Abby's POV
Dismissal.
Tama, makakauwi na ako! Nagreready na ako ng biglang lumapit sakin si...
"Uggh- can we talk?" nagulat ako biglang may nagsalita sa likod ko, at mas lalo akong nagulat nung nalaman kong si Hera yun? Tsaka teka, makikipag usap siya? Wow.
"Katulad ng sinabi ko dati, hindi ako nakikipag usap, nakikipagkamay at lalong hindi nakikipagkaibigan. Lalo na sayo!" turo ko sa mukha niya. Magwa-walk out na sana ako nun nung hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako. Ang lalim pa ng hinugot niyang hininga, tss. "First, para saan pa yung binigay na bibig satin ni God kung hindi ka makikipag usap. Same goes with your hands. And I never said I'll make friends with you. I just want to clear some things, some IMPORTANT THINGS." Sa sobrang pag ka highlight niya halos super lakas ng echo sa room. Wala na kasing masyadong tao, ewan ko ba. Ang bilis nila lumabas eh.
"Duh, alam mo ba yung synonyms? Important things? Pag uusapan din natin diba? Ilang beses ko bang uulitin na hindi ako pwedeng makipag usap lalo na sayo." Naaasar na naman ako ah? Kailangn ilakas talaga yung mga pinagsasabi niya? Tss.
"Oh, but as I can see, you are already talking to me right now. So can you just let me continue?" tumingin ako sa watch ko. Kasi, hindi na ko titigilan nito.
"5 minutes." Sabi ko nang nakatingin pa din sa watch ko.
"Uggh. Okay fine!" naiinis na rin ba siya? Wow!
"So, what?" sabi ko sa kanya. Halos nagsasayang nasa ng ilang segundo. Nakatingin pa din ako sa watch ko. At mukhang kinakabahan siya? Bakit kaya? Hihi.
"Hm. Ano bang ginawa ko sa'yo at ganyan yung pinapakitamong pakitungo sakin? Wala naman akong maalalang iba except dun sa natalo kita sa isang contest. At hindi ko naman kasalanan yun." teka. Anong hindi? Oo nga no? Ano nga ba kasalanan niya? Tss, basta hindi ako magpapatalo. Never.
"Alam mo naman na kailangan kong manalo dun sa contest na yun diba? Kailangan kong maging valedictorian." sabi ko. Napayuko siya, mukhang may problema sya. Tss.
"Ikaw lang ba ang gustong maging valedictorian?" natigil naman ako sa sinabi niya pero wala akong pake. Para maging proud sakin si daddy, gagawin ko lahat.
"Alam kong hindi lang ako ang gustong maging valedictorian, since when my mom died nung nasa grade 3 palang tayo at super nalungkot si Dad gusto ko na laging manguna para kahit mapasaya ko man lang siya" mukhang nabigla din siya, hindi ko narin kasi napigilan yung sarili ko sa pag iyak. Nagiging mahina kasi ako kapag mapapag usapan na ang mga parents ko. Hayyy. Hindi parin siya nakapag response. Medyo nahihiya na din tuloy ako kasi umiiyak ako sa harap ng babaeng ayaw ko at tinatarayan ko.
"Uggh, bakit ko ba sinabi 'to sayo?" sa sinabi kong yun parang medyo bumalik na siya sa sarili niya. Tinapik niya yung balikat ko, "Okay lang, andito lang naman ako eh. Okay lang sakin kung magiging kaibigan kita." Anong sinasabi niya? Hahaha!
"Hahaha, ewan ang lakas din ng loob mo talaga no? Duh. Hindi ako makikipag kaibigan sa taong kakompetensya ko no? Pero sige kung gusto mo talaga akong maging kaibigan, hahayaan mo akong maging top 1." iniwan ko siya sa ganung thought.
*
Naglalakad na ako sa hallway nung makasalubong ko si Nathan. Wow ha, ang siga niyang tingnan. Nakapamulsa pa. He's cute narin naman pala. Hindi ganun kagangster. Mukhang mabait. Baka mukhang mabait lang talaga."Hoy, Abby!" sigaw niya sakin. "Ayy, he's cute tala--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko natakpan ko na agad yung bibig buti naman gumana yung kamay ko kahit sa mga aksidenteng ganto. Hooh.
"Makatitig ka naman sakin niyang Abby. Matunaw ako." inirapan ko lang siya. Wala binabawi ko na yung sinasabi ko sakanya na mukhang mabait siya. Wala na. Hindi mukhang mabait. Ang hangin.
"Hoooh, ang hangin dito." pang aasar ko sa kanya. Tumatawa tawa pa siya nyan ah. Ako di ko na nagagawa yan eh. Pag inasar ako automatic na nagagalit na ako agad. Pikon na ako, sige na.
Natigil ako sa pag tawa ko nung bigla siyang nag salita.
"Tumawa ka din pala?" anong klaseng tanong yan. Ano ako alien?
"Hoy, Nathan Fernandez! Anong akala mo sakin? Alien? Robot?" natawa siya sa sinabi ko. Naasar na nga ako eh.
Nag walk out nalang ulit ako kaso napigilan niya ako eh.
"Bukas na nga pala tayo pupunta ng Rizal ah? Magready ka na ng mga pampaganda mo. Hahaha!" akala ko pa naman may sasabihing matino mang aasar lang pala ulit. Tss.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...