"Z A C H P O V"
KRINGGG.....KRINGGGG....
Nagising ako dahil sa subrang lakas ng tunog ng alarm clock ko.
Hayyysss.....nakakabwiset inaantok pa ako kaya dali dali kong inoff ang alarm clock ko at pumikit ulit pero di na talaga ako makatulog kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at pumunta sa banyo para maligo.
Nakapikit pa ako habang nasa loob ng banyo hangganggg saaa....
Pakshiiittt...
Ang lamig ng tubig ..grrr....kaya dali dali akong naligo at nagbihis ng uniform ko bago ako umalis tumingin muna ako sa salamin..
"Hayyyss....ang gwapo mo talaga Zach , kahit sang angolo tignan"
Nagpogi sign pako bago ako lumabas ng kwarto , pakanta kanta akong bumaba sa hagdan nakita ko si mommy sa sofa nakaupo kaya lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi nya
"Good morning my beautiful sexy and gorgeous mommy"
"Mukhang good ang gising mo ngayon anak ahh" ngiting tanong nya
"Syempre mom , nagising kasi akong pogi padin" ngingiti ngiting sagot ko sakanya napailing na lang si mom
"Sigeh mom alis na po ako" paalam ko sakanya
"Saan ka pupunta anak at bat ka naka uniform?" takang tanong nya
"Papasok ako sa school ma"
"Ha? ehh... wal-----" pinutol ko ang sasabihin ni mom tss...baka masira pa ang mood ko ngayon kaya dali dali akong lumabas at sumakay na sa kotse ko.
Nagsountrip ako habang binabay bay ko ang daan patungong school ,ilang minuto lang ay nakadating na ako sa school kung saan ako nag aaral , pasayaw sayaw akong lumabas ng kotse at dali daling lumakad papuntang gate.
"Hi manong guard" bati ko sa gwardya namin sa school
"Ouhh...iho bat ka nandito?" takang tanong nya , bat ba sila nagtataka na pumasok ako una si mommy tapos ngayon yung guard naman namin sa school ano bang problema nila?
"Papasok ako obvious ba?" medyo inis kong sabi
"Ha?" takang tanong nya
"Bingi ka ba manong guard? sabi ko PAPASOK AKO NGAYON!". sabi ko at halata ng may inis sa tuno ng boses ko, mas subra pa akong na inis ng bigla syang tumawa ng malakas , anong nakakatawa dun?
"Hahahahah!!!... ikaw talaga iho ang sipag mong mag aral kahit sabado nag aaral ka , bilib ako sayo iho" tawa nyang sabi habang pailing iling
"H-ho? anong sabi nyo?" para kasing may mali akong narinig
"SABADO NGAYON IHO"
Pakksshhiiitttt...kaya pala nagtataka si mommy kanina , sabado pala ngayon , na over kasi ako sa excited na makita at kulitin si Ms.sungit ehhh...kaya napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti kay manong guard
"Hehehe! salamat po manong , alis na po ako"
Bago ako tumalikod nakita ko syang umiling iling .
___________
"Oh! bat naka simangot ka?" tanong saakin ni mommy nung maka uwi ako nasa sofa parin sya
"Bat dimo sinabi na sabado ngayon mommy?" nakasimagnot kong tanong
"Yan sana ang sasabihin ko kanina bago ka umalis kaya lang dali dali kang umalis " sagot nya
"Tsss..." yun lang ang sagot ko at umakyat na sa kwarto ko at nagbihis
BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT?
Genç KurguBeing inlove is the most painful part but beautiful feeling at the same time. Tanong ko lang naranasan mo na bang ma inlove? yung tipong hindi kompleto ang araw mo pag di mo sya makita, Dahil ako? naranasan ko yan, sarap lang sa pakiramdam pero mas...