yung pinsan niya, she is so okay that she does not treat me like a mutant. Pare, alam mo ba yung feeling na yon na umpisa palang hindi ka na pinandirihan?” tanong ni Greg.

“Kaya nga e, pare parang panaginip nga talaga e. Pero salamat sa iyo pare at pinush mo ako. Katrina is so different pare. Hindi ko kaya ipaliwanag pero alam mo na siguro yung sinasabi ko at nararamdaman” sabi ni Enan. “Pare, kakaiba yung mag pinsan na yon. Sa panaginip lang ng mga tulad natin sila nabubuhay e pero they really exist my friend” sabi ni Greg.

“Pasensya na pare pero parang nasa langit parin ako” sabi ni Enan. “Happy ako para sa iyo pare, ako masaya na ako kasi nakausap ko din magandang pinsan niya. Yung pakikipag usapan na hindi ako yumuyuko, yung nakikiusap ako na diretso tingin niya sa akin at kitang kita na hindi siya nandidiri o natatakot” sabi ni Greg.

“Ihatid mo na ako pare, sariliin nalang natin yung happiness natin” sabi ni Enan. “Sure pare, isara mo na bintana mo, this time mag aircon tayo para di maalis sa katawan natin ang good vibes” banat ni Greg kaya nagtawanan sila.

Pagdating sa bahay nina Enan nakatanggap siya ng text message. “Did you get home safely?” basa niya kaya biglang kinilig yung dalawa. “Awww how sweet” landi ni Greg. “Kaya nga e, pare salamat sa paghatid at pagsama sa akin. Pasensya ka na kung gusto ko na pumasok kasi gusto ko paabutin tong feeling na ito sa bahay” sabi ni Enan.

“By all means my friend…uy may nagtext din sa akin o…uy tignan mo o si Lea” sabi ni Greg kaya sinilip ni Enan phone ng kaibigan niya. “Ano sabi?” tanong niya. “Tuloy ha, wag kang duduwag duwag” basa ni Greg kaya nanlaki mga mata ni Enan.

“Pare bakit ganyan text niya?” tanong niya. “Its about basketball my friend. You see Lea plays ball. Ahem my kind of girl” landi ni Greg. “Ah okay, akala ko naman hinamon mo ng suntukan” biro ni Enan. “Siraulo ka, its basketball my friend. Sige na at gusto ko din ito paabutin sa bahay” sagot ni Greg.

Pagkaalis ni Greg nanatiling nakatayo si Enan at tinitigan phone niya. “Enan come inside, bakit ka nagpaaraw?” tanong ni Rosa. “Wait a minute mother, I am trying to compose a text message” sagot ng binata kaya natawa ang kanyang nanay.

“Para kanino naman? At ano nakain mo at ganyan ka magsalita? Are you smiling?” tanong ni Rosa. “Wait a minute please, I cannot make a mistake here” sagot ni Enan. Pagka send ng reply agad pumasok ang binata at niyakap ang kanyang nanay. Natawa si Rosa pagkat kinikilig ang kanyang anak kaya tinitigan niya ito.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon