Chapter 45: Boneless

9.3K 168 13
                                    

Chapter 45: Boneless

“Our school will be having our anniversary and this year we shall be having a dance competition that will be open to the grade four, five and six students. So if you are interested sign your names here” sabi ng guro.

Titig na titig si Shan kay Jessica, “O Shan chance mo na para maka partner crush mo” bulong ng katabi niya. “Kaya nga e, teka lang” sabi ni Shan sabay tumayo at nilapitan si Jessica.

“Uy Jessica, tara sali tayo” alok niya. Tumayo si Jessica, napangiti si Shan kaya sabay sila lumapit sa guro. “Yiheee” kantyaw ng mga kaklase niya, “So you two are joining?” tanong ng guro. Ngumiti lang si Jessica sabay naglista sa papel. Tumalikod na si Shan, ang laki ng ngiti sa kanyang mukha habang pabalik sa kanyang upuan.

Kapapasok ni Enan galing sa CR, naupo siya sa tabi ni Jessica sabay tinignan nila yung guro. “So wala na ba sasali pang iba? Anyone else?” tanong ng guro. “So its only…” sabi niya sabay basa sa papel. “Jessica and Andoy” basa niya kaya napasuntok si Shan sa kanyang lamesa.

“Huh” bigkas ni Enan sa gulat, “Yes teacher, we will join” pacute ni Jessica. “Ikang ano yon?” tanong ni Enan. “Sasali tayo sa dance contest ng school” sagot ni Jessica. “Sige” sagot ng batang lalake kaya nagulat ang kaibigan niya. “Hindi ka gulat Andoy?” tanong ni Jessica.

“Hindi, parang practice mo siguro to sa competition mo kaya sige sali tayo. Pero pwede na ba magturo mama mo?” tanong ni Enan. “Kaya na niya, sama ka mamaya sa bahay para…” sabi ni Jessica pero biglang nagsalita yung guro. “Oh Jessica, its going to be ballroom okay?” sabi niya.

“Ballroom” bigkas ni Enan. “Kaya ni mama yon, basta mamaya punta tayo sa bahay” sabi ni Jessica. Sa malayo nanlilisik mga mata ni Shan. “Bakit pa yung pangit pinili niya” bulong niya. “Bestfriend niya kasi e” sabi ng katabi niya.

“Ang pangit pangit naman, di ba siya nandidiri diyan? Pagtatawanan lang sila. Dahil sa pangit na yan matatalo siya” sabi ni Shan. “Kaibiganin mo kasi, crush mo naman e. Malay mo pag kaibigan mo siya baka piliin ka niya” sabi ng katabi niya. “Hindi na nakasulat na e, dibale hahanap ako partner tapos sasali din kami” bulong ni Shan sa inis.

Pagsapit ng dismissal sa bahay nina Jessica tumabi si Enan kay Arturo habang kalaro nito yung kapatid ng kaibigan niya. “Lolo noong baby si Ikang ganyan din ba siya?” tanong ni Enan. “Wag mo sasabihin, mas cute itong si Florence” bulong ng matanda kaya nagbungisngisan sila.

“E lolo gusto mo daw boy, e girl nanaman lumabas” sabi ni Enan. “Ayos lang apo meron ka naman na boy” sabi ni Arturo kaya napangiti si Enan. “Sige po lolo kasi magprapractice pa kami ng dance” sabi niya.

“Dance? Anong dance, wala naman competition si Ikang” sabi ni Arturo. “E kasi sinali niya kami sa competition sa school” sabi ni Enan. “Gusto mo sumayaw?” tanong ng matanda. “Kung ano gusto ni Ikang e gusto ko narin” sabi ni Enan. “Tinatanong kita iho, gusto mo ba sumayaw?” tanong ni Arturo.

“Lolo kung ano gusto ni Ikang yun narin gusto ko” sagot ni Enan. “Iho wag ganyan, alam mo ang pagsasayaw kung ayaw ko talaga e di rin sasang ayon katawan mo. Yung pagsasayaw e parang kanta din, kung di mo nadadama yung kinakanta mo hindi maganda kinalabasan”

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon