XIII. One Kiss

14 1 0
                                    

Hera's POV

Time truly flies fast. Yung tipong kakakilala mo pa lang sa isang tao and the next thing you know, you already had your lives interwined with each other.

February 7, 2014. Date ngayon. Ordinary as it may seem para sa iba, pero para sakin? More than special.

It's our anniversary. Our first year anniversary.

Hindi ko alam kung paano kami umabot ng ganto katagal, wherein infact kadalasan ng teen couples nowadays ay hindi naman gaanong natatagalan ang relasyon. Siguro we had this focus? Focus in what path we were taking. Yes, as high school students we highly prioritize our studies first. Pero being inlove is not a hindrance in studies, taliwas sa sinasabi ng iba. Kasi kapag nagmahal ka, may kaakibat na positive at negative side yan.

The negative. Yung sa sobrang "obssess" mo sa taong yun, you cannot separate your love life from your present life. Ang pag-ibig kasi, maaaring totoo, ngunit dumating sa maling panahon. That makes love more complicated. Pinipilit ng isang tao ang pagmamahal na hindi pa narararapat. Magulo ba? I know. Sinabi ko na maaaring TOTOO na yung pag-ibig diba? Pero bakit hindi pa nararapat? Simple. Because true love can wait. Years, decades and even for centuries. If there's a will, there's a way; sabi nga nila.

The positive. You become enlightened. Lalo kang nagsisipag for impression. Because the positive side of being in love is having inspiration. Mas sinisipag ka gumawa ng mga bagay bagay dahil alam mong kapag nagawa mo yun ay makikilala ka niya lalo at magugustuhan ka niya. Lahat ng klaseng pagpapasikat ay ginagawa mo na, para lang mapansin niya.

And I guess I'm with the latter.

Nag-ayos na ako ng gamit ko. Papasok na ko dahil baka malate pa ko sa kakaisip kung anong mangyayaring makabuluhan sa amin ni Nathan mamaya. Pero sakin? Makita ko lang siya mamaya, masaya na ko. Ieeekkkk, cheesy mats?

***

Break na kami.

Woah woah. Don't get me wrong! I mean, break. As in lunch break. Recess, ganon. And sa wakas, makakakain na ko.

By the way, hindi ko pa nakikita si Nathan ngayong araw. Which is very disappointing. Pero hindi ako nadisappoint because I was expecting some cliche surprises ha. Nadidisappoint lang ako because I was expecting to see him today. His smile, his eyes, his everything.

Wooh. Drama ko na. Imbyerna.

Pero seryoso ako. Okay lang sakin yung walang surprises, hindi pinag-effortan or whatsoever na ginagawa tuwing anniversary. Makita ko lang siya at makasama, sapat na. Yaaack. Cheesy.

Lumabas na ko ng classroom at dumiretso ng cafeteria. Baka sakaling kahit dun manlang makita ko siya. Baka nagcutting lang siya o natulog kung saan man.

Nakakain na ko't lahat, pero wala talaga siya.

Hay Nathan, nasan ka ba?

"HUY Hera. Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Abby. Oo nga pala, kaming dalawa nalang nandito sa classroom. Uwian na kasi. Uwian na pero hanggang ngayon, hindi ko parin nakikita si Nathan. Hindi ako umaasang may surprise siya sakin, pero sana manlang kahit batiin niya ko, diba? O sige.. Kahit wala ng bati. Magkita lang kami.

"God, Hera! You're spacing out again!"

"Hindi mo naman maiintindihan."

She sighed. "Since nahihirapan ka na, sa tingin ko dapat mo na 'tong malaman."

Tumaas yung kaliwa kong kilay sa sinabi niya. Napatingin ako sakanya. Anong ibig niyang sabihin? May hindi ba ko nalalaman?

Collision of FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon