Chapter 39: Andoy

9.2K 182 24
                                    

Chapter 39: Andoy

“Hoy pangit gusto mo sumali?” tanong ni Shan. Tumalikod si Enan kaya lumapit ang kaklase niya. “Enan pala, sali ka na, cops and robbers kasi kulang kami e” sabi ni Shan. “Sali ako?” tanong ni Enan. “Oo, tara na kulang kasi yung robbers” sabi ni Shan.

“Sige” masayang sagot ni Enan. Nagtungo na sila sa kanilang mga kaklaseng nag aantay, bigla silang nagsigawan ng malakas at tumakbong palayo kay Enan. Ang batang lalake nagulat, nakita niya yung mga kaklase niyang tumatakbo palayo habang tinatawag siyang pangit.

“Takbo! Ayan na si pangit” sigaw ni Shan sabay tumawa ng malakas. Naluluha na si Enan, nagsimangot na siya sabay naglakad nalang palayo. “Si pangit umiiyak o, wah pangit iyakin” sigaw ni Shan pero tinuloy lang ni Enan paglakad niya patungo sa kanilang classroom.

Sa loob mag isa ni Jessica at abala na nagdrodrawing sa isang notebook. “Are you crying?” tanong ng batang babae. “No” sagot ni Enan sabay naupo sa silya niya at tumalikod. Lumapit si Jessica sabay kinalabit likod ng kaibigan niya.

“Umiiyak ka nanaman e, wah iyakin” sabi ni Jessica. “Hindi ako umiiyak” sabi ni Enan sabay punas sa kanyang mag luha. “Mama said if you feel like crying you should hold it back and still waive at the people. Mommy told me that when she won here she felt like crying but she had to compose” kwento ni Jessica.

“I don’t understand” bulong ni Enan. Hinila ni Jessica ang kaibigan niya para humarap ito. “Itaas mo kamay mo tapos chin up then smile” sabi ng batang babae. “Sabi ni mommy, kahit daw naiiyak ka na, kailangan mo daw mag smile parin at kumaway kasi lahat ng camera at video e ikaw kukunan kasi ikaw na pinakamagandang babae” sabi ni Jessica.

“Sila kasi e” sabi ni Enan. “Sige na try mo, smile ka tapos itong kamay mo kaway ka pero ganito o…yung parang umiikot..ay hindi ganito o kasi” sabi ng batang babae. “E hindi ako girl” sabi ni Enan. “Kahit na, kasi ako pag umiiyak ako lagi ko ginagawa kasi sabi ni mommy kailangan daw compose” sabi ni Jessica.

Sinunod ni Enan yung utos ng kaibigan niya, ilang saglit natatawa na siya. “Sabi ko smile e, wag ka tatawa” sabi ni Jessica. “E para na akong bakling” sabi ni Enan. “Hindi! Para di ka na iiyak” sigaw ng batang babae kaya nguniti si Enan. “O diba? Ikaw kasi nakilaro ka pa sa kanila e” sabi ni Jessica.

“Bakit ikaw nandito ka lang?” tanong ni Enan. “Ayaw ko umitim. Ayaw ko masira skin ko, gusto ko pareho kami ni mommy ng skin para manalo ako” sabi ni Jessica. “E ano ginagawa mo dito?” tanong ni Enan.

“Drawing” sabi ni Jessica sabay pinakita notebook niya. “Ang pangit” sabi ni Enan kaya tinignan siya ng masama ng kaibigan niya. “Parang ikaw” bulong ni Jessica sabay ngumiti kaya nalito ang utak ni Enan at di alam kung masasaktan o matutuwa dahil nakangiti sa kanya si Jessica.

“E sino yang drawing mo?” tanong ni Enan. “Ikaw sabi mo pangit e” hirit ni Jessica. Nagsimangot si Enan sabay tumalikod, “Iiyak na siya” landi ng batang babae. “Hindi” sigaw ni Enan. Naging tahimik sa classroom kaya lumingon si Enan at nakita ang takot niyang kaklase.

“Uy bakit?” tanong ni Enan. “Wag mo ako sisigawan” bulong ni Jessica. “Sorry” lambing ni Enan. “Natatakot ako pag may sumisigaw” bulong ni Jessica. “Sorry ikaw kasi sinasabi mo pangit ako e” sagot ni Enan.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon