Abby's POV
Nasa basket ball play kami ngayon. May laban yung mga tropa naming boys. Nasa may bleachers lang kaming mga babae.
"Gio for three! Bang!" three points ni Gio. Hooh. Ang galing niya.
"Hoooh, i love you Gio! Waaaah." sigaw ko.
Ewan ko din kung bakit ko nasabi yun haha.
"Anong sinabi mo?" nagulat ako sa nagsalita. Si,, si Gio? Panong nangyari yun eh naglalaro siya.
"I love you, sabi ko." what the fck? Bakit ko nasabi yun?"Haha, i love you too." anong sinabi niya?
Parang mahihimata---
"Abegail! Abegail! May tao sa baba. Si Hera." what? Panaginip yun? Sht.
Ginising naman ako agad ni Dad.
"Ah, sige po. Baba ba ako."Ampangit naman ng araw ko. Pwede bang di nalang ako gumising?
Bumaba na ako, tapos pinuntahan si Hera.
"Oh, hera. Si Nathan ba yung hinahanap mo?" Tanong ko.
Tumango siya, "may lakad kasi kami ngayon eh."
"Tulog pa si Kuya eh pero bababa na din yun. Pwede bang makausap muna kita?""Sure." umupo na kami sa may sofa.
"May napanaginipan ako. Nasa may court tayo tapos nag i love you ako kay Gio tapos nag i love you din siya sakin. Isang sign kaya 'to? Haha. Joke." nginitian din ako ni Hera.
"Parang gusto ko na ata si Gio." sabi ko kay Hera. Napatigil naman siya.
"Sa tingin ko, hindi lang parang haha. " napangiti ako sa sinabi niya haha. Tama nga ba siya?
"Ang gulo naman kasi SIL eh." sabi ko.
"SIL?" tanong niya sabi ko na nga ba eh.
"Sister In Law." nag blush siya bigla pakasabi ki nun. Hihi.
"Ikaw talaga, balik na tayo sa topic."
Tumango ako at Umayos ng upo.
"Bakit ka ba naguguluhan, SIL."
Tanong niya sakin.
"Eh kasi? Tama bang magustuhan ko siya? Eh, magkaibigan kami."
"Hindi no. Wala namang nagsasabi na bawal mafall sa kaibigan? Wala naman eh." sagot niya. Parang totoo naman.
"Hindi naman sa batas, kaso lang parang may gusti siya kay Chloe. Ano yun? Ipapasok ko yung sarili ko sa tinatawag nilang friendzoned?" Napailing siya sa sinabi ko.
"You never know. Natanong mo na ba siya kung gusto niya nga si Chloe?" sagot niya. Kasi naman."Hindi pa. 'parang' lang. Masayang masaya siya kasi siya pag kausap niya si Chloe. Sabi niya nga sakin kagabi, kung hindi niya daw ako kaibigan siguro mababaliw daw siya sakin." pagkasabi ko nun. Nagulat siya tapos parang naexcite. "Talaga? Nagusap kayong dalawa ni Gio? Kayo lang? OMG, Abb---" naputol yung salita niya nung biglang dumating si Kuya. "Hera?" nagyakapan sila. Wow, sa harap ko pa talaga ah? Hahaha. Buti pa sila haha.
Maya maya umalis na rin sila. San kaya sila pupunta ang aga aga eh.
Wala na akong magawa, tss.
Biglang nagvibrate yung phone, right on time. Haha
From: Gio na Pogi daw
Goodmorning Abby, haha. May ginagawa ka?To: Gio na Pogi daw
Hello, wala nga eh. Boring. Ako lang mag isa dito.
From: Gio na Pogi daw
Talaga? Punta ako dyan, okay lang?
To: Gio na Pogi daw
Haha, sige. Nood tayo movie.
From: Gio na Pogi
Sige, on the way na ako dyan.
To: Gio na Pogi daw
Yehey! Ingat.----
*ding dong*
Ayan na si Gio. Ano kayang papanoorin namin? Tagalog nalang Mas gusto ko yun.
"Hi abby." bati niya sakin para siyang bata, katulad ko haha.
"Tara na, gusto ko ng manood eh." sabi ko. Tumango naman siya.
Nagready na din ako ng makakain namin. At syempre yung dalawang comfort food ko. Pancake tsaka corn ole. Yeeey!
"Anong gusto mo? The reunion o This guy's inlove with you mare?"
Nangiwi siya. "My only U nalang kahit luma na. Pili kana kasi." natawa naman siya bigla.
"Bakit?" nagpout ako.
Ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko. "Sige na nga, My Only U nalang." tumango naman ako.
Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat papunta sa may DVD player. Alam kong nagblush ako bigla. Yung buhat niya kasi mukha kaming bagong kasal. Erase erase.
Natatawa din siya. Ano daw?
"Ha? Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pag tawa ng ilang moment pero tumawa ulit siya. Tapos nagsalita.
"Kala ko ba manonood tayo ng My Only U, isasalang ko na sa DVD player." sabi niya, kumindat din siya sakin.
Ang hirap pero pinigil kong tumili. Oo na! Kinilig na ako. "Ang corny mo. Andami mong alam. Gusto ko na manood eh." Tumawa siya. Malakas. Tapos ibinaba na ako.Parang ansarap irecord, hay.
Nanood na din kami haha. Kaso nung dun sa part na nag aminan si Vhong and Toni na si Toni di mamamatay pero si Vhong mamamatay, kahit ilang beses ko ng mapanood to naiiyak pa din ako.
"Oh." Si Gio, inabutan ako ng panyo. Hay. Kaibigan ko eh.
"Salamat." nginitian ko na din siya.
"Gusto mo patayin na natin yang pinanonood natin? Kwentuhan nalang tayo." tumango ako. Siya nalang din nag patay ng Movie. Tapos dumerecho na kami sa may Garden namin.
"Anong problema?" tanong niya sakin. Sasabihin ko ba? Asige. Kaibigan ko naman siya.
"My mom." tuloy tuloy na yung pagtulo ng luha ko.
"Okay lang yan." niyakap niya ako. *dug dug* *dug dug*
"Hindi magiging okay yun, Gio. Wala na siya. Iniwan niya na kami."
Hinigpitan pa niya lalo yung yakap niya. Hay, Gio.
"Alam mo, you should be happy nalang. Tingnan mo may new family na kayo ulit. Tapos masaya pa din kayo."
"Hindi naman ganun kadali yun eh. Mommy ko siya. Forever ko siyang magiging mommy." sabi ko, hindi narin umimik si Gio. Yakap yakap niya pa din ako.
Sana lagi akong andito sa place na to.
My comfort zone.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...