MAURICE
"Can I kill you?"
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa naging tanong ng lalaking kaharap ko. Ramdam ko ang paninigas ng aking katawan dahil sa kilabot na nararamdaman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa panlalamig. Ramdam na ramdam ko rin ang pagragasa ng kaba at takot sa dibdib ko.
Parang matutumba ako sa halo-halong emosyon.
Sino ba ang hindi matatakot kung may taong bigla-bigla na lang mambabanta sa iyo ng hindi mo alam ang rason?
Wala...
Kita ko ang pagsilay ng isang nakakakilabot na ngisi sa labi ng lalaking maihahalintulad ko kay kamatayan nang makita nito ang naging reaksyon ko.
Napahawak ako nang mahigpit sa walis na hawak ko upang maitago ang takot ko sa kanya.
"Sino ka?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.
Ako lang ngayon ang mag-isa sa bahay dahil dumalo sina Ate Beatrice at Tita Helena sa gaganaping anniversary celebration ng kumpanya ni Daddy ngayon. Wala rin dito ang mga kasambahay dahil hiniram ng kumpanya ang serbisyo nila. Tiyak kasing madaming tao ang dadalo sa nasabing pagdiriwang.
Alas-dose na ngayon ng gabi at nabulabog ang tulog ko dahil sa malalakas na katok na nagmumula sa main door. Kumuha muna ako ng walis upang gawing sandata bago dahan-dahang nagtungo sa pinto. Nang mabuksan ko iyon ay ang lalaking ito ang bumungad sa'kin.
Naramdaman ko kaagad ang lamig ng hangin sa labas at kitang-kita ko ang maraming kidlat na nagmumula sa langit. Rinig na rinig ko rin ang patak ng ulan sa labas na tumatama sa damit ng lalaking nasa harapan ko.
Para siyang si kamatayan na sinisingil ang buhay ko sa kailaliman ng gabi.
Imbes na sagutin niya ako ay isang malutong na tawa ang sinagot niya sa'kin. Nakakarindi at nakakatakot ang mga tawa niya na akala mo ay wala sa tamang pag-iisip. Napakagat naman ako ng aking labi at mas pinatapang ang sarili.
"Feisty, I like that," papuri niya.
Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos nang marahan ang pisngi ko. Ramdam ko ang lakas nang tibok ng puso ko dahil sa takot. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lamang siya nakita pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong mag-ingat sa kanya.
Na kailangan kong tumakbo papalayo sa kanya.
Hindi ako makahinga nang maayos habang hinahaplos niya ang pisngi ko. "You're pretty," ani nito.
"Sino ka?" tanong kong muli sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka-maskara siya na kulay black.
Nawala ang ngisi sa mga labi niya at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.
"You can call me the Grim Reaper..." sagot niya bago naglabas ng patalim na kulay pilak at itinutok sa'kin.
"... and I am here to escort you to hell," dugtong niya bago ako inatake ng katanang hawak niya.
Hinarangan ko kaagad ang atake niya gamit ang walis na hawak ko upang hindi matamaan ng katana. Ramdam ko ang bigat ng armas niya bago maputol ang panangga ko. Tumingin ako sa kanya nang may takot sa mga mata. Kung hindi ko ipinangga ang walis na hawak ko ay siguradong duguan at patay na ako ngayon dahil sa talas ng katana niya.
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.