Hera's POV
6:00 am
Nagising na ko. Hindi ko alam kung anong aalahanin ko. Yung wala pang tatlong oras ang tulog ko? Yung paulit-ulit na pagpapaalala ng utak ko sa puso ko ng pag-amin sa akin ni Nathan? Oo. Pero alam niyo kung ano yung mas masakit?
-FLASHBACK-
I was left there, alone. Napako ako sa kinatatayuan ko. My mind was floating. I don't know what to do. Gusto kong maupo nalang at humagulgol dito. But once again, I failed. My heart carried my brain, and I realized it was the right thing to do.
Tumakbo ako kunng saan ako dinala ng paa ko-or should I say, ng puso ko.
Naeexcite ako na ewan. Because finally, I realized na.. Oo. Gusto ko na nga 'rin si Nathan. Nung nakita ko yung something sa mata niya, it was then I realized na may something rin.. Sa puso ko.
Iniisip ko kung anong gagawin ko pagkakita ko sakanya. Yayakapin ko ba muna siya? Aaminin ko na baa gad? Pano ko sasabihin? Mabilis ba? Teka.. Parang pangit naman kung ganon. Baka masabihan pa 'kong eksaherada. Eh kung paligoy-ligoy effect? Tss. Baka naman mas lalo siyang mabwisit? Hahabul-habulin ko siya, tas babagal bagal ako. Gulo lang.
Pero lahat ng iniisip kong iyon ang unti unting naglaho. Oo, nakita ko si Nathan sa 'di kalayuan. Nakalimutan ko na. Dapat ba kong maging masaya? Dapat pa ba akong ma-excite? Dapat pa ba kong maghanda para sa pagkikita namin? Maghanda para mapalitan ang lungkot niya ng saya sa aaminin ko sakanya?
Mukhang hindi na. Dahil sa nakikita ko ngayon, masaya na siya. Nakahanap na siya ng kasama niya.
Hindi ko man nakikita ang reaksiyon niya, alam ko namang ginusto niya 'rin yun. Ikaw ba naman saktan ng isang babaeng importante sayo, sa tingin mo ba mananatili pa 'rin siya doon? Hindi na. Wag ng magpakamartyr.
Unti unting nanlabo ang paningin ko. And I slowly felt my heart shattering into pieces as my tears continued rolling on my cheeks. I ran away from that sight. Hindi ako manhid. Sa ngayon? Ang sakit na. Ang sakit sakit.
-END OF FLASHBACK-
I feel betrayed. Oo, feelingera ako. Pero kasi, kakaamin niya lang sakin kagabi mismo, hindi ba? Pero bakit? Bakit may iba agad? Hindi ba pwedeng moving on stage muna? Hanap agad kapalit? At si Abby pa talaga? WOW. Just wow.
Speaking of Abby, wala na siya dito sa kwarto. Same as with Nathan. Tss. Baka naman nagdate sila? Aga ah. Nakakahiya.
My thoughts were interrupted nang may biglang nagbukas ng pinto. It was... Nathan. He entered the room at dirediretso siya papunta sa kama niya. From there he stared at me. Titig talaga. Which made me uncomfortable.
"Okay ka lang?" He said with a blank expression on his face, but there's still something in his eyes. Akala ko ba, iba na? Bakit may something paren sa mata niya?
Ugh. Baka namamalik mata lang ako.
"Uhh. I-I guess so?"
Tumayo siya at lumipat sa kama ko. Umupo siya sa bandang dulo. Naka indian sit kaming dalawa ng magkatapat. Okay. Awkward.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit ka.. Umiyak?" He paused. "Akala ko ba, wala?"
"Anong wala?"
"Wala kang nararamdaman para sakin?"
Nabwisit ako sa sinabi niya. I never said that! It was him who didn't listen to my response! Sasagot naman ako diba? It just took me time, to think of course! Hindi naman ako pwedeng sumagot agad sa pag-amin niya diba? I was processing my answer for crying out loud!
"Waala akong sinabing hindi kita gusto."
He was confused of what I said. Napataas ang isa niyang kilay. "But you didn't reply nung sinabi kong gusto kita. You kept interrupting-"
"Sino ba kasi yung nagsabi na hindi kita gusto?! Ayan yung hirap sa inyong mga lalaki eh. Hindi niyo hinahayaang makapagsalita muna yung mga babae eh. Kasi kung ano lang yung gusto niyong mapakinggan yun lang yung pakikinggan niyo? Pano naman yung mga bibig namin?" Ayan nanaman yung luha ko. Gosh. Don't fail me now please. Ayokong umiyak. I need to be strong.
"Hindi. Inantay kita diba? Inantay kita na magsalita din kaso hindi mo na gawa. Nanatili akong nakatayo para sa sagot mo. Pero wala akong natanggap." Nakita ko 'rin ang mga luha na nagbabadyang lumabas mula sa mga mata niya. Pero masakit paren. Masakit yung pinagpalit mo ko agad.. Ng hindi mo manlang alam ang sagot ko.
"Marami akong sasabihin. At alam kong hindi mo aantayin yun. Pero nung pupuntahan na dapat kita kagabi, mas nabigla pa ata ako nung makita kong hinalikan niyo yung isa't isa. Ni Abby. Ang gulo niyo rin talaga minsan eh no? Sasabisabihin niyo na may gusto kayo sa isang tao pero di niyo kayang pangatawanan."
Nakita kong lumaki ang mga mata niya. Oh ano? Akala niya hindi ko nakita? Well, sorry siya. I saw that kiss. I saw everything.
"Nakita mo nga yun. Pero wala kang alam. Nakita mo lang, pero wala kang narinig."
I admit, wala nga talaga kong alam kung paano nangyari yun. Which is my mistake. I was carried away by what I saw.
"A-Ano bang nangyari?"
"I was devastated nung nalaman-I mean, inakala kong wala kang gusto sakin. I ran away. Nadala ako sa emosyon ko. I went to the most peaceful place I know, sabi ko para makapag-isip isip ako. Kung itutuloy ko pa ba 'to o ititigil ko nalang..."
"As I was thinking of what I could do.. Dumating si Abby. Luckily, I found someone to lean on. She.. Shared some things to me. And I shared to her what happened.. to us. Siya ang gumabay at nagpayo sa akin nung panahon na yun, Hera. I was really thankful because of that..."
"But then, this unexpected thing happened. Niyakap ko siya. That was because I was trying to comfort her, as well. Para maiparating ko na 'rin yung pagpapasalamat ko sakanya na nandoon siya nung nangangailangan ako."
"E-Eh yung h-halik?" I said.
"That was because of alcohol. Marami akong nainom nun, Hera. Hindi ko na alam kung bakit bigla nalang nangyari yun. But one thing's for sure. We didn't intend to do that kiss. That was.. Nothing. Nung mga panahong nagkahalikan kami ni Abby, I had you in my mind. Ikaw ang naisip ko."
I was shocked. At the same time.. Relieved.
"So... You still like me?"
"Always have, never stopped." He smiled.
"And now you know naman na.. Gusto rin kita, hindi ba?"
"Hahaha, yeah. Now I know. I was a fool for not listening to you last night."
"Ahh. Hahaha." I felt my cheeks heating up again. Hay Nathan.
"So.. Pwede bang tayo na?"
"Tayo agad? Di pwedeng ligaw muna?"
"Wag na. Sabi nga nila, relasyon ang pinapatagal. Hindi panliligaw."
"Eh ni saglit nga, di ka pa nanliligaw eh." He shooked his head and laughed.
"Oo na. Sige. Nanliligaw ako ah."
"No need." I smiled at him. "Tayo na."
"Baliw ka rin eh noh? Sabi mo manligaw ako tas sasagutin mo rin pala ako agad."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit ayaw mo? Okay edi wag. Break na ta-"
"Oops. Wala ng bawian." Sabi niya sabay akbay sa akin. Baliw talaga 'to.
"Kain na tayo?"
"Okay. Tara?" Tinanggal niya ang braso sa balikat ko at inilapat ang kamay niya sa kamay ko.
"Tara."
"I love you, Hera." Yiee. Kilig? Hahahaha.
"I love you too, Nathan."
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Novela JuvenilTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...