"Eat, Jazmyn." matigas na utos sa akin ni Tyler kaya nagulantang ako dahil sa boses niya at agad kumain. Nakatingin lang si Ria sa akin habang si Grandpa ay napailing nalang.
"You're scaring her kuya. Stop that" sabi ni Ria nung lumakbay ang katahimikan. Bumuntong hininga si Tyler saka umalis sa hapag.
Dalawang araw na ang lumipas simula nung away namin ni Tyler. Nakakatakot yun at hanggang ngayon ay hindi ko magawang suwayin si Tyler. Simula nung nangyari sa kwarto na awayan ay mas nakakatakot na siyang titigan at suwayin. Baka hindi lang pag bato ng dagger patungo sa doorknob ang gugulantang sa akin baka ako na ang makabulagta sa sahig 'pag nagkataon!
"Today, you'll going to see Sean" sabi ni Grandpa na nag paangat ng tingin ko mula sa pagkain.
"R-really?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Grandpa. Umiwas ng tingin si Ria at bumuntong hininga si Grandpa bago tumango saka tumayo na rin at umalis kaya na iwan kami ni Ria.
Masaya kong inubos ang aking pagkain. Makikita ko nanaman si Sean. Pagka tapos kong kumain ay tumingin ako kay Ria na nakatingin din sa akin. Nangunot ang noo ko. Bakit ganyan siya makatingin? Parang naaawa na ewan? Ganyan naba kahalata na desperado akong umalis sa bahay na ito? Ganyan naba ako ka kawawa sa paningin niya? Ewan.
Nangmatapos ako mag bihis at mag ayos ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya dalidali akong lumapit doon at pinagbuksan sila Sean.
Nakangiti akong sumalobong kay Sean na nakaupo sa wheelchair habang tulaktulak ni Ria.
"How are you?" nakangiti kong tanong kay Sean. I hold his hands saka hinaplos ang pisnge niya. Pumunta si Ria sa terrace, nakamasid sa paligid kundi naman ay sa amin.
Hindi parin masyadong okay ang pakiramdam niya at ganun padin nung dati. Hindi siya nag sasalita, nakatitig lang siya sa akin at dinadama ang haplos ko.
"Alam mo? Nagkasagutan kami ni Tyler.. Nakatanggap din ako ng Death threat mula sa hindi ko alam kanino." sabi ko. Wala namang mali kung open ako sa kanya total asawa ko naman siya.
Hinigpitan ko yung hawak sa mga kamay niya at nag simula nanamang pumatak ang mga luha ko. Tumingin ako kay Ria, tumango ito saka lumabas ng kwarto. Kami nalang ni Sean ang natira sa kwarto.
"I can't handle this pressure, Sean. All I can say is the stress hurts." sabi ko. Tumitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin. How I wish he could talk para naman alam ko yung mga iniisip niya.
"I can't lie to myself, Sean. This is reality and I lived in this goddamn mess." sabi ko sa kanya. Lumuhod ako at niyakap si sean, nakaharap ako sa tyan niya habang naka pikit at umiiyak.
"Sean.. I ONLY want you. I'm scared Sean.." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kinatatakotan ko. Madami kasi akong kinatatakotan. It shouldn't be liked this. Dapat hindi ako nagpapakita ng kahinaan dahil hindi ko pa talaga lubos kilala si Sean kahit sabihin na natin na asawa ko siya. Pero... Kahit ngayon lang. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.
Takot ako sa mga taong nag mamasid sa akin, takot ako sa mga nayayari sa bahay na ito lalong lalo na tuwing lalabas ako.
Takot din akong matuklasan ang totoong ako. At higit sa lahat ay takot akong mahulog kay Tyler..
Ayokong dumating ang panahon na tuluyan na akong aasa kay Tyler. Ayokong mangyari iyon. Mas gugustuhin kong kay Sean nalang.
I really don't know what to do. Hindi naman mahirap magkagusto sa isang Tyler Moretti kahit ganun ugali niya. Ayokong aminin na tumitibok ang puso ko para kay Tyler. Ayoko.
"I-I don't know Sean.. I r-really don't know what t-to do.." bigkas ko ulit. Tumingala ako at tinignan si Sean, nakatingin parin siya sa akin. Wala namang bago eh, nakakasama ko siya pero hindi siya nag sasalita.
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...