Chapter 21: Fallen Angel

12K 203 28
                                    

Chapter 21: Fallen Angel

“Enan…I will not be able to make it tonight. I am sick” sabi ni Mikan. “Can you get up?” tanong ng binata. “Kaya naman pero mabagal ako gumalaw” sagot ng dalaga. “Come on get up and open your door” sabi ng binata. “What?” tanong ng dalaga.

“Get up, walk to the front door and open it” sabi ni Enan. “Why?” tanong ni Mikan sabay nagulat siya nang makarinig siya ng katok. Nagmadali ang dalaga nagtungo sa pintuan, pagbukas niya nagulat siya nang makita niya ang binata na madaming dala.

“Enan, bakit nandito ka?” tanong ni Mikan na mukhang nanghihina. “Yvonne called me a while ago” sabi ng binata na agad pumasok. “I brought medicine, ready to eat food. Madaming juice tapos lulutuan kita. Pero first things first, may sakit ka tapos ganyan suot mo maiksing shorts at sando?” sermon ng binata.

“Enan you should not be here, baka mahawa ka” sabi ni Mikan. “Di ako tinatablan ng sakit. Takot ang sakit sa mukha ko. Kung meron man sakit na tatama sa akin e sakit sa puso yon, meaning heart break. Yung ibang sakit immune ako, maski yang Ebola na yan matatakot sa akin” banat ng binata.

“Enan” sigaw ng dalaga nang bigla siyang buhatin ng binata. “Hush, ibabalik kita sa kwarto mo. Doon ka magpahinga” sabi ng binata. “Enan its so dull inside my room” sabi ng dalaga kaya tumigil sa paglakad ang binata.

“Dito ka sa sofa?” tanong ni Enan pero hindi makasagot ang dalaga at nakatitig lang sa binata. “Okay dito ka pero kukunan kita ng pajama or jogging pants” sabi ni Enan. “Wala ako non” sagot ng dalaga. “Ano? Alangan na magpantalon ka…oh I know kumot nalang na makapal. Meron ka non diba?” tanong ng binata.

“I think so” bulong ni Mikan. Pinahiga ni Enan ang dalaga sa sofa, “Hey papasok ako sa kwarto mo ha, hahanap ako ng masusuot mo at kukunan kita ng unan at kumot” sabi ng binata. “Okay” bulong ng dalaga sabay ngumiti.

Kinumutan ni Enan ang dalaga sabay hinaplos ang pisngi nito. “Hey you relax and get some rest. Itulog mo saglit at lulutuan kita ng breakfast. May sakit ka kaya sisirain natin figure mo today para gumaling ka. Wag kang magrereklamo, makikinig ka sa sasabihin ko”

“Mamaya na gamot mo pag may laman na tiyan mo…pero teka lang” sabi ni Enan sabay umalis. Pagbalik niya may dala siyang tumbler ng juice. “Ayan fresh orange juice yan, piniga ko yan kanina kaya pasensya ka na kung may buto na nakalusot…eto may straw akong binili kaya mahiga ka lang diyan. Sayang wala kasing tsupon” sabi ni Enan kaya natawa si Mikan.

“Hey Enan” bulong ng dalaga. “This is what friends do so say nothing. Buti ka pa kahit may sakit maganda ka parin. E kami pag may sakit akala mo kung near death na” biro ng binata. “Don’t say that” bulong ng dalaga. “Okay, you rest and I cook…I mean I will try to cook” banat ni Enan kaya bungisngis ang dalaga.

Nakaidlip si Mikan ng ilang minuto at nagising nalang nung may naramdaman siyang kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Pagmulat niya ng mga mata niya agad siya napangiti nang makita si Enan. “Gising ka muna at kumain ka para maka inom ka ng gamot” sabi ng binata.

“Ang sarap pala magasakit pag kasama ka” bulong ng dalaga. “Wag mo naman sasabihin yan. Pangit pakinggan, para naman akong bringer of death. Hindi maganda nagkakasakit, kaya nga ako nandito para gumaling ka agad e” lambing ng binata sabay ginabayan ang dalaga maupo.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon