Chapter 27" I'm your fcking what?! "
"He's dying! So, we need to focus on you. Kapag namatay ka wala nang mamamahala sa Phoenix Orgs at isa pa maraming umaasa sayo!---"
"THIS IS PURE BULLSHT!" sigaw ko sa kanya. Pinilit kong igalaw ang katawan ko para maturuan ko ng leksyon ang litseng doctor na ito pero bigo ako. Hinang hina ang katawan ko at hindi ko din maigalaw dahil sa itinurok niya sa akin.
Bakit sa akin sila nag fo-focus e ang anak ko ang nangangailan ng tulong?! Hindi ako takot mamatay ang akin lang ay mabuhay ang anak ko dahil madami pa siyang hindi nagawa sa buhay.
"Calm down--" pinutol ko ang sinasabi niya dahil galit na talaga ako. Sa sobrang galit ay naiyak nalang ako dahil ako na ina ni Zack ay walang maitulong! Puta naman oh.
"Calm down?! DOCTOR YEE! I TRUSTED YOU. ANG HILING KO LANG AY ANG PAGALINGIN MO SI ZACK HINDI AKO! I DON'T CARE ABOUT THE ORGANIZATIONS WHEN IT COMES TO HIM! HE'S MORE THAN THAT!" sigaw ko sa kanya. Umiling siya, hindi ko alam kung may awa ba ang doctor na ito pero yung nasasaktan sa sitwasyon namin ay si Zack. Kung pwede lang ay ako nalang yung mamatay hindi nalang siya. He's too young to die. Hindi sa ganitong paraan nalang siya matatapos!
"I'm sorry." sabi sa akin ni Doctor Yee. Napaling ako dahil hindi ko tanggap ang katotohanan. Akala ko magagawan niya ng paraan. Akala ko matutulungan niya kami pero akala ko lang pala iyon.
"D-doctor Yee.." pumuyok kung boses ko dahil sa iyak. Kung gusto niyang lumuhod ako ay gagawin ko wag lang niyang hayaan ang anak kong nagdudusa sa lason.
"Fara.. I'm really sorry." sabi niya at iniwan na ako dito sa loob.
Hindi! Hindi pwedeng mawala ang anak ko! Kung hindi lang ako binaril ni Tyler edi hindi ako nagkakaganito!
Ilang minuto ang lumipas ay may pumasok. Pag tingin ko ay nakita ko si Jake Scott or should I say... Sean. Kaya pala familiar at magkaparehas sila ng mata ni Sean. Iisa lang pala.
"How are you?" pambungad niyang tanong sa akin. Dumulim ang paningin ko dahil sa tanong niya.
"Seriously? Tinatanong mo pa ako kung kamusta ako? Jake.. Kinamumuhian ko kayo!" matigas kong sabi sa kanya.
"Fara--"
"Wag na wag mo akong tawaging Fara!
Niloko mo ako. Niloko niyo ako!" sigaw ko sa kanya. What a mess, Tyler! You really planned it well!"Fine. Si Tyler ang may utos noon sa akin but you know Fara? He's just doing this for the sake of everyone. Can you trust him?" paliwanag niya sa akin pero umiling ako. Niloko na nga nila ako, maniniwala pa ba ako?
"Trust him? Fck, Jake! Nasa masamang kalagayan ang anak ko tapos sasabihin mong pagtiwalaan ko siya ulit?!" Ani ko sa galit na boses.
"I'm sorry.. Hindi namin inaasahan ito." sabi niya sa akin saka naluha na. Unti unti siyang lumuhod sa harapan ko pero kahit anong gawin niyang pagluhod ay hinding hindi ko sila mapapatawad.
"Umalis kana. Wala yang magagawa." sabi ko sa kanya. Tumayo naman ito saka umalis, naiinis ako sa sarili ko. Punyeta. Naisahan nanaman ako ni Doctor Yee, hindi pala iyon basta na anesthesia may droga pala iyong kasama! Fck.
Pinilit kong umalis sa stretcher bed kaya nahulog ako. Napadaing ako dahil sa sakit ng pagbagsak ko at sa tingin ko ay bumukas yung itinahi ni Doctor Yee.
Inda-inda ang sakit na gumapang ako patungo sa pinto. I need to get out of here! Hindi gagaling ang baby ko kapag nandito ako. Nang makarating ako sa pintuan ay pinilit kong tumayo kahit ang sakit sakit na talaga. Parang nawala yung itinurok sa akin ni Doctor Yee dahil nararamdaman ko na yung sakit.
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...