Hera's POV
Mabilis.
Sobrang bilis ng oras. Para kailan lang neneng days, freshmen ang arte namin sa 1st year dito. Pero ngayon? 3rd year college na kami.
Hashtag medyogurang.
Haha, dyosang gurang kung ako ang itinutukoy. Ay? Awat na Hera.
"Yez! Classmates paren tayo sa lahat ng subject, Hera! Destiny! Fate! Meant to be talaga tayo! Hahahahaha." Pumapalakpak at tumatalon talon pang sabi sakin ni Abby, na parang hindi ko nakikita sa nakapaskil yung pangalan namin. Psh. Bata lang?
"Alam ko, hindi ako bulag. At isa pa, kilabutan ka nga. You're a grown up lady already, Abby. Yet you still believe in fate and 'meant-to-be'?"
"Excuse me, Ms. Chan. I believe that you can do anything as long as you don't stop believing. When it is meant to be, it will be. Kaya wag ka ngang KJ sa fate na yan. Fate has no age-limit. Fate is limitless and extends infinitely through lifetime."
Wow. Kaspeechless ang pinagsasasabi nitong babaeng to ah. Nahawa sakin? Ay wait, di pala ko ganyan katalinhaga. Sadyang may nakain lang talaga 'tong babaeng 'to. Nakashabu kaya 'to? Anong isasagot ko dito? Nosebleed na english o matalinhagang talagog?
Alam ko na.
"Wow. English yun ah. At mahaba. Achievement." Yes. Perfect Hera.
One.. Two.. Three..
"ARAY! Gaga! Masakit!" Lokong Abby 'to. Walang paalam na bigla biglang mambabatok.
"Panira ka kasi! Ganda ganda ng lintanya ko tas gagatungan mo ng kabaliwan mo! Masakit eh." Abby. Psh. Drama.
Bumalik nalang ako sa pagtingin sa bulletin board kung saan nakapaskil yung magkakaklase per subject at oras pero to my disappointment, mukhang hindi sang-ayon yung "fate" na pinagsasasabi ni Abby sa amin ni Nathan. Isang subject lang kami magkaklase, which is P.E. na mukhang hindi pa kami makakapagbonding at magkasama ng matagal.
Fate. Ugh.
***
12:30
Finally. PE na. Kanina pa akong umay na umay sa pagmumukha at daldal netong si Abby eh. Isa pa, gutom na gutom na ko. Ang saya naman talaga ng araw na 'to. Hah. Hah. Hah.
"*whistles* Okay class! Line up, by height! First, I will test your speed. Kailangan niyo takbuhin 'tong court at may magtatime sa inyo. Osya magline up na! Faster faster! Girls first." Psh. First day, papatakbuhin agad? Bwisit na teacher to. Di ba pwedeng warm up muna? Excited? Siya tumakbo.
At kung mamalasin ka nga naman, pangalawa pa. Ghad, kasalanan ko bang maging maliit (at dyosa)? Lagi nalang kami unang pinapahirapan. Masakiiiit.
"Okay Ms. dela Cruz. Sinong timer mo?" At bago ko nga pala makalimutang sabihin, pinakamaliit si Abby. HAHA!
"Ahhm. Ah. Sino ba? Aish. Sir pwede bang si Chan nalang?"
"No. Sa boys ka magpatime para walang daya." Napakadaming alam talaga ng lalaking to.
"Aish. Fine! Kay ano nalang. Ahm--"
"Ang bagal! Hoy Andrada! Ikaw nalang magtime dito!"
Napa-oo nalang si Abby, no choice nga naman. Tas atat pa 'tong teacher na 'to. Tsaka mukhang matino naman yung magtatime sakanya. May itsura.
May itsura, oo. Pangit siya. -_-
De joke. Gwapo nga 'tong napili eh. Inpeyrness.
"Ms. Chan! Sinong magtatime sayo?"Aw. Ako na agad? Nakatakbo na si Abby? Di ko manlang napansin. Psh.
"Ahm. Kayo nalang po baha--"
"Ako po, Sir! Ako magtatime sakanya."
Napatingin ako sa nagsalita and to my surprise, si Nathan. Oo nga pala! Magkaklase kami sa subject na 'to. Which is a good thing. Wala na kasi akong ibang kaclose dito sa klase, except sa magkapatid.
"Okay sige. Get ready Chan!"
Waahh! Di pa naman ako mabilis tumakbo. Dakilang lampa ako eh. Bwisit.
"1.. 2.. 3.. *whistles*"
Ay ghad! Takbo Hera! Takboooo!
Patay. Saka pa nagloko 'tong paa ko. Masakit. Hay. Matapos ko lang 'tong pagtakbo, okay na.
"Okay! Mr. Fernandez, time?"
"2 minutes and 5 seconds, sir." Woah there. Ganon lang kabilis? Sa pagkakaalam ko, inabot na ko ng 5 minutes ah?
"Mabilis narin pala yun. Okay, next!"
Napatingin naman ako kay Nathan at kinindatan niya lang ako. Okay, dinaya niya yun. Psh. Boyfriend ko talaga kahit kelan.
"OKAY. Nang matapos na, lima nalang naman na lalaki ang natitira 'di ba?"
"Yes sir!"
"Sabay sabay na kayong tumakbo. Humanap na ng timer, faster!"
At dahil matangkad si Nathan, ayun. Kasama siya sa limang sabay sabay na tatakbo. Naghanda nako ng timer, malamang naman ako ang pipiliin nyan. Para dayain ko 'rin resulta ng kanya. Loko hahaha.
"Oh sige. Position now!"
Nagsinuran naman sila sa teacher at naghanda ng tumakbo. Lalapitan ko na dapat si Nathan. Kaso..
"Ano ba yan! Ako pa? Daming alam eh. Akin na nga yang timer mo!"
"Hahaha arte."
Napatingin ako sa nagbabangayan. Si Nathan pala tsaka.. Si Chloe? Ah. Kaklase din pala namin siya sa PE. At napansin ko 'rin sa schedule nila kanina, magkaklase silang dalawa sa lahat ng subject.
Okay, fate. Okay.
Pero pinagtataka ko, bakit si Chloe ang kinuhang timer netong lalaking 'to. Akala ko kasi ako. Pero no big deal! Timer lang yan, Hera. Baka ayaw ka lang pagurin ni Nathan. Ganon. Wag kang chaka.
"Ready, set, go! *whistles*"
***
"Hera, tara cafeteria tayo?"
"Buti naisip mo yan. Tara."
Lunch na. Salamat at sa wakas, makakain na. Kanina pa ko gutom na gutom. Walang may pake? Okay.
Mag-iisang buwan na kaming 3rd year. Ganon naren katagal yung panahong halos hindi na kami nakakapagbonding ni Nathan. Can't blame him. Busy sya, busy rin naman ako. Pati nga kaming tropa, minsan nalang nagkakasama ng buo. Iba iba kasi ang sched namin.
"Huy, sila Gio oh! Tara!" Napatingin ako sa direksyon na tinuro niya. Nandoon ang buong barkada. Gio, Travis, Nathan at Chloe. At take note, nagtatawanan slash hampasan pa sina Nathan at Chloe. Saya ah? Lalo na talaga silang naging close, habang ako palayo ng palayo.
"Hera, Abby!" Gio.
"Uy! Nagkakasayahan kayo diyan ah." Pagkasabi ni Abby ay umupo siya sa tabi ni Gio. Ako? San nga ba ko uupo? Gustuhin ko man sa tabi ni Nathan, mukhang wala narin akong pwesto dun. Kaya dun nalang ako umupo sa tabi ni Travis. Dun nalang may bakante.
"Miss mo ko 'no?" Inirapan ko lang si Bantot. Pero totoo naman. Namiss ko siya. Silang lahat, actually.
"Ewan ko sayo."
"Hahahaha! Oo nga! Bwisit si Ma'am eh!" Napatingin kaming dalawa sa naghaharutang sina Chloe at Nathan ngayon.
"Eh bastos ka kasi!"
"Bakit naghubad ba ko?"
"Gago! Hahahaha!"
Saya saya naman nila.
Hah. Hah. Hah.
Selos ka nanaman, Hera?
BINABASA MO ANG
Collision of Fates
Teen FictionTwo different girls. Two different worlds. Two different lives. But what will happen when they interwine? When Abby dela Cruz, running for Suma Cum Laude, collides her path with Hera Chan, who was competitive as well? Will they remain competitors wi...