Good timing, makakalaya na ako!
Nakangiti ako habang tumatakbo palayo. Wala nang mangiinis sa akin at wala ng pipigil sa gusto ko. Lakad takbo ang ginawa at ilang minuto na rin akong ganito. Wala akong mapapala ko papakinggan ko lang yung kamustahan nila sa loob ng Resto. Kaya gagawin ko ang lahat makatakas lang sa Moretti's.
Napawi ang ngiti ko sa labi dahil may dalawang white vans ang huminto sa harapan ko kaya napahinto ako sa pagkakatakbo. Ginawa nilang harang ang kanilang sasakyan at sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Ano nanaman ito?
Mali ba ang pag takas ko? Paano na ako ngayon? Di naman ako makakabalik diretso sa Resto. dahil malayo na talaga ako.
Sino ba ang mga ito? Napagkamalan ba nila akong magnanakaw? Kriminal? Bumukas ang pinto at nag silabasan ang mga nakasakay dun. Mga goons!
"Mukhang siya na nga. Get her." utos nung lalaki sa mga kasama niya. Nataranta naman ako saka nag simula ng tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko. Sht. Wrong timing talaga! Imbes na tumakas ako palayo, ay heto ako ngayon tumatakbo pabalik kung saan sila Tyler! Tangina.
" stop right there! " sigaw nung mga lalaki sa akin pero hindi ko pinansin. Kung tatanungin niyo ako if ilan sila ay ewan ko! Nakakataranta ang sitwasyon ko dahil may dala pa silang batuta.
Natatanaw ko na ang Resto kaya binilisan ko pa ang pagtakbo. Bakit ba ako hinahabol ng mga ito? Wala naman akong ginawa ah! Ano bang kailangan nila sa akin? Takbo lang ako ng takbo kasabay.
Nung nakaharap ko ang pinto ng Restaurant ay agad ko ito tinulak pabukas, ihahakbang ko palang sana ang mga paa ko ay may narinig na akong kasa ng baril. Fck! Nanlamig ako sa kinatayuan ko dahil sa narinig.
"Missy, step backward and follow us." utos nito sa akin, ramdam ko ang baril na nasa likod ng aking ulo. Napatingin ako sa mga taong nandidito sa loob, gulat lahat ang reaction nila habang naka tingin sa amin. I searched for Tyler pero wala siya dito kaya na walan ako ng pag-asang makaligtas dito. Asan na ba iyon?! Mamamatay naba ako ngayon? Ohmyghad. Sana hindi nalang ako umalis sa yabi niya.
I sighed and keep myself calm. Nag-uunahan ang isip ko dahil sa mga what ifs. What if mamamatay na ako? What if wala talaga akong kawala? What if saktan nanaman nila ako? Sa mga naiisip ko palang ay bumibigat na ang pag hinga ko. Kapareho sila noong mga taong nanakit sa akin noon at nakakatruama ang nakaraan ko.
Lahat ng kaba ay naramdaman ko. Ang isip ko ay kahit saan na pumupunta like ito na talaga ang huling araw ko. Umiling ako at pinilit ipa kalma ang aking puso at isipan. Sht. Not again. Not in this kind of moment!
"What do you want?" tanong ko nung nakalabas na ako sa Resto. Nakaharap na ako sa kanila pero nakapikit ang mga mata ko. I can't open my eyes. I'm scared! Baka pag iminulat ko ay mag bre-breakdown na talaga ako dito sa takot.
Hindi naman ito yung first time. May worst pa dito kaya ganito nalang ang takot na nararamdaman ko.
"We want you to follow us." sabi nito sa akin. Hindi na ako nagsalita, in this very moment ay hindi na ako yung maldita. I'm back for being weak. I wanna cry out the fck of me but I can't!
Tyler..
Pangalan niya ang unang pumasok sa isip ko. Bakit na wala bigla si Tyler? Ano bang kailangan ng mga lalaking ito? Bakit kailangan pa ako tutukan ng baril para mapasunod? Bakit ang dami nila eh isa lang naman ako? Pero seryoso, gusto ko ng umiyak dahil sa nangyayari.
"ito ba talaga ang girlfriend ng Tyler na iyon?"
At that ay talagang napamulat ako sa aking mata. Tyler? Kilala nila si Tyler? Napataas ang kilay ko parang biglang nag change ang mood ko from being weak to maldita. Napaharap ako sa kanila na ikinagulat nila.
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...