Abby's POV
Ambilis lumipas ng panahon, Dalawang taon na makalipas nung nagpunta kami sa rizal. Andaming nangyari. Dalawang buwan nadin nung maging si Nathan at Hera. Naging maayos na din kami ni Hera. Andito ako sa may garden namin. Nag iisip ng kung ano ano. Pinaka ayaw kong subject is english. Kaya di ako ganun ka galing mag english yung dapat kasing mag tuturo sakin, wala na. Si mommy. Kaya, hatest ko na talaga yung english simula nung grade3. Andaya, andaya daya talaga. Kaya rin, talagang tagalog yung gusto ko. Si mommy kasi half american kaya hanep sa english. Tapos after mawala ni mommy wala naring oras si Daddy sakin. Kaya nagfocus na talaga ako sa pag aaral.
"Hoy! Nalulunod na kami!" halos malalaglag ako sa inuupuan ko, "What the!" nagulat ako bigla sa sigaw ng dalawang to. Si, Hera at Nathan. Bigla bigla nalang pumapasok sa bahay. Pero okay lang wala naman si Dad. Tumatawa pa sila. Asar!
"Abby, ang lalim ng iniisip mo! Hooh." sabi ni Nathan. "Kapag ba malalim yung iniisip kailangan ng gulatin? Bwisit." inirapan ko nalang sila. "Ayy ganyan! Nga pala guys, pwede natin tayong pumunta sa bahay namin nagpaalam na ako kay mama. Kaso maliit yung bahay namin compared sa inyo ah?" sabi ni Hera. Astig! Mapupuntahan ko na din yung bahay ni Hera. Nakapunta narin kasi kami sa bahay ni Nathan. Malaki din. Tapos mga yaya lang ang kasama niya dun.
"Astig! Sige sige. Kelan?" sabi ko, grabe nakakaexcite. "Bukas? After class?" suggest niya. Bukas? Pwede ba ako? Asige bukas nalang.
Tuesday kasi ngayon eh. May dinner kami ni Dad sa thursday. Hindi pwedeng di matuloy yun kasi pangalawang beses palang kami lumalabas since nung pinanganak ako. Lagi kasi siyang busy sa work. Kaya si Mommy talaga lagi ang kasama ko.
"Sige, pero kung sa thursday may lakad tayo hindi muna ako makakasama." sabi ko.
Tumango naman bigla si Hera, "tama ako din." sang ayon niya.
"Bakit san ka pupunta?" tanong naman ni Nathan, si Hera ang tinutukoy niya. "May imemeet." pag kasabi nun ni Hera, biglang nanlaki yung mata ni Nathan. "Ano ka ba nathan? Yun yung nagbigay ng scholarship sakin." paliwanag ni Hera, tumango tango naman si Nathan.
Hay ang cute nila tingin. Hayy, kainggit. Loka ako diba? Hahaha. Kung kailan ko kasi nagustuhan na si Nathan eh nagkaroon naman siya ng girlfriend. Nung time na, nagkiss kami ni Nathan ewan ko ba. Pero may iba akong naramdaman. Parang kilig? Hayy. Wala na, tama na. Kay Hera na siya, wala na akong magagawa.
"Abby!!" napasigaw ako nung sinigawan nila ako. Sht, naaasar na ako ah.
"Ilang beses niyo ba ako kailangang gulatin ngayong araw?" sabi ko, tumatawa tawa pa sila tapos biglang pinigil ng tuwa.
Bwisit. "Sige na, mauuna na kami ni Hera, may pupuntahan pa kami eh." Buti naman naisip nila yan. Tss. Tumango nalang ako. Tapos hinatid na sila sa gate.
*****
Wednesday na. Nag reready na ako kasi ngayon nga kami pupunta sa bahay nila Hera. Meeting place namin dun sa isang restaurant malapit dun sa subdivision nila Nathan. After lunch pa naman yun
Kaso dun nalang ako maglulunch sa restaurant. Ako lang naman mag isa sa bahay. After ten minutes nakarating na ako dun sa restaurant. Umorder na din ako. Tapos kumain.
Kain.
Kain.
Ka--
"Hi."
"Ay, pagkain!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Ngumisi naman siya. Tss. War!
"Sino ka?" sabi ko. Pero nakangiti pa din siya. Nakasingot ata to eh. Bwisit.
"Hindi ako sinuka, iniri ako." inirapan ko na lang siya. Confirmed, may nasinghot tong taong to eh.
"Ambago naman ng sinabi mo. First time ko palang narinig yan ah." sarcastic kong sabi.
"Talaga, ang galing." sabi niya habang pumapalakpak pa. Sht, nauubusan na talaga ako ng pasenya sa taong to. Pigilan niyo ako, jusko.
Pinikit ko nalang yung mga mata ko para pigilan yung inis ko. Hooh.
Nung feel ko kalmado na ako, minulat ko na yung mga mata ko. What the? Pag mulat ko ng mata ko, ang lapit ng mukha niya sakin. Halos magkadikit na yung mga ilong namin. "Gio. Gio Salazar." sabi niya pero magkalapit parin kami. Hindi din ako makagalaw, napansin niya din siguro yun kaya medyo lumayo na siya. Ambilis ng tibok ng puso ko lalo na nung ngumiti siya. Hindi ako pwedeng magkamali, ganto din yung naramdaman ko kay Nathan. Kaso imposible. Una palang 'to. Hindi hindi.
"Ah, a-bby. Abby dela Cruz." sabi ko, pinilit ko lang yung pag ngiti ko. Baka kasi makalimutan ko na stranger pa pala siya. Umupo siya sa harap ko. Hinayaan ko nalang, tumingin ako sa watch ko. 12:02 palang. 1pm ang meeting time namin. "TagaCSS University ka diba?"
Tanong niya sakin. "Ah, oo. Bakit? Taga dun ka din ba?" sabi ko. Tumango siya. Bakit parang hindi ko siya nakikita? Sabagay hindi naman ako gumagala sa campus eh. Tumingin nalang ulit ako sa watch ko. 12:15. "Kanina ka pa tumitingin dyan sa orasan mo. An---" natigil siya nung may tumawag sa kanya. "Pare, kanina pa kita hina--- Ohh, hi chicks!" nginitian ko lang siya, sino na naman 'to. Naguguluhan na ako ah? "I'm Travis. Travis Alcantara." ngumiti din. Wow naman, andami ko ng nakikilala dito ah?
Nagkwentuhan na lang din kami. Ganun, mga getting-to-know-each -other moves hoho.
"Abbyyyy!" sigaw sakin. Si Hera to for sure. Lumingon ako. Mukhang naguguluhan yung itsura nilang dalawa.
"Mygooood! Andami mong boys, abby. Umuunlad. Hahahaha." Tumawa nalang rin ako tapos pinakilala ko sila sa isat isa.
"Travis." sabi ni Travis habang inaabot yung kamay kay Hera. "Hera." inabot naman yun ni Hera, pero antipid ng ngiti niya. "Bakit ang tipid ng ngiti mo? Ang ganda mo pa naman" sabi ni Travis with matching kindat pa. Nako, war na ito. Hindi niya ba napapansin si Nathan? Magkaholding hands na nga sila eh, hindi niya pa ba napapansin.
Halatang naiinis na din si Nathan kasi parang nang aasar na si Travis nako talaga. Tapos si Hera mukhang nag aalala naman. Nako ang saya nila picturan hahaha joke.
Nagkayayaan na ding pumunta sa bahay nila Hera. Kwentuhan. Ang saya. Cirle of friends ganun.
Nahagip ng mata ko yung isang frame. May laman siyang scholarship.
"Scholar siya, iha."
Napatingin ako sa nagsalita, mommy ni Hera. Si tita Haidee.
Naalala ko tuloy, nagbibigay din ng scholarship si Daddy.
"Sino po ang nagbigay ng scholarship?" tanong ko. Pero bago pa man makapag reply si tita Haidee, bigla ako tinawag ni Hera. Hindi ko na tuloy nalaman. Hindi bale na nga lang.
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...