Chapter 20
"Goodnight, baby."
"Goodnight, Mom." sabi niya sa akin. Napangiti ako. Feeling ko ako talaga ang Mommy ni Zack. Parati na siya dito sa kwarto ko nakikitulog kaya tuloy-tuloy na din ang tulog ko ng dahil sa kanya.
Ilang segundo lang ay nakatulog na si Zack. Hinalikan ko yung noo niya habang iniyakap ko sa kanya ang isa kung braso, habang yung mukha niya ay nakaharap sa may dibdib ko at nakayakap din sa akin ang isang maliit na braso. Ganito ginagawa namin gabigabi, nasanay na din ako na palagi siya ang una kong nakikita ko every morning. Noon si Tyler ngayon naman ay ang mini version niya. Masaya na ako sa Ganito kahit masakit parin sa puso ko ang katotohanang ikakasal na siya sa susunod na linggo.
Nakarinig ako ng pag pihit ng siradura kaya ipinikit ko na ang aking mga mata. Inaantok na rin kasi ako dahil sa ginawa namin mag hapon ni Zack. Nakaramdam ako ng paglubog ng kama sa kabilang side, gustuhin ko mang silipin baka kasi may gagawing masama sa amin ni Zack ang taong pumasok pero hindi rin natuloy dahil na langhap ko yung pabango na ginagamit ni Tyler.
Yumakap ako lalo kay Zack dahil nandito si Tyler. Baka kunin niya ang bata sa akin, masarap pa naman ang tulog nito.
Hindi ko siya narinig na nag salita pero naramdaman ko na lumapit siya kay Zack. Mayamaya ay naramdaman ko yung mainit na halik niya sa noo ko. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi nalang din ako gumalaw dahil ayokong magpahuli na gising ako. I missed him near me.
Ilang araw ko din hindi nakita ang pangit na ito, pati si Zack nag tatampo na dahil uuwi lang naman si Tyler kung may kailangan eh.
Ilang minuto ang lumipas bago ko marinig ang pag bukas at pag sira ng pintuan ng kwarto ko. Nag mulat ako ng mga mata saka hinawakan ang noo ko.Tyler..
Dumating ang araw na kasal na talaga sila ni Tyler. Sa Mansion titira si Maxie panandalian bago sila mag sama ni Tyler sa iisang bahay na kasalukuyan pang ginagawa. Iyak ng iyak si Zack dahil ayaw niya daw ng bagong mommy. Nag tataka mn ako ay hindi ko nalang rin inalam.
Si Rhianna ay nag iba din ang timpla ng mukha niya sa araw na ikinasal si Tyler. Ngiting aso naman ang mukha ni Maxie kaya heto nag kukulong kami ni Zack sa kwarto ko. Niyayaya ko man siyang lumabas ng kwarto ay ayaw niya dahil may pangit na babae daw sa labas. Natatawa nalang talaga ako, hindi lang pala kami ni Rhianna ang galit sa Maxie na iyon, pati rin pala ang cute na ito.
"Mommy.. Di natin sundo si Pangit Maxie, okay? She's bad." cute na sabi ni Zack sa akin. Natawa naman ako dahil sa hindi ko mabilang kung pang ilan na niyang tawag na pangit iyan kay Maxie. Well, isang linggo ng nakatira dito si Maxie at sa tuwing nakikita ko siya ay na iinis talaga ako.
She tried to get Zack's attention and trust pero bigo ito dahil ayaw talaga nung bata sa kanya. Parehas namin ni Zack si Rhianna, saka lang kami lumalabas kapag hindi na pagalagala yung bruha.
"Yes, baby. Never trust anyone, okay?" sabi ko sa kanya. Tumango ito at yumakap sa akin ng mahigpit kaya niyakap ko narin siya pabalik.
Hapon na noon na isipan naming lumabas ni Zack, kukuha lang kami ng cookies at gatas sa kitchen dahil na gugutom na kami. Hindi ko kasi pwede iwan si Zack dahil may terrace, baka maano pa iyon kapag iniwanan ko sa kwarto kaya kung saan ako ay nandun din siya. Gusto rin naman niya ako makasama at ganun din ako sa kanya.
Hawak kamay kaming bumaba ni Zack patungong sala. Naabutan namin doon si Maxie na nanonood ng TV sa sala. Hindi ko na sana siya papansinin kaso nakita niya kami kaya tinawag niya kami.
"Zack! Jazmyn. Owhh hello, there! Sasamahan niyo ba ako manuod?" tanong ni Maxie sa amin. Bored akong tumingin sa kanya, naiinis talaga ako sa ngiti niyang plastik. Wow, feel na feel niya naman yata ang pagiging Moretti.
"Mommy let's go. We don't talk to strangers." Zack hissed.
"Hindi na." sabi ko saka nag patuloy na kami ni Zack patungo sa may Island counter ng kusina saka dun ko pinaupo si Zack.
"Behave. Don't move, Zack" utos ko sa kanya na tinanguan naman niya. Kumuha ako ng cookies sa isang cabinet at fresh milk sa reff.
Ibinigay ko iyon kay Zack na agad naman niyang kinain. Natawa ako sa itsura niya dahil ang dungis. Nakarinig kami ng buzzer na nagpapahiwatig na may nag do-doorbell sa labas. Nakita kong nag tatakbo ang isang katulong na parang kulang nalang ay lumipad dahil sa pag mamadali. Sino naman kaya ang bisita namin?
Nakita ko si Thamuz na nag mamasid sa paligid. Sabi ni Rhianna ay pinababantayan daw ni Tyler itong si Maxie, ang sosyal naman yata ng loka kahit nandito sa loob may nakabantay.
"Tara balik na tayo" nakangiti kung sabi kay Zack. Ibinababa ko na siya mula dun at nag lakad na kami. May kagat kagat siya na isang cookie habang ako ay may hawak na bowl ng cookies at fresh milk sa dalawang kamay ko. Napahinto kami nung may nag salita na nagpahinto sa amin ni Zack.
"Hi,there."
Napalingon ako dun sa sala at nakita ko ang Daddy ni Maxie dun. Kaya pala halos lumipad na yung katulong ay dahil isa palang Lee ang nandito. Bahagya akong ngumiti. Yung tingin ng Daddy ni Maxie ay biglang bumaba kay Zack kaya itinago ko sa likod ko si Zack. Lumawak ang ngiti nito saka binalingan ako uli ng tingin. Mahigpit ang bilin ni Tyler sa aming lahat na nandito sa Mansyon ay bantayan namin ng maigi si Zack dahil possible daw itong targetin ng kalaban nila.
"Who's this young man?" masayang tanong ni Mr. Lee sa akin. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa damit ko si Zack.
"Yun na nga yung sinasabi ko Daddy eh. Remember the day na nawala ako sa inyo ng isang taon? It is because nabuntis ako ni Tyler. He broke up with me at that time after I gave birth."na iiyak na sabi ni Maxie. Nagulat naman ang papa niya pati ako. Anong pinagsasabi nito?
"kaya na depress ako ng dalawang taon dahil na wala silang lahat sa akin. That's why I wanted to get in touch again, daddy." hagolgol niya. Napatingin naman ako kay Zack na nalilito sa pang yayari at umiling iling habang nakatago sa likod ko.
"I didn't know na Makikita ko pala siya dito but sadly hindi niya ako kilala. So, I tried to get his attention and trust pero hindi niya ako pinapansin." dagdag niya pa sa sinabi niya. Yumakap pa talaga siya sa Daddy niya at doon nag iiyak.Nag init ang dugo ko sa hindi malamang dahilan. Sinasabi niya bang anak niya ang batang ito at ako ang dahilan kung bakit hindi siya pinapansin nito?!
"ngayon alam ko na.." sabi ng Daddy niya na mukhang iiyak na din.
Humarap si Maxie sa akin, yung expression niya.. Yung iyak niya ay totoo talaga. Hindi ko alam kung marunong lang ba siyang mag acting or ano dahil sa pinapakita niya.Lumuhod ito sa harapan namin na ikinagulat ng Daddy niya. Umiiyak siya habang nakatingin kay Zack. Nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil baka nag sasabi siya ng totoo. Wala naman akong karapatang angkinin si Zack dahil hindi ko rin naman siya anak pero na sasaktan parin ako.
"Zack... Baby.. Come here.. Please." pakaawa niya. Pinipilit siya na tumayo ng Daddy niya pero ayaw niyang mag patinag. Tinatawag niya parin si Zack na ngayon ay umiiyak at umiiling. Hinarap ko ang bata saka lumuhod para maka pantay siya. Inilagay ko muna sa sahig ang mga bitbit ko para mahawakan ko si Zack. I wiped his tears away ang kiss his little hands.
"Baby.. Mommy mo daw siya. Can you hug your Mommy?" sabi ko sa kanya pero nagulat ako nung niyakap niya ako. Ang ibig kong sabihin ay si Maxie ang yakapin niya hindi ako.
"Baby.. Si Mommy Maxie mo, hindi ako." sabi ko sa kanya pero na ramdaman ko ang sunod sunod na iling nito. Napabuntong hininga ako at napatahimik nung mag salita nanaman si Maxie.
"Please, Jazmyn. Ibigay mo na siya sa akin. Paano ko siya makakasundo kung ikaw palagi ang kasama niya?" pakaawa niya sa akin. Nag init ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
Kasalanan ko bang ayaw sa kanya nung bata?!
"NO!! I DON'T NEED A SECOND MOM. I WANT MOMMY! I WANT MOMMY!" sigaw ni Zack habang mahigpit na naka yakap sa akin. Hinagod ko yung likod niya dahil nag iiyak na siya ng malakas.
"But I am your Mom--"
"NO! YOU'RE A MONSTER! I WANT MOMMY NOT YOU!" sigaw uli ni Zack kay Maxie. Nakarinig ako ng singhap dahil sa gulat. Alam ko na gulat sila sa sinabi ni Zack.
Malaking gulo nanaman itong napasukan ko. Wala naba itong katapusan?
----------
Don't forget to comment and vote👇-unedited
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mistério / SuspenseHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...