Abby's POV
Magandang buhay! Haha. Sorry. Sinusubaybayan ko na kasi ngayon yung Dream dad.
On the way na ako sa school. Andaming kong iniisip, katulad nalang nung wala na akong stock ng Corn Ole sa bahay, hindi ako tinirhan ng Pancake ni Yaya pati ni Kuya. Kasi naman, kelan pa siya nahilig dun. Andaya. Alam ba niyang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dun.
Okay, ang OA ko na.
"eOwSZx Poewwsz." Sabi ni Hera sabay batok sakin.
"Kadiri ka! Umagang umaga. Ano na hithit mo?" Sabi ko. Ayun halagpak na naman yung tawa niya. Iba to eh. Minsan pahinto hinto tawa niya minsan biglaan. Tapos minsan matatawa ka din.
"Hindi seryoso ako. Ano nga?" Ako.
"Hindi ko na kailangan ng mahihithit. There is someone that makes me crazy na naman." Hera. Yuck. Corny.
"Nahawaan ka ba ng epal kong kuya? Kadiri kayo." Ako.
"Bitter ka lang " Hera.
"Kadiri." Ako.
"Pfft. Hahaha." Hera.
"HAAHAHA--" ako. Seriously? Pasira. Nagtatawanan dito eh.
"Sorry. Pero Abby sabi kasi ni Ma'am Fajardo kanta ka daw sa program mamaya. Pili ka nalang daw pyesa. Sige iwan ko na kayo." Tumango ako. Ano daw? Wait. Di pa nagsisink in sakin. Kakanta daw ako? Teka? Anong akala nila. 7:45 am na ngayon. Yung program is magsisimula by 8:00 am. Srsly?
"Uyy, isip ka ng kakantahin ko. Hala. Hala." Ako.
"Ang OA mo puta." Hahaha OA ba? I'm so sorrryyyy.
"HAHA. Ano nga?" Ako.
"Hm. Gusto ko drama. Hmm.. Catch me I'm falling." Hera
"Ah, yung kay Toni ba yun?" Ako.
"Yeeeep." Ang hyper talaga niya ah.
Nagsearch ako ng audio nun. Para makapagpractice kahit 5mins lang.
Tapos maya maya, salang na agad.
"There is a special performance nga pala from a Third year student. Let's give a round of applause to Ms. Abbegail dela Cruz." MC.
*clap*
Mula dito sa stage kita ko agad si Gio, kausap niya sa Chloe. Para sa'yo to.
I don't know why but when I looked in your eyes.
I feel something that seems so right.Nagpalakpakan agad yung mga tao. Pati si Gio.
Tapos nagtama yung mga mata namin.
You've got yours, I've got mine.
I think I'm losing my mind.Talagang wala na ako sa utak ko. Yung titig niya. Iba.
Cause I shouldn't feel this way.
Tama alam ko naman na di dapat ganto yung nararamdaman ko. Di dapat.
Catch me I'm falling for you and I don't know what to do.
How can something so wrong feel so right all along, catch me i'm falling for you.
Ito na ako Gio, saluhin mo ako please.
How can tightly so wrong to love to come along, catch me i'm falling for you.
Okay, nadadala lang ako sa kanta. Hindi na nakatingin ngayon si Gio. Nag uusap na sila ni Chloe. Ang saya nila. Masaya man ako sa kanila. Cliche man magpakamartyr mahirap din pala.
How can love let it go if there's no place to go.
When I can't go along, prentending.
Oo, hindi ko na kaya magpanggap. Gusto na kita Gio.
That love isn't here to stay. Catch me i'm falling for you.
Gusto na kita.
Natapos na yung kanta. Pero nadadala pa din ako. Parang may makita nalang ulit ako kahit isang di magandang pangyayari. Kahit mababaw maiiyak na ako.
And dahil super mapaglaro yung tinatawag nilang destiny, saktong sakto ko pang nakita sina Chloe at Gio na magkayakap.
At yun, hindi na napigilan.
---
Tumatakbo ako.
Tumatakbo akong umiiyak.
Hindi ko alam kung san pupunta.
*beeeep*
Biglang may humablot sakin.
"Magpapakamatay ka ba?" Si Travis pala to. Muntikan na pala akong mabangga.
"Salamat." Ako. Hindi ko alam. Parang ang lutang ko.
"Usap tayo."
Hindi pa ako nakakasagot hinila niya na ako agad sa cafeteria ng school.
"Ikwento mo na." Nung una nagtaka pa ako. Pero nagets ko naman yung sinasabi niya kaya nagkwento nadin ako. Kahit alam kong madaldal siya, kaibigan naman.
"Pare. Grabe. Wala akong masabi. Although, hindi naman maipagkakaila na madalas sa friendship ng dalawang magkaibigan yung isa may HD." Travis. Ito na matino na yung usapan namin.
"HD?" Ako.
"Oo, hidden desire." Travis. Feeling ko nalungkot ako lalo sa sinabi niya. Ang tanga ko. Pero sino ba ang nakakakontrol sa damdamin. Kung pwede lang matagal ko ng nagawa.
"Wag ka ng malungkot, may dahilan yung lahat." Travis. Pagkatapos nun nagpaalam na siya at bumalik sa room niya.
Tama naman siya. May dahilan ang lahat. Pero andami ko paring tanong na tumatakbo da utak ko.
Kung totoong may dahilan ang lahat bakit nangyayari sakin to? May mapapala ba ako? Kung wala sana matigil na.
Gio, catch me i'm falling for you.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...