Kabanata 10

339K 13.1K 9.8K
                                    


Kabanata 10:

Napangiwi ang nang makita si Kevin sa malayo habang naglalaro ng valleyball. Masyado naman kasing halata ang bakla na sinasadyang bungguin ang gwapo sa kakampi niya, sigurado akong nananansing lang ito.

Nakaupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Kasama ko si Alice pero pakiramdam ko'y wala akong kasama dahil tutok na tutok ito sa pinapanuod na anime.

Sinubukan kong dumungaw sa kaniyang cellphone at bahagya pa akong napatigil ng dalawang lalaki ang naghahalikan doon. Kaagad kong tinabig iyon at napangiwi sa kaniya, kung anong kina-amo ng mukha ay siyang kinadumi ng isip.

"Ano ba 'yang pinapanuod mo, Alice?" tanong ko sa kaniya kahit pa nga nakita ko na.

"Yaoi," nagkibit-balikat siya saka bumalik sa panunuod.

Hindi ko na siya pinansin at ibinalik ko na lang ang aking tingin kay Kevin na binubunggo-bungo pa rin ang lalaking kalaro. Si Lisa naman ay hindi namin kasama dahil table tennis siya sumali.

Napalingon ako sa kanan ko ng may umupo doon. Napangiti ako ng makita si Daryl.

"Tapos na ang last subject mo?" tanong ko. Irregular student siya kaya may ilang subject siya na sa ibang section lang tini-take.

"Yup, we had a quiz," simpleng sagot niya bago ilibot ang paningin sa buong field kung nasaan kami.

Marami pang istudyante dahil practice sa hapon.

Nasa ganon kaming posisyon ng may magsalita sa gilid namin. "Daryl, can I talk to you for a minute?" bahagyang napataas ang kilay ko kay Nade. Iyong kaklase namin.

Bahagyang sumulyap sa akin si Daryl bago sumagit "Sure, Nade. What is it?"

Nag-iwas tingin ako ng ngumiwi siya, "Tayo lang sana."

"Ah, Okay?"

Tumayo si Daryl at lumayo nga sila, pumunta sila sa isang puno sa medyo malayo sa amin. Hindi na ako lumingon pa, nitong mga nakaraan araw ay napapadalas ang pag-uusap nila. Hindi naman sa pagiging chismoso, pero parang gano'n na nga. Parang may tinatago ang dalawa na 'yon.

Pumalumbaba ako saka ko naisip ng sinabi ni Travis ilang linggo na ang dumaan.

He will make me pregnant. Damn.

Naiisip kaya ng lalaki na 'yon ang pinagsasabi niya sa akin no'n? Dahil ng magising siya ay nagsungit na naman.

Speaking of Travis, tomorrow is his birthday. Dapat ba ay magregalo ako? Ano naman ibibigay ko? Saka ang baon ko naman ay sa kaniya rin galing. Pera rin niya iyon.

Nakuha ang atensyon ko ng mga kumpol ng babaeng istudyante sa hindi kalayuan.

Napataas ang aking kilay ng makitang si Travis ang sinusundan nila ng lakad. Gosh, wala bang mga magawa ang mga babae na 'yan? Saan course ba sila? Tourism?

"Tsk," napailing ako ng makitang hinarang ng dalawang babaeng may malaking suso si Travis at parang may pinapa-check dito.

May inabot silang papel, naningkit ang aking mata.

Nag-uusap sila kaya nilagyan ko sila ng boses. Habang bumubukas ang bibig nila.

"Sir, ito na po ang bagsak namin na grade," ang isang babae ang nagsasalita. Niliitan ko ang boses ko.

Nakita kong ngumiti si Travis. Nilakihan ko ang boses ko katulad ng sa kaniya. "Ah sige, tanga ka naman talaga."

May sinasabi pa ang babae, "Thank you, Sir."

Nang lagpasan sila ni Travis ay napabuntong-hininga na lang ako. Nababaliw na ata ako, mabuti't busy si Alice at hindi narinig ang mga pinaggagawa ko.

Teach Me, Sir (Teach Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon