Chapter 2

307 9 0
                                    


"Miss, wake up.. Hey.."

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking mukha kaya pinalo ko ito paalis. What the fck just happened?

Masama akong tumingin sa babae na tumapik sa aking mukha. Napayuko naman siya, ibang babae nanaman ito.
Ilan ba katulong nila dito?

"Are you okay, Miss? You passed out kaya tinawag namin yung family doctor para tignan ka. He said na nag papanick attack ka daw." magalang niyang sabi sa akin. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Panicking isn't good for me. I might die in that way pag may nangyari pa ulit.

"Magpahinga ka lang,Miss. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka" sabi niya sa akin saka ngumiti. Tumango nalang ako saka napatingin sa ceiling. Sino ba yung lalaking iyon? Multo ba yun o akyat bahay?

"Miss, pwede ka namang mag ikot-ikot eh, wag ka nang mag mukmuk dito--"

"Satingin mo ba natutuwa ako sa ganito? HINDI! kaya wala kayong pakialam if I wanted to go out or not!" I shouted kaya napa stepped back siya dahil sa gulat. Tumango lang ito saka tahimik na umalis ng kwarto. Napahawak ako sa ulo ko, it hurts while thinking sa mga nakaraan ko. I can't escape. There's no turning back! Mamamatay na yata ako dito eh.

Matapos kong magiiyak ay naisipan ko narin maligo at pagkatapos ay lumabas para makapag ikot. Malawak ang Mansion na ito at halos puro painting ang makikita mo dito sa hallway.

Habang naglalakad ako ay yung mga katulong nanakikita at nasasalubong ko ay panay ang bulungan at tingin sa akin. Napayuko nalang ako saka nagmadaling mag lakad. Nakapaa lang ako dahil wala naman akong tsenilas o ano na magagamit. Simpleng nga lang ang suot ko na nakuha ko sa walk-in-closet kanina.

Maaraw pero parang napaka lifeless ng bahay na ito. May tao nga pero di munaman maramdaman na may tao palang nakatira. Napahinto ako sa pag lalakad nung nakasalubong ko yung maid at naka suit na lalaki. Familiar siya and I remembered na siya pala yung Bruno. Ngumiti ang lalaki sa akin pati rin yung babae na katabi nito.

"Ahm.." wala akong masabi. Aside sa hindi ko sila kilala ay parang uncomfortable pa ang moment na ito. They're smiling pero diko matukoy if tutuo ba or not. They're staring na parang natutuwa talaga sila, nakangisi ang mga ito hindi lang basta ngiti. Ang creepy.

Yumuko nalang ako sabay lakad nanaman paalis sa harapan nila, nung makalayo na ako ay nilingon ko sila pero nanlalaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakasunod sila habang naka ngisi at nakatingin sa akin. Nakakatakot ang mga mata nila! Hindi ko ma explain ng tama.

"Ahhhhhhh!!!"

Sigaw ko sabay takbo na palayo mula sa kanila. Fck!

"Mommy!!" tawag ko sa ina na diko alam kung meron ba. Nagtatakbo ako saka nag tago sa likod ng malaking sofa. Ang lakas ng heartbeat ko at parang mababaliw na ako sa kakaisip kung bakit ganun itsura nila. What the fck!

"HAHAHAHAHAHHAHAH"

Nakarinig ako ng malakas na tawa at dun naako lumabas mula sa pagkakatago. What the! Nakita ko yung lalaki at babae na nag tatawanan dito na ngayon ay nakaupo na sa sofa. Kinuha ko yung throw pillow saka pinalo sa kanila. Napatingin naman sila sa akin na nagulat. Wow, di nila alam na nandito ako?

"You scared the hell out of me!" sigaw ko sa kanila. Napakamot naman sila sa batok nila at nag sorry. Di talaga yun nakakatuwa!

"Eh, kasi gusto ka lang namin pasayahin sa ganitong paraan--" sabi nung babae pero mas lalo ako nainis dahil sa sinabi niya.

"Wanted to make me happy sa ganitong paraan?! Alam niyo bang bawal sa akin ang ganun?! Halos mamatay na nga ako dito dumagdag pa kayo!" sigaw ko sa kanila. Natahimik sila kaya napaupo ako sa sofa dahil kinabahan talaga ako ng dahil dun.

Trapped [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon