Kabanata 24

361K 13K 13.9K
                                    


Warning: SPG

Kabanata 24

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa hiyang nararamdaman. Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng paligid. Nahihiyang nagtaas ako ng tingin kay Travis.

He pouted his lips like he's stopping himself from smiling. Travis was extremely amused. He tried to hide it, but his eyes were dancing with amusement.

Tumikhim siya saka masuyong hinimas ang likod ko animong walang ibang nakatingin sa amin sa oras na iyon.

I could feel sweat beading on my forehead as I stared to him. Nakakahiya! Saan ba ako kumuha ng lakas kanina para gawin 'to? Ngayon, paniguradong sasabunin kami ng tanong. Ayos na sa akin, sasagutin ko lahat basta kasama ko si Travis. Ayos na sa akin.

"I love you too," he said in low but sweet voice.

Narinig ko ang madramang pagsapo ni Sir Rico sa dibdib niya animong nabunutan siya ng tinik sa dibdib sa narinig at nakita. Sunod-sunod ang bulungan sa paligid, may ilang napatayo na istudyante para lumapit sa amin. Sa dami ng bumubulong ay wala na akong maintindihan pa.

"What's the meaning of this Sir Travis?" matinis na boses ni Ma'am Bea ang pumukaw sa akin. Tinangal ko na ang yakap ko kay Travis.

Kahit siguro gustong-gusto kong manatili sa kaniyang bisig ay hindi pwede.

Hindi ako hinayaan ni Travis na umalis sa tabi niya, hinawakan niya ang aking braso na para bang kapag lumayo ako ay babaguhin ko pa ang sinabi ko.

"I'm married," iyon lang ang sinabi ni Travis.

Bahagyang lumaki ang mata nila, kahit inaasahan ko na iyon ang magiging reaksyon nila ay kinabahan pa rin ako. But it's okay to feel this awkward than to feel hurt because my husband is avoiding me. Mas okay na 'to.

Bahagya pang tumawa si Ma'am Bea, saka napailing animong nagbibiro lang kami. Hindi ako nagsalita, tiningnan ako ng adviser ko na nagtatanong. Tipid lang akong ngumiti kay Ma'am.

"You're kidding me," hindi makapaniwalang ani Ma'am Bea.

Hindi siya sinagot ni Travis. Bumaling siya sa akin saka bahagyang yumukod upang mabulungan ako. "Pumunta ka na muna sa mga kaibigan mo, ipapaliwanag ko lang sa mga teacher," wika niya.

Tumango ako saka nagsimulang bumalik doon sa mga kaklase ko. Umalis si Travis at Sir Rico sumunod sa kanila ang ibang teacher. Sigurado akong sasabunin siya ng mga ito.

Nang makalapit ako kaagad akong nilapitan ni Daryl, ginulo niya ang aking buhok. "You did a great job," tipid siyang ngumiti. Hindi ko alam bakit hindi iyon umabot sa kaniyang mata, pakiramdam ko ba'y hindi talaga siya masaya sa ngiti niya.

Napukaw ang pagpansin ko sa ekspresyon ni Daryl nang magtitili si Kevin sa gilid at naghampasan sila ni Lisa. Dinumog nila ako kaya napangiwi ako.

"Ow. Em. Gi!" tili ni Kevin.

"Tangina bakla manahimik ka!" sigaw ng isang lalaki kong kaklase kay Kevin saka tumingin sa akin. "Totoo Sascha?" Tumango ako. Napa "O" ang bibig nila.

Nagulat ako ng humalakhak ang lalaki kong kaklase saka bumaling sa iba kong kaklase na nakapalibot sa akin.

"Oh paano ba 'yan? Talo kayo sa pustahan. Bayad. Bayad na. Bente oh akin na bente punyeta!" ani ng siga kong kaklase. Nilahad pa niya sa ere ang kamay niya na para bang nagmamayabang siya.

"Shit naman, talo ako sa pustahan." Naglabas ng bente si Lisa saka inilagay sa lapag. Gano'n din ng ginawa ng iba.

Tawa naman nang tawa 'yong kaklase kong siga, kasama yong limang barkada niya. Ilang babae at si Kevin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila ng kaniya-kaniya silang hatian sa pera.

Teach Me, Sir (Teach Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon