X. Movie Night

28 1 0
                                    

Hera's POV

Time check: 7:00 pm

I'm with Abby. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Nathan. Napagkasunduan ng tropa na magkaroon ng overnight and since Friday naman ngayon, lahat kami pumayag. This way, may bonding moments narin kami.

"Yo. Ang aga niyong dalawa ah." Wow. Gandang salubong neto ni Travis eh noh? Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Than, woah. Andito na nga silang lahat.

Madaming chichirya na nakakalat sa sahig, mga softdrinks, tas may pizza pa. Madami 'ding mga kumot at unan sa sahig.

Nakadapa sa kama si Gio habang si
Nathan naman ay nakahiga sa sahig. Si Chloe naman ay simpleng nakaupo lang sa

"Dito ka." Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Nathan pala. He patted the seat beside him at naupo naman ako dun.

Sumunod na silang lahat. Since kumpleto narin kami, naupo na kami ng isang hilera sa sahig. Ganito yung formation namin ↓

Chloe→Gio→Abby→Nathan→Ako→Travis

Woah. Si Alcantara pala 'tong nasa gilid ko. Psh. Baka daldalin at kulitin lang ako neto. Di ko maiintindihan yung movie >____<

"Hoy Alcantara. Lumipat ka nga sa ibang lugar. Ayaw kitang katabi."

"Aray ko naman Chan." Pagdadrama niya, sabay lagay pa ng kamay niya sa may dibdib niya. Arte grabe. "Ganyan ka talaga kasama sakin 'no? Akala ko pa naman mahalaga ako sayo.. Huhuhuuuu."

"Pst uy! Ingay mo Travis! Manahimik ka nga." Wooh. Salamat talaga Nathan. Buti nalang naawat mo 'to. Kung hindi.. Nagsasakitan na kami neto ngayon. Hahaha!

"Guys! Anong gusto niyong panoorin?" Chloe.

Nagtaas ng kamay si Abby. "Hmm. Yung romantic! Must be love meron?"

"Eherm. Hopeless romantic lang teh?" Binelatan niya lang ako. Haha. Totoo naman. Ang corny kaya nun.

"Annabelle nalang, guys." Travis.

"Yun! Hahahaha!" Gio.

"Sige. Para exciting." Ako.

"Guys, bayan! Ayoko ng horror!" Pagmamaktol ni Chloe. Tss.

"Hoy manahimik ka dyan! Majority wins." Sagot naman sakanya ni Alcantara sabay belat. 'Tong magkapatid talaga, laging di magkasundo. Kaloka!

Wala naring nagawa si Chloe. Kaya ayan, kanya kanyang tilian sila ni Abby. Yung boys naman, ayun. Pakain kain lang. Psh.

Hmm, wala namang katakot takot dito sa movie na 'to. Puro jump scares lang. Walang masyadong nakakatak--

"WAAAAAAAH!"

"SH*T." I cursed silently to myself.

Yeah, the scene was very shocking. Nakakatakot yung babae. Halata naman diba? Halos lahat sila napasigaw.

Pero hindi ako napamura ng dahil lang doon. Hindi ako ganon kababaw para gumawa ng move na makasasama.

"Uy Abby awat na. Wala ng nakakatakot oh."

"Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina ka pa pinaglalamayan." Sabay nguso sakin ni Travis na akala niya'y di ko nakita.

Pano ba naman kasi, nayakap -- o baka naman niyakap? Yeah. Whatever. Basta Abby did that. Kanino? Kanino pa ba? Oo, pwedeng si Gio na katabi rin niya. SANA si Gio nalang niyakap niya. Pero sino? Oo. Si Nathan. At masyado atang nag-enjoy si inday. Higpit ng yakap hanggang ngayon eh.

Collision of FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon