XVIII. Falling

15 0 0
                                    

Hera's POV

"IKAAAAW,

Ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagal

Ngunit ngayo'y nanditona, IKAW~"

" IKAAAW!

Ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal

Biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw~"

"Yeheeeey!" Nagpalakpakan kami ng sabay sabay. Nandito kasi kami ngayon kila Travis, hang out lang ng barkada. Eh napagkatuwaan yung karaoke nila, kaya ayan. Kantahan ang labas.

"Isa pa, isa pa guys! One, two, three! IKAAAAW~"

"Ang may sintunado na boses~ Lahat kami'y napossess~ Maawa ka sa tenga namin nabingi dahil IKAW~"

1,2,3..

"HAHAHAHAHA! Nice one Hera! Benta!" Nag-apir silang apat at nagtawanan habang si Travis ayun, parang pinagsukluban ng langit at lupa. Eh pano ba naman, akala kung sinong magaling kumanta. Siya pa talaga nag-aya.

Pero makasalita ako, parang di basag boses ko. *pahumble* Hahahaha, joke.

"Mga gago. Lumayas nga kayo rito!"

"Ikaw nalang, ikaw nakaisip e." Chloe. Pang asar din 'tong isang to eh.

"Ayos! Bahay ko kaya to."

"Iyo? Mapang-angkin 'tong panget na to."

"Hoy Chloe manahimik ka nga! Masama magsinungaling!"

"Kaya nga. Sa heaven na nga punta ko neto eh."

"Hoy ikaw bata ka matulog ka na nga!"

"'Kaw na. Ikaw nakaisip e."

"Ewan ko sayo!"

Nagpatuloy lang ang magkapatid sa away bata nila. Kahit kelan talaga yung dalawang yun, aso't pusa.

"Uy, mag-eeleven na oh --"

"Alam namin, Abby. Nakakabasa kami ng relo -- Aray!"

"Patapusin mo ko, Travis. Girls, uwi na tayo delikado 'pag lalo pa tayong nagpatagal dito." Napatingin ng matagal si Travis kay Abby samantalang napasmirk naman sina Gio at Nathan.

Aba, iba iniisip ng mga 'to.

"H-Hoy! I mean, delikado sa daan pauwi!"

"Bakit, may iba ka bang iniisip?" Gio.

"Huh? W-Wala ah!"

"Ahh ganon. Akala ko kasi iniisip m--"

"WALA! W-Wala 'no!"

"Oh, sige na nga. Alis na tayo. Tama si Abby, delikado na ngayon lalo na't gabing gabi na." Nathan.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Except.. Ako.

"Ahmm, guys. Maya maya na ko uwi. Dito muna ko."

"Bakit?" Nagtaas pa ng isang kilay si Abby.

Collision of FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon