Kinabukasan ay pababa ako ng hagdan ng may marinig ako ng boses ng babae sa may living room. Napahinto ako nung matanaw ko na talaga kung sino ang nandun na maingay.
Mula sa hagdan ay kitang kita ko sila Tyler, Grandpa na may kasamang babae na parang kaedad ko lang. She's a beauty at napaka jolly niya. May sexy din itong katawan at parang kakauwi niya lang galing kung saan dahil may mga maleta pang nag kalat dito sa living room.
"Glad you're back, Ria. We missed you, so bad." sabi ni Tyler saka niyakap ang babae ng mahigpit. Nainis ako sa aking na saksihan kaya nag lakad nalang ako sa pa opposite na daan which is papunta sa Dinning room. Hindi paman ako nakakalayo ng tuluyan ay may nag salita na.
" OMG! Is she the one? OMO! "
Napalingon naman ako pero laking gulat ko ng yakapin niya ako bigla nung paharap palang ako. I tried to push her pero napakahigpit ng yakap niya. I might choke to death. Damn, girl!
"let her go ,Ria" narinig kong utos sa kanya ni Tyler. Natatawa naman si Grandpa. Napakunot ang noo ko dahil sa hindi malamang dahilan.
I stared blankly at the girl who's grinning from ear to ear. Geez.
"She has a real beauty, kuya! She's perfect." puri niya sa akin na dahilan ng pag bago ng expression ko dahil sa kahihiyan. Baliw ba ito? O bored lang? How can she said those words? Di ko nga masabihan na maganda ang sarili ko ng matagal eh.
Siya nga yung perpekto na parang manika dahil sa itsura at pangangatawan. In short, para siyang living doll.
"Yes, Apo. She's perfect and she's intelligent too. Kaya nga gusto ko siya sa kuya mo eh dahil maganda na may alam pa sa mga bagay." sabi ni Grandpa sa babaeng nakatitig parin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi nila. Sinong kuya ang tinutukoy nila? Si Sean ba?
"By the way, I'm Rhianna Moretti. You can call me, Ria." pakilala niya sa akin sabay beso sa mag kabilang pisnge ko. "I'm glad to finally see you, Ate Jazmyn." dagdag niya at niyakap nanaman ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung susuklian ko ba yung yakap niya o hindi. Na shocked parin kasi ako sa mga nangyayari. How come she knows my name? Bakit ganito siya makitungo sa akin eh wala naman akong silbi dito. At isa pa, nakabilanggo ako dito sa Mansion na ito--nakakalaya man pero may nakabantay parin at parang may tanikalang nakasabit sa akin. So, wala parin akong kawala.
Nangmatapos niya akong kulitin at pinilit na mag salita para daw hindi siya mag mukhang tanga ay nag tungo kami sa Dinning area para mag umagahan. She's so noisy pero kahit na ganun ay parang anghel parin yung boses niya. Kahit mag sisigaw siya dyan o ano ay maganda parin yung boses niya. She's the youngest in Moretti's Family. Nagpunta siyang England para doon mag aral at ngayon lang siya nakabalik dahil tapos na siyang mag aral doon.
I envy her. Nakakainggit siya dahil nakakaranas siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya, like how she witnessed her classmates getting bullied, meet a lot of guys, do things that she enjoyed at madami pa. Gusto ko rin masaksihan ang nangyayari sa loob ng paaralan pero kung ganun man ay parang ang tanda ko nanaman kung nag kataon.
At this moment ay parang sinasakal ako dahil sa inggit. Tahimik akong kumakain at pilit na ngumingiti kay Ria kapag bumabaling siya sa akin. Mabuti naman at hindi niya na halata.
"Grandpa, I wanna go out with Sister Jazmyn. We'll do shopping" nakangiting paalam ni Rhianna kay Grandpa na tinanguan lang ng huli. Hindi paman ako nakakasangayon sa gustong gawin ni Rhianna ay wala na akong nagawa.
After our breakfast ay agad ako nag bihis dahil pupunta nga kami ni Ria sa Mall. Kami lang dalawa, walang kasamang bodyguard or katulong.
"This Dress suits you well, Jazmyn!" tili ni Ria habang naka tingin sa damit na isinukat ko dahil gusto niyang bilhin para sa akin. Hindi naman ako makatanggi dahil ang kulit niya.
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...