XVII. Advice

13 1 0
                                    

Gio's POV

Monday na ulit. Ambilis talaga.

Maaga din akong nagising ngayon. 5:30, tama 5:30 palang.

Ano kayang gagawin ko ngayon umaga? Chineck ko yung sched ko.

Note:
Magpapatulong kay Abby para kay Chloe.

Tama, yun lang naman yung mahalaga ngayon.

Isang mahalagang plano.

Bumaba na ako, nakita ko agad si Mom. "Goodmorning, nak." nginitian ko siya tapos sumabay na sa kanya sa pagkain "Ma? Pwede bang magpabili ako ulit sa inyo ng sapatos. May bagong labas eh. KD7."

Magsasalita pa lang sana si Mom nung sumabat si Dad. Nako, hindi magiging maganda 'to.

"Magpapabili ka na naman? Halos buwan buwan nagpapabili ka ng mga vices mo."

"Ayun lang naman po lagi yung hinihingi ko eh." Ako. Totoo naman kasi.

"Hindi mo ba alam, kulang kulang 10k yung nagagastos namin sayo dahil lang dyan. Hindi pa kasama yung Allowance mo." Dad.

"Mahalaga naman po yun. Ginagamit ko yun sa mga game ko."
Ako.

"Edi gamitin mo yung iba mong sapatos na nakatambak lang dyan. Hindi yung bili tayo ng bili. Para lang tayong nagtatambak ng pera na hindi naman ginagamit."
Dad.

Ewan ko ba kung bakit pa ako nakikipag talo sa kanya.

Wala rin naman akong mapapala.

"Excuse me po." aalis nalang ako, iwas gulo. Halo araw araw nalang. Hindi naman kasi siya yung kinakausap ko.

Alam ko, mali yung ginagawa ko pero tama yung pinaglalaban ko.

Tss, tama na. Maganda ang gagawin ko ngayon kaya dapat chill lang.

---

Nasa school na ako ngayon, hinahanap ko si Abby. Asan na kasi yun.

Ayun!

"Abby." Ako.

"Yo, bakit?" sabi niya. May nagbabago talaga kay Abby eh. Parang araw araw, lalo.. lalo siyang gumaganda. Ganun. Hayy. Iba na talaga to Gio. Pero totoo naman, gumagan--

"Hoy! Bakit?" ayy, andito pa pala. Nakalimutan ko.

"Ahh, eh..." napakamot ako sa ulo. Teka? Ano ba sasabihin ko?

"Ayun! May hihingiin kang pabor no? Sinasabi ko na nga ba." Buti naman nabasa niya na agad yung nasa utak ko. Hindi na ako mahihirapang iexpalin sa kanya.

"Ano kasi.."

"Ano nga?" Ito naiinis na naman ata siya. Ang gulo naman.

"Ah, magpapatulong kasi sana ako..." Wait, kanino nga ba. Kailangan kong makaisip. Nakatingin lang siya sakin, habang nililibot ko paningin ko. Hanap Gio, Hanap.. Boom! Alam ko na.

"Ah, oo. Kay Chloe. Magpapatulong ako manligaw kay Chloe." natigilan siya bigla, pero hindi ko na pinansin. Bakit nga ba si Chloe naisip ko? Ewan, kanina kasi habang nililibot ko yung paningin ko siya yung nakita ko. Basta, bahala na. Gusto ko lang naman magpatulong para maging malapit kay Abby eh. Shit! Ang corny mo Gio!

"Ah, si C-Chloe." Abby. Nauutal utal pa siya, habang tumitingin kay Chloe na ngayon ay kasama yung mga kaibigan niya.

Tumango ako.

Collision of FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon