Chapter 6: One Like

13.4K 209 14
                                    

Chapter 6: One Like

Biyernes ng gabi nakarating sina Shan, Clarisse at Enan sa bar. Napatigil silang tatlo nang makita yung nakapaskil na tarpaulin sa harapan ng bar. “Oh my God” bigkas ni Enan habang si Clarisse nagtitili at pinagbabangga si Shan.

“Wow my friend, ikaw ba may pakana nito?” tanong ni Shan. “Hindi no. Grabe naman they used a screen grab of me…nakakahiya na to” sabi ni Enan habang pinagmamasdan nila isang larawan niya habang kumakanta nung pageant. Naka photoshop sa tabi niya isang larawan ni Mikan na nakatayo at bumibirit din.

“I think it looks nice, it catches the attention of people” sabi ni Clarisse. “Idol! Whooooo!” nakarinig sila ng sigaw kaya napahampas si Enan sa kanyang noo pagkat nakarating narin sina Greg, Tommy at Jason. “Walanghiya sex symbol! Whooo” sigaw ni Tommy kaya nagtawanan sila.

“I will ask them to take it down” sabi ni Enan. “Wag! Idol ang cool mo nga diyan e” sabi ni Greg. “Totoo, parang si Seal lang e” sabi ni Clarisse. “Seal, funny Mikan told me that too. Sino ba yon?” tanong ni Enan kaya pinagtawanan siya.

“Duh, hindi mo kilala si Seal? You have to be kidding me pare” sabi ni Shan. “Hindi pero for sure kilala niya ako” banat ni Enan kaya laugh trip sila. “Do you know that Seal e panay super model ang girlfriend niya” sabi ni Tommy.

“Oh my apprentice? Ah oo kilala ko na yon. Eto na kinakatukan ko, ayaw ko talaga lumabas pero wala na ako choice. Pero this is good for the economy of the country” sabi ng binata. “Pano naman naging good for the economy?” tanong ni Clarisse.

“Syempre pag narinig nila na lumabas na ako e magdadagsaan na ang mga super model babes from different countries. Hahanapin nila ako dito sa Pinas so lilibot libot sila. O diba? Nakatulong pa ako sa bansa natin. Mapupuno yung mga hotel, mauubos yung bentang mga tabo at drum, sama mo narin mga tissue” sabi ng binata.

“Sir Enan pwede na kayo pumasok” sabi ng guard. “Wow, sir Enan” bulong ni Shan kaya nagbungisngisan sila ni Clarisse. “Enan lang pare, at pwede ko ba sila isama? Mga kaibigan ko sila” sabi ng binata. “Opo sir sige lang po” sabi ng guard.

Pagpasok nila sa loob abala palang yung mga staff na nag aayos ng bar. “So ganito pala itsura ng bar pag wala pang tao” sabi ni Tommy. “Tara Greg habang wala pang tao” sabi ni Enan sabay hinila niya kabigan niya sa stage.

“Sample! Sample! Sample!” sigaw ni Tommy at Jason kaya tawang tawa si Greg. Sa entrance kakapasok lang nina Yvonne, Mikan at Bobby at lahat sila napatigil nang magsimulang magpatawa si Enan sa stage.

“Ladies and Gentlemen, welcome to Mister Gigiba ng Universe!” sigaw nya kaya halakhakan ang lahat ng mga kaibigan niya at staff sa paligid. “Contestant number one…walking down the aisle…” hirit niya kaya si Greg naman mala modelong rumampa sa stage.

“So let us skip the talent portion to save the world from immediate destruction” sabi ni Enan kaya nagtakip na ng bibig si Mikan at nagpigil ng tawa. “So Greg here is your queston…what s the essence of being a monkey?” tanong ni Enan.

Umariba agad sa tawa ang lahat ng tao pagkat hindi maipinta ang reaksyon sa mukha ni Greg. “Oh go ahead take your time to think of your answer? Would you like an interpreter? Is that a yes? Monkey please!” sigaw ni Enan kaya halos mamatay na ang lahat sa tawa pagkat kumunot ang mukha ni Greg.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon