Abby's POV
"Someday, our destinies will entwine."
********
"At dahil hindi pwedeng dalawa ang manalo dito sa contest, kailangan natin i-break yung tie. By giving this clincher question." Sabi nung isang proctor. Bali, dalawa sila dito.
Nasa contest nga pala kami ngayon, Mathematics Quiz Bee. At isa ako sa mga susubok sa clincher question nayan, bakit ba kasi kami nalang naglalaban. Nakakaboring.
"Ms. dela Cruz, Ms. Chan. Ito na yung tanong." Binigay na nila yung tanong pero this time hindi naming kailangang magsolve. Ie-explain. Binigayan kami ng isang minute para magsagot. Kapag, walang nakakuha samin nung exact na sagot yung pinakamalapit ang icoconsider.
Kailangan kong manalo dito kasi kailangan ko magvaledictorian sa school ko. Tama, grade 6 ako. So kailangan ko nun, kapag hindi ako na nalo dito magiging salutatorian ako.
Tingnan ko muna siya, saka ako nagsagot. Mukhang hindi magpapatalo 'to ah?
***
"Okay, time's up. Raise your boards now." Halos sabay naming itinaas yung mga sagot namin. Grabe bakit ako kinakabahan, second time lang ata 'to. Kasi yung mga nauna, kay - wala wala.
Pero bakit ganto yung nararamdaman ko, ngayon lang ako kinabahan sa mga laban ko. Lalo na sa Math. Hindi ako makapaniwala.
"Okay, we made our decisions na. At ang mas malapit na sagot ay yung kay Ms. Chan." Sabi nug proctor 1. ANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNOOOOOOOOOO????
Nagpalakpakan na sila. "Excuse me. Gusto ko lang, malaman niyo na andito pa po ako. Hindi niyo lang ba ie-explain kung pano nangyari yun?" Hindi pa sila nakakasagot nung hilain ako ng Trainor ko.
"Ano bang ginagawa mo? Okay lang yun, Abby." Sabi ng trainor ko. "What? Okay lang yun ma'am paki explain po kung ano yung okay dun? Okay lang po bang salutatorian ako?" tss.
Hindi pa nakakasagot yung trainor ko ng biglang may sumulpot na demo-"Nice game, kanina ah?" sabi niya sakin na inaabot yung kamay. Seryoso? Makikipagkamay pa siya? Aba! Binubwisit pa ata ako nito eh. "Wow, eto hindi ko alam kung nang-aasar ka ba o hindi ah? Pero wala akong time makipag usap sayo, o makipag kaibigan o kahit makipag kamay man lang. Wala na, sinira mo! Dahil sa'yo 'to!" tumakbo na ako papuntang kung saan --- hindi ko alam. Siguro kung saan nalang ako madala ng mga paa ko.
******
"Okay lang yan, Abby. You make us very proud. Kahit hindi ka nagvaledictorian, marami ka paring maiuuwing awards." Sabi sakin ni mommy. Okay lang kaya talaga sa kanya. Hindi ko alam, baka sinasabi niya lang yan kahit hindi totoo. Pero sana nga, totoo kahit ngayon man lang.
"Oo nga naman friend, atleast hindi mo na kailangan pang problemahin ang iyong madramang speech." Sabi ni Nica, loka talaga 'to. Pero may point siya, hahaha! "Nako, tigilan mo ako Nica ah?" nagexcuse lang muna ako kay mommy at dinala si Nica kung saan.
Oo, tama. Dun nalang sa dati naming tinatambayan! "Uyy, san ka mag-aaral sa highschool Nics?" tanong ko sakanya.
"Hmm." Nag isip pa talaga siya ah?
"Wow, nag iisip. I'm so proud of you Nica!" biro ko. Mamimiss ko talaga to.
"Sa Cavite na daw, ata eh. Mas okay daw yun, para marami na kaming magkakamag anak dun eh." Sabi niya.
"Mas okay ba na iiwan mo yung bestfriend mo?" nagpout ako sakanya.
"Baliw ka talaga." Binatukan na naman niya ako. Nakakailan na to ngayong araw, graduation. Hihi.
Pero teka ngayon, naiiyak siya. Alam kong pinipigil niya lang yun.
"Ikaw pala yung baliw eh, kanina tumatawa tawa ka dyan tapos ngayon ---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, bigla niya nalang akong niyakap kasabay na pagbulong ng mga salita na
"Mamimiss kita Abby. Friends Forever ah? Mwa."
"Oo naman" ani ko.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...