2 days later..
"Miss, bawal ka talagang pumasok. Ayaw ni Master na makita mo siya sa ganung sitwasyon." sabi ni butler Thamus na nag babantay dito sa labas ng operating room na nandito lang sa loob ng Mansion.
"Why? Dalawang araw na kaming kasal pero diko siya pwede makita? What the-!" sabi ko sa kanya. Asawa niya ako sa papel pero kahit sa simpleng pag aalaga na hiling ng matandang yun ay ginagawa ko pero siya--siya mismo ang ayaw mag papasok sa akin! This is stupid!
"Sorry po ma'am pero yun ang utos eh." sabi ni Thamus sa akin. Napailing nalang ako sabay lakad paalis dun. Nakakairita! Gusto ko lang naman makausap ang lalaking iyon tapos hindi pa pwede?! Ni hindi nga nila ako basta paalisin ng bahay na ito dahil sa hindi ko malamang dahilan!
Habang naglakakad ako pabalik sa second floor kung saan ang kwarto ko ay may narinig akong ingay. Ungol.
What the fck? Pati sa hallway may umuungol? Dahan dahan akong nag lakad palapit sa isang kwarto na bukas. Dito siguro yun nangaling. Habang palapit ako ng palapit ay lumalakas ang ungol kaya nanayo ang balahibo ko sa katawa. What a shame! Diba sila na hihiya?!
Sisilip na sana ako kaso may humawak sa braso ko na ikinasigaw ko ng malakas. Bullsht!
"What the heck, ugly man! Why are you here?!" sigaw kong tanong sa kanya. Wala narin akong marinig na ungol, siguro na hiya na ang mga iyon.
"Diba dapat ako ang nag tatanong? Why are you here?" tanong niya na naka-smirk. Oo nga, bakit ako nag punta dito? Alam ko naman na may kababalaghan silang ginawa pero lumapit parin ako. Sht. Baka iba ang isipin nito.
Tinaasan ko siya ng kilay para maitago ang aking hiya. "Bakit? Anong pakialam mo?" maldita kong tanong sa kanya sabay crossed arm sa harapan niya.
"oh! Let me guess, gusto mo rin ng ganun noh?" nakangisi niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang vulgar talaga ng lalaking ito! Diba niya alam na Minor pa ako?!
"shut up. Nonsense!" sabi ko sa kanya sabay tingin pabalik sa pinto. Nakita ko yung lalaki na lumabas--si Bruno. Cool lang ito na parang walang nangyari habang ang babae ay nag aayos pa nang maid dress niya at nakikita ko pa ang bra. Eww.
"Oh ano? Tapos na?" mataray kong tanong sa babae. Nagulat naman ito, siguro di niya ako na pansin dahil busy siya sa kakaayos ng damit niya. Yumuko ito dahil sa hiya at umalis rin pagkatapos. Wala man lang privacy! Didto pa talaga sa stock room gumawa ng kababalaghan!
" shameless." bulong ko sa sarili na tinawanan lang nung pangit. Bakit ba nandito parin ito? Sa tingin ba niya ay natutuwa ako?
"Baliw kaba talaga? O nag baliwbaliwan lang?" tanong ko sa kanya sabay pamewang at tinaasan siya ng kilay.
"Sinong may sabi na baliw ako?" inis niyang tanong sa akin. Huh.
"ako,bakit?" taas kilay ko paring sabi. Akala ba niya madali akong talunin? Kapag nakatakas na ako dito ay sigurado akong isusumbong ko sila sa pulis. Di na tama ang ginagawa nila.
Lumapit ito sa akin ng nakangisi. Ang creepy talaga ng taong ito! Parang anytime mangangain ito ng buhay. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko pero siya ay lumapit parin sa akin upang bumulong dahilan ng ikinalaki ng mga mata ko.
"Baka gusto mong baliwin kita sa kama para makita mo kung paano ako kabaliw." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Bastos! Tinulak ko siya at tumawa lang siya ng tumawa.
"Tyler, baka nakakalimutan mo na asawa ako ng kapatid mo!" sigaw ko sa kanya na ikinangisi niya lang lalo. That's not a good joke!
"Talaga? Di niya naman ito malalaman eh." He said. Namula ako dahil sa kanya, hindi sa kilig kundi sa inis at galit. Wala naba talaga siyang hiya sa katawan?!
"Brazen!" sabi ko na umiiling at natatawa dahil sa sinabi niya. Napaka stupid talaga ng lalaking ito. May asawa yung tao tapos gaganituin niya ako? Hindi pa siya na aawa sa kapatid niya? Hindi ba siya nahihiya sa akin?
"He'll be fading soon.."
Gulat ko siyang tinignan. Ganyan na ba siya kasama? Bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito? Nakatingin lang ako sa kanyang likod. Umalis na ito habang nakapamulsang naglalakad palayo sa harapan ko kaya naiwan akong mag isa dito sa hallway.
Fading? Hindi ko panga nakikita yung pinakasalan ko sa papel tapos mag fa-fade na? It means malaya na ako pag nagkaganun! Halata naman na ayaw nung lalaki sa akin at hindi ko rin type ang lalaking yun.
Wala naman akong paki kung mawala yung asawa ko kuno pero ang nakaka weirdo lang ay hindi ko pa nakikita yung tao. Ganun naba kalala ang kondisyon niya para ayaw akong papasukin? Napailing nalang ako at nag simula ng maglakad paalis sa kinatatayuan ko patungo sa kwarto ko.
Nakalipas ang ilang araw ay ganun pa din ang ginagawa ko. Sinusubukan ko din kamustahin yung asawa ko kasi may nagbabantay sa akin kung inaalagan ko ba yung anak ni Master. Ganun pa din naman Sean, di parin nag papapasok kaya nag hahatid naman ako nag pagkain para ipakain kay Sean. Si tyler naman, ayun nag layas na yata kasi diko na kikita. Wait.. Paki ko ba sa lalaking iyon?
"Thamus.. Pwede ko bang makausap si Sean? Ilang araw na akong nag mamakaawa." sabi ko kay Thamus. Wala rin naman akong mapuntahan. Wala rin naman akong kaalam-alam sa lugar na ito kaya malabong makaalis ako dito ng mag isa. Madaming bantay sa labas kaya napakalabo talagang makatakas.
Gusto ko lang naman kausapin si Sean para bigyan ako ng kalayaan. Gusto kong maglakad lakad na nasisilayan ang araw at damhin ang init na ibinubuga nito. Sariwang hangin at ang magandang kalangitan ay gusto kong makita. Oo, malaya akong naglalakad dito sa loob pero hanggang dito lang talaga, hindi nga nila ako pinapalapit sa gate sa entrance door pa kaya ng Mansion na ito? I'm tired. Iisipin ko palang na nakakulong ako dito ay parang mawawalan na ako ng pag-asang makisalamuha sa ibang tao.
Makikipag salamuha. Yuh, makikisalamuha at hayaan silang i judge ako. Hahayaan silang saktan ako. Hahayaan silang apak-apakan ang pagkatao ko. Wala naman akong kaya eh kasi talunan ako.
Nagising nalang ako na inaaway ng ibang tao. Pangalan ko nga ay halos makalimutan ko pero may isang batang lalaki ang nag sabi na si Jazmyn daw ako pero ang surname ay hindi na niya sinagot. Kaya hanggang ngayon ay napaka misteryo ng batang iyon, sumusulpot lang kasi siya kapag may kailangan ako na hindi ko maibigay sa sarili ko. Ewan, ba. Parang baliw nga yata ako ng panahon na iyon dahil kung ano-ano na ang nakikita't naiisip ko.
Natawa ako sa aking naiisip. Masakit man aminin pero ganun talaga ang dinanas ko nung hindi pa ako napunta dito sa Mansion.
Ano ba talaga ang pakay ko dito sa mundong ito? May alam ba talaga ang matandang lalaking iyon sa pag katao ko o binubola lang ako? Napabalik ako sa realidad nung nag salita si Thamus na ikinayuko ng ulo ko.
"I'm sorry Ma'am pero hindi talaga pwede."
-----
A/N:
Sean (shan)
PLEASE COMMENT AND VOTE.
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...