Chapter 15

88 7 0
                                    

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko agad ang mukha ni Tyler na natutulog. Magkasama nanaman kaming natulog. Bumangon ako saka isinuot ang robe ko at nag tungo sa banyo. Another day nanaman at ito rin ang araw na pupunta ang mga Lee dito. Yes, kasama don si Maxie Lee. I wonder kung anong pakiramdam ngayon ni Rhinna.

Nangmatapos akong mag bihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Rhinna sa kitchen na nag luluto at si Grandpa na nagkakape habang nag babasa ng news papers.

"Goodmorning." masayang sabi ko na ikinalingon nila. Nakangising namewang si Rhinna. Naku, alam ko na ang takbo ng isip nito.

"Maganda ang araw natin ah? Ano? Naka score ba si kuya?" nakangisi niyang tanong na ikinapula ng pisnge ko. Binato ko siya ng news paper dahil malapit lang naman ako kay grandpa at may extra doon sa table.

"Ay, parang wala naman yata dahil naging bad mood. Asuss, Ate inlove kana. " sabi niya sabay tawa. Napailing nalang ako saka umupo sa tabi ni Lolo. I sighed. Ngayon nga pala ang punta ng mga Lee. Mabuti naman at nasa mood ang ang Rhiannang ito.

"How's your day? Are you ready to meet Maxie as Tyler's future wife?" biglang tanong ni Grandpa. Biglang bumigat ang pakiramdam ako. Kaya ko ba? Tanggap ko ba na sila Tyler at Maxie ang mag kakatuluyan? Bakit bigla nalang kumirot itong puso ko? Mahal ko na ba talaga yung pangit na iyon?

"Yes, Grandpa." sagot ko ng nakangiti, hindi ko pinahalata na nasasaktan ako sa sagot ko. Hindi naman kami ni Tyler at isa pa may asawa na ako kaya ano pang eneexpect ko?

"I hope that it's okay to you, Jazmyn. We can cancel it if you don't like it." sabi ni lolo saka tumitig sa akin. Nagtaka naman ako. Bakit niya ica-cancel kung di ko gusto? Bakit na sa akin ang desisyon?

He sighed. "Jazmyn, this is all just a business matter. Don't think on the other way, okay? Trust us."sabi ni Grandpa kaya tumango nalang ako kahit hindi ko talaga alam ang rason nila kung bakit gusto nila ang opinion ko sa kasal na ito.

Nung mga dumaan na araw kasi ay panay ang tanong nila if okay lang ba sa akin lalong lalo na si Tyler. Tinatanong ko yung dahilan kung bakit kailangan ang opinion ko sa ganung bagay pero hindi naman nila binibigay. Akala mo naman ako talaga yung asawa nung Tyler. Psh. Pag ako talaga ang asawa tapos tinatanong ako ng ganyan ay talagang hindi ako papayag kahit business pa yan.

Aba, sino namang tanga ang papayag na ipakasal ang asawa mo sa iba? Psh. Buti naman hindi ko asawa ang pangit na iyon kaya wala akoy pro-problemahin. Sighed.

Meron pala, yung puso ko..

"Manang, pakibuksan naman sila oh!" sigaw ni Rhinna mula dito sa kusina dahil may nag doorbell na. I guess nandito na talaga sila. Yung mga Lee.

Nagpunta narin kami sa living room. Si Rhinna, ayun nakataas na ang isang kilay habang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Rhinna. Nakita namin si Maxie na ngiti-ngiti sa harapan namin. Ipinaikot ko nalang ang aking mga mata dahil na iinis talaga ako sa kanya. Aba, siya kaya nag turo kung nasan kami noon ni Tyler sa Restaurant! Argh. Pinipigilan ko talaga na dukutin yung mga mata niya.

"Mr and Mrs. Lee, welcome to Moretti's Mansion."sabi ni Grandpa sa kanila, ngumiti si Mrs. Lee sa amin. Mabait naman yung Mama ni Maxie pero yung anak niya at Asawa ay parang hindi. Pinaupo sila ni Grandpa sa upuan kaya hinarap ako ni Rhinna.

" Ate, I think you need to go upstairs and wake brother's up. Go." sabi niya sa akin na tinanguan ko naman. Agad ako umakyat sa kwarto ko para gisingin si Tyler. Pagpasok ko sa kwarto ay agad ako napasigaw dahil may pumulopot na mga braso sa bewang ko at isinandal ako sa pintuan. Nung nakita ko kung sino ay pinalo ko ito dahil sa pang gugulat sa akin.

"I hate you!" inis kong sabi sa kanya. Natawa siya saka pinakawalan ako, napayuko ako dahil sasabihin ko na pala na nandito na yung mga Lee.

"N-nandito na pala yung mga Lee. Pinapababa ka narin." sabi ko dahil dun rin naman ang tungo niya. Kailangan niya pang harapin ang mga Lee dahil siya ang pakay ng mga ito.

"I know." sabi niya. Tinignan ko siya and I saw him smiling. Napangiti na rin ako, so, I guess hindi na talaga mababago ang tadhana. Matatali kana habang ako ay nakatali na sa kapatid mo, masakit man aminin pero napamahal na ako kay Tyler sa loob ng ilang buwan. Walang Sean. Just Tyler.

"Hey.."

Napabalik ako sa realidad nung may pinupunasan siya sa aking pisnge at dun ko rin napagtanto na umiiyak na pala ako. I mentally hug Tyler. Doon ako nag iiyak kahit alam kong mali, I don't need to tell him na mahal ko siya dahil baka mag bago ang isip niya at ayokong mag away sila ni Sean, at ayoko rin na magkagulo ang pamilya nila nang dahil sa akin. Kaya hanggat maaari ay itatago ko itong nararamdaman ko.

"Hushh.. Stop crying, Jazmyn." sabi niya sa akin pero hindi ako nakinig. Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanyan baka ito na ang huli. Hindi naman siguro siya mag lalagay ng malisya dahil parang kapatid naman ang turing niya sa akin dahil asawa ako ng kapatid niya. Diba? Hindi naman siya maglalagay ng malisya, diba? Sana naman... Sana..

Pinunasan ko yung mga luha ko saka ngumiti sa kanya. Hindi ko talaga sasabihin ang nararamdaman ko sayo Tyler. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng pamilyang ito.

"T-tara na. Sigurado akong hinahanap kana nila." sabi ko saka tumalikod na. Binuksan ko na yung pintuan saka humakbang na palabas, wala na talagang lingon likod dahil baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko kapag lumingon pa ako pabalik kay Tyler. Mabuti nang wala siyang alam sa nararamdaman ko.

"I want our wedding to be held here in Moretti's Garden and the date should be earlier para makasama na kita. Is that okay, Daddy?" narinig kong sabi ni Maxie sa Daddy niya habang naka yapos sa braso ni Tyler.

Nakaupo sa harapan namin ni Rhianna sina Tyler at Maxie, habang nasa kaliwang side naman ang parents niya at nasa kanan naman si lolo, nakaupo ito ng mag isa. Nakatayo naman sa likod ni Grandpa sina Thamuz at Bruno na seryoso lang ang mga tingin.

Napasulyap ako kay Tyler at nagulat ako na nakatitig ito sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Mahirap na baka mahalata kami ng mga Lee, baka mabigyan nang malisya.

"That's great, anak. Mag desisyon narin kayo sa tamang petsa. Wag na natin patagalin total mag sasama-sama naman tayo." sabi ni Mr. Lee

Business lang ba talaga ito? Bakit kailangan pa ang magarang kasalan pag pure business lang? Pwede naman na permahan lang diba? Kagaya sa amin ni Sean pero bakit pakiramdam ko ay hindi lang ito pure business? Kinakabahan akong nagpatuloy sa pakikinig sa usapin nila. Mukhang ako lang yata ang walang alam sa mga nangyayari.

"Well, since after marriage ay wala pa kayong magiging bahay ay pwede bang dito muna si Maxie? Pinapatayo pa kasi namin yung dream house niya na gusto niyang tumira kasama ang isang Moretti."nakangiting sabi ni Mrs. Moretti na agad naman sinang-ayonan ni Grandpa.

"Yays! I'm gonna live in this Mansion and I will be the queen of Moretti's!" Nagagalak na sabi ni Maxie habang inihihilig ang ulo kay Tyler. Hindi ko na yata kayang pakinggan ang mga sinasabi nila.

Queen? Yeah, She'll be the Queen of Moretti's. Isang napaka influential na pamilya sa buong mundo kaya sino ba ang hindi magiging Reyna kapag isang Moretti's na ang mapapangasawa mo?

Sean Moretti... YEAH. I'm his queen pero parang hindi naman nag e-exist si Sean para sa kanila e. Naningkit ang mga mata ko sa kanila ni Maxie. Aba't, bwesit ito ah! Sa harapan pa talaga namin naging baboy! Aba, sino naman ang matutuwa kung ang mahal mo ay dinidilaan ang leeg ng ahas na babae?! Pakiramdam ko handa akong bumali ng buto ng kung sino.

Tatayo na sana ako kaso hinawakan ni Rhianna ang kamay ko. Mahigpit ang hawak nito habang nakatingin sa kanila ni Tyler. Napapikit si Tyler na nakadagdag sa inis ko.

Bullsht! Did he enjoy it?!

Walang sabi sabi akong umalis sa living room. I can't make it! I can't control myself at baka ano pa ang magawa ko sa babaeng iyon. What the fck? He even let that filthy lady to kissed his neck?! Pero sino ba talaga ako sa buhay ni Tyler? Asawa lang naman ako ng kapatid niya ah. ASAWA it means I'm already taken pero... Diko mapigilang mainis.

Pag kapasok ko sa kwarto ay malakas kong isinarado ang pintuan saka nag talukbong ng kumot. Damn. It hurts!


- unedited

Trapped [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon