Kabanata 5

329K 14.2K 8.3K
                                    

Thank you for waiting, medyo natagalan sa update bukod sa christmas vacation ay medyo masakit ang mata ko kaya hindi ako makapag-sulat ng mahaba. Enjoy Reading!

Kabanata 5:

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko alam kung iniiwasan ba ako ni Travis o talagang wala naman siyang pakielam sa akin. Ayos lang naman talaga sa akin, edi kung ayaw niya akong kausapin edi huwag!

Ngayon ang punta namin sa pamilya niya sa San Fernando Pampanga, isang oras din ang biyahe mula sa amin.

Hindi na ulit nasundan ang pagkain ko sa office ni Travis, hindi naman sa umaasa akong aayain niya ulit ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang kumalat na chismis sa year namin na nakita raw ng ilang istudyante si Travis at Ma'am Bea sa isang restaurant.

So he accepted her request.

"Sascha faster!" rinig kong sigaw niya sa labas ng kwarto.

Padabog kong binaba ang suklay at binitbit ang bag ko palabas ng kwarto namin.

"Oo nandyan na, punyeta," bulong ko sa inis.

Hindi ko alam pero mas dumadagdag ang inis ko ng makita ang gwapo niyang mukha na inip na inip na nakatayo sa ibaba ng hagdan habang nakapamewang at hinihintay ako. Nakasimangot na nga gwapo pa rin! Dapat krimen na 'yan e.

"Ang tagal mong kumilos, bawat ba gamit sa kwarto kinakausap mo?" inis na tanong niya.

Inirapan ko siya. Aba, sawang-sawa na ako sa pagsusungit niya buong linggo. Mas maganda pa ngang wala siya rito mas malaya akong gawin ang gusto ko.

Hindi ko siya sinagot at nagpati-una akong lumabas. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong sumunod siya palabas, may sinabi pa siya kay manang bago tuluyan sundan ako. Bubuksan ko na dapat ang chevrolet trailblazer niya ng patunugin niya ito.

Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko siyang umikot para pumasok sa driver seat.

Bahagya pa akong napasinghap ng malanghap ang pamilyar niyang amoy sa loob ng kotse. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse niya pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon? Kinakabahan ako na naiilang.

Mula sa gilid ng aking mata nakita kong sumulyap siya sa akin habang binubuhay ang sasakyan niya. Napanguso ako. Alright, I feel uncomfortable.

"Isn't your skirt too short?"

Napalingon ako sa kaniya, sumandal siya't nagsimulang magdrive. Isang kamay lang ang gamit niya habang ang kaliwang siko ay nakatukod sa kaniyang gilid at pinaglalaruan ang ibabang labi niya.

"Hindi naman maikli, sakto lang 'to." tukoy ko sa maong na palda ko. Hindi naman talaga maikli. Above the knee na nga.

Hindi siya kaagad nagsalita parang may pinoproblema siya.

Kunot-noo ako habang pinagmamasdan ang kaniyang masungit na mukha.

"Ganyan din ba kaikli ang skirt uniform mo?" blanko ang kaniyang boses.

Tumingin ako sa labas, sa totoo lang hindi pa kami nag-u-uniform, bali sa monday pa talaga kami nagsusuot ng uniform.

"Oo ganito-"

"Magpatahi ka ng bago."

Napalingon ako sa kaniya.

"Ha? Bakit? Lima 'yong palda ko hindi na kailangan magpatahi sakto na-"

Teach Me, Sir (Teach Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon