Chapter 10 [Move on]

251 7 0
                                    


"S A P H I R R A 'S     P O V"

1 YEAR LATER.........

One year had passed and halos one year din akong laging umiiyak. Lalo na't lagi kung naaalala ang mga kaibigan ko. Nung Isang buwan hindi ko na sila nakikita nalaman ko na lang na lumipat na pala sila ng school. Tindi nga talaga ng galit nila sakin dahil nagawa pa nilang lumipat ng school para hindi ako makita.

Si Zach nagpapasalamat ako sakanya dahil kahit ang sungit sungit ko tiniis parin nya ako. Hindi nya ako iniwan. Lagi syang nasa tabi ko. He help me fixed my self. Tinulungan nya akong bumangon ulit. Sinagip nya ako sa pagkalunod ko sa matinding kalungkutan. He always make me laugh and nagpapasalamat ako dun.

"Sap may lakad ka mamaya?" tanong sakin ni Zach

"Wala naman bakit?" sagot ko habang nanonood ng tv dito sa condo ko.

Yes, andito ako sa condo ko ngayon , niregalo nila mommy at daddy sakin nung birthday ko. Magkaibigan kami ni zach kaya pwede syang pumunta dito anytime and I trust him.

"Date tayo mamaya?" napalingon ako sakanya

"D-date?" nauutal kong sabi

"Oo date , friendly date" nabunutan ako ng tinik ng marinig ko yun. kala ko pa naman kung anong date.

"Ikaw bahala" sabi ko at tinuon ulit ang atensyon ko sa tv.

Tumingin sya sa wrist watch nya.

"Alis na ako , I'll fetch you later mga 6 pm" sabi nya sabay tayo.

"Bye" sabi ko at lumakad na sya papuntang pinto ng may naalala ako.

"Eyy..Zach!" tawag ko sakanya
Lumingin sya at binigyan nya ako ng nagtatanong na tingin.

"Wag mo ko sunduin dito sa condo ko , uuwi kasi ako sa bahay"

"Sabay kana sakin kung uuwi ka pala sa bahay nyo"

"Nahh....aga pa tas wala pa siguro sila mommy at daddy dun ma boboring lang ako"

"You sure?"

"Yes , magpapahatid na lang ako sa driver namin"

"Ok" sabi nya sabay talikod.

Nag stay pa ako sa condo ko ng ilang oras hanggang sa napag desisyonan kong umuwi na sa bahay namin.
As I expected wala pa nga sila mommy at daddy kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at agad agad humiga sa kama ko.

BEEEEPPPP.... BEEEPPP...

Nagising na lang ako dahil sa lakas ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin.

"Nakatulog pala ako"  wala sa siriling usal ko at sino ba yang gagong nagiingay sa labas ng bahay namin kaya dali dali akong lumabas ng bahay at nakita ko ng isang lalaking nakangising nakatingin sakin habang nakasandal sa kotse nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Hoy lalaki bat ang ingay mo jan ha?" taas kilay kong sabi sa taong kaharap ko ngayon

"Kahit kailan talaga ang sungit mo pasalamat ka mahal kita"

"Ano sabi mo?" di ko kasi narinig yung huling sinabi niya masyado kasing mahina.

"Wala , sabi ko di mo ba ako papasukin nilalamok na ako dito ohh..." sabi nya habang nakasingamot.

Kaya pinapasok ko na sya at iniwan ko muna sya para mag bihis.

_____________________

"Z A C H   P O V"

PAST OR PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon