Kabanata 33

387K 10.7K 10.9K
                                    


Hi, thank you for reading TMS. Actually, may mga naisip pa akong scene at mga tauhan na ipapasok para humaba. May twist pa sana akong ipapasok pero masyado ng mahaba. Hanggang dito na lang talaga sila, kahit gustuhin ko man ay hindi ko magagawa dahil by feb ay mawawala ako sa watty focus sa career. Mas okay ng matapos kaysa maiwan na hindi tapos. Hope you understand. Next chapter will be the Epilogue. Enjoy Reading!

Kabanata 33

SPG

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis, simula ng malaman nila na asawa ko si Travis noong nakaraan araw ay tampulan na ako ng tukso, ang iba ay feeling close sa akin na halos dalhan na ako ng pagkain sa table ko at paypayan samantalang ang iba ay may lihim na pag-irap kapag dadaan ako.

Wala naman na sa akin iyon ngayon, kung noon bata pa ako ay baka isipin ko ang sasabihin nila, ngayon ay wala na.

"Good bye, class. I will check your portfolio tomorrow, okay?"

"Yes ma'am!" sabay-sabay usal ng mga istudyante ko bago kaniya-kaniya ng labas.

Lunch na't tapos na ang pangatlong klase ko ngayon araw. Mamaya ay wala na akong klase samantalang bukas ay full ang sched ko.

Hawak ko ang chalk box habang naglalakad sa hallway, nginitian ako ni Sir Ruel ng madaanan ko siya na nagtuturo sa isang silid. Nang makadating ako sa faculty ay iilan pa lang ang teacher, siguro ay hindi pa nagpapalabas ang iba.

Napalingon ako sa isang matandang teacher na nandoon, napansin ko kasing hinihilot niya ang kaniyang sentido kaya tumayo ako.

"Ma'am masakit po ulo niyo? May gamot po ako sa bag," magalang na wika ko.

Bahagya siyang tumingala sa akin at tipid na ngumiti. "Okay na iha nakainom na ako, tumaas ata presyon ang sakit ng ulo ko. Ang dami ko pa naman kailangan asikasuhin," aniya.

Tumingin ako sa madaming papel sa kaniyang lamesa. Tutal wala naman na akong gagawin, tutulungan ko na lang siya.

"Ano po ba gagawin pa baka matulungan ko kayo Ma'am?" tanong ko habang sinisipat ang lamesa niya. I can check the papers and encode the grades.

Gulat siyang napatingin sa akin. "Nako, hindi na iha."

"Sige na po kahit 'yong simpleng bagay lang, para mabawasan naman gagawin mo po."

Naiilang man ay inabot niya sa akin ang isang papel. "Papapirmahan iyan sa Principal, project kasi iyan para sa garden sa likod. Hindi pa na aaprubahan ni Sir, baka pwedeng pakisuyo iha."

Ngumiti ako saka tinanggap iyon bago lumabas. Pipirma lang pala, madali lang iyon. Nakakapanibago rin kasi kahit mga matatanda ay Sir na rin ang tawag kay Travis.

Nang makarating ako sa office ni Travis ay kakatok sana ako pero ng marinig ko ang malakas na sigaw niya. Bahagyang  nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako doon.

May tatlong lalaking nakatayo habang nakayuko ang ulo, si Travis ay nakatayo rin kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mata.

"Sinabi ko na sainyo iyan noong bago pa mag pasukan! I told you to change the contractor of that fucking building! Ngayon nagkakagipitan sa akin kayo magrereklamo?!" he shouted.

Napakurap-kurap ako. Parang ngayon ko lang ata siya nakitang galit na galit.

"Sir sorry po kasi--"

Teach Me, Sir (Teach Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon