"HERA, ang ganda nung sapatos! Maygad!"
Napatingin ako sa direksyon na tinuturo ni Abby. Oo nga. Maganda ang mga sapatos na iyon. Nakakakuha ito ng atensyon dahil sa tingkad ng kulay pula nito na may pakalat kalat na diamonds. Stand out din kung sino man ang magsusuot nito dahil mala-killer heels ito sa taas.
"Ang ganda! Tingnan natin!"
Tumango at sumunod lang ako sakanya. Ganyan kaming dalawa kapag nagkakasama. Tumitingin sa iba't ibang boutique at nagsusukat. Pero minsan lang kami kung makabili. Hahaha.
"Sukat?" Tanong ko.
"Omg. Sige! Ano isusukat mo? Basta akin 'yung red!"
"The blue one. It's so fab, eh. Haha!"
Maya maya ay lumabas narin kami sa shoe store na iyon at napagpasiyahang kumain sa isang fast food restaurant.
"So, how's Gio?" Sinabi ko sakanya sabay nguya sa french fries na nilubog sa sundae.
"Hmm. Okay lang. Nanlibre siya ng ice cream lately. Napakatakaw! Hahaha."
Napatango ako at napangiti sa reaksyon na ipinakita niya. Ibang iba sa gusot na mukha na pinakita niya sa 'kin nung nagpunta ako sa kanila. Looks like they're back in track.
"That's good."
"How about you and Nathan?"
Lalong napalaki ang ngiti ko. Naalala ko nanaman 'yung katamisan namin noong isang araw.
"Kilerg."
"Hahaha. Gaga ka! Ang sweet n'yo, ha." Nag-inarte siya ng pinupunasan ang mga imaginary tears niya."Improving ang lovelife ni bruha!"
Napairap nalang ako. Arte lang? Gaga na, bruha pa? Grabe na. Abuso. Hahaha.
Inubos na namin ang pagkain namin at matapos ang ilang beses pang pag-ikot sa mall ay naisipan namin umalis na. Buti naman. Sakit sa paa nang ginagawa naming lakaran na 'to. Naka-heels pa man din ako ngayon.
Imbyerna!
"Hey, lez commute?" Tanong niya sa akin habang sumisipsip sa binili niyang wintermelon milktea. Walang kabusugan sa katawan. Psh.
"Alangan magdrive. May kotse ka?"
"Meron!"
"Dala mo?" I said. Sarcastic, though.
Napakamot siya ng ulo. Makapagsalita.
"Eh sino ba naman kasing nakaisip na 'wag magdala ng sasakyan para daw makatipid?" Napataas naman ang kilay ko.
"Hindi ko sinabing para makapagtipid. Natatakot lang ako sa pagdadrive mo! Gusto ko pang mabuhay, you know." Paano ba naman kasi. Palibhasa'y natuto na siyang magdrive kaya akala mo kung sinong expert. Asus. Makasagasa pa kami ng ipis. Konsensya din 'yun.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...