Chapter 25

86 6 0
                                    

Chapter 25

Dalawang araw ang lumipas at nagkulong ako dito sa clinic. Hanggang ngayon hindi pa nagigising si Zack at dalawang araw na ding hindi nalalaman ng mga Lee na patay na si Maxie. Nalaman agad iyon ni Grandpa kaya sinabihan niya ang lahat na walang maglalabas ng balita tungkol sa nangyari. Hindi makapaniwala sila Rhianna dahil sa ginawa ko pero hindi ko sila pinansin. Hindi naman nagalit si Tyler pero nagaalala siya dahil sa nangyari ay maaaring mag karoon ng Mafia War.

Pagdating ng hating gabi ay lumabas ako ng Mansyon dahil may pupuntahan ako. Naka itim ako lahat, pinatungan ko pa ito ng black leather jacket. Ginamit ko ang kotseng nakita ko sa garahe at pinaandar ito ng mabilis.

Pagkarating ko sa lugar na pinuntahan ko ay agad ako hinarangan ng dalawang lalaking malalaki ang katawan. Nakaramdam din ako ng baril na nakatutok sa likod ng ulo ko pero ni isang katiting na kaba ay wala akong maramdaman.

"UNO." bigkas ko na ikinaatras nila. Humarap ako sa may hawak na baril, pagkakita niya sa mukha ko ay nagulat ito pero agad din lumuhod.

"Uno.. Glad to see you here." sabi niya. Pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa ginawa nila. Oo, nakaluhod sila pati yung may malalaking katawan, nagsiluhudan sila nung makilala nila ako. It's been years simula nung mawalay ako sa lugar na ito.

"stand." utos ko na agad naman nila sinunod. Naglakad ako paalis sa harapan nila dahil gusto kong pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay may humarang sa akin na babae at may kasama ito

"So.. You're back." she said while smirking. Seryoso lang ang tingin ko sa kanya, bago ba ito? Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakikita kong madaming nag bago.

"Hindi ko naman hahayaan na kukunin mo nalang ang trono ng basta basta. Kailangan talunin mo muna ako." sabi niya na ikinataka ko. Biglang may bumulong sa akin at si Tres yun. Sa Mafia World, hindi pwedeng wala kang code name. Kagaya ko ako si UNO while si Tyler ay ang ACE. Kahit kalahati lang bumalik sa alaala ko ay alam ko parin ang takbo ng buhay ko.

" Simula nung namatay ang hari't reyna ng Phoenix Org. ay nag butuhan at nakipag laban ang mga matatatag na gustong mamuno sa Phoenix Org. At siya ang bagong leader." paliwanag ni Tres. Napatango-tango naman ako saka walang sabi-sabing sinapak ang pagmumukha nung bagong leader. Napahiyaw ang mga nakapansin sa ginawa ko.

Pinaghirapan ng pamilya ko ang Phoenix Org tapos basta basta nalang mapapalitan ng pinuno? Aba, hindi naman ako papayag dyan!

Bumangon mula sa pagkakatumba yung babae saka umataki sa akin. Ilag lang ang ginagawa ko, matagal na din simula nung hindi ako napapasabak sa mga ganito. Masasabi kong magaling ang babaeng ito dahil natamaan niya ako sa mukha ng suntok.

"Bitch!" sigaw niya saka umataki nanaman sa akin. Hiyaw ang naririnig ko sa nakapalibot sa amin. Malawak at magara ang Phoenix Org, iisipin mo pang Mansion ito pero hindi. Dito namin ginagawa ang mga baril at iba't ibang armas na ginagamit namin. May battle area din dito at madami pa. Ito ang pinakamalakas na Organization sa Underground world. Pinaghaharian ito nga mga Mafias na hindi basta basta. Ang Phoenix Org ang parang batas ng lahat nang Organisayon. They respect our Org. Kaya malakas ang kapit nila sa amin.

Hindi ko aakalain na ang isang ito lang ang mamumuno sa lahat ng pinaghirapan namin. Napayuko namin ang ibang organisayon sa amin kaya kinatatakotan na kami ng iba. Malaking tulong sa kanila kapag nakakuha sila ng kapit sa amin.

Nung makahanap ako ng tyempo para patamaan siya ay ginawa ko agad. Sinikmuraan ko siya sabay bigay ng Round Kick sa kanya. She vomited a blood at hindi na niya kaya tumayo.

"Saka kana mag mayabang kapag kaya mo na ako." sabi ko saka sinipa ulit ang tyan niya. Naghiyawan ang lahat at pagtingin ko ay madami na palang nanonood sa amin. Biglang itinaas ni Tres ang kanang kamay ko sa ere saka sumigaw.

"UNO!"

As if on cue ay nagsiluhodan sila pagkarinig nila sa aking codename. Kasabay ng pagluhod niya ay ang pagkabuhay ko ulit sa lugar na ito.

Pagkatapos nila akong makilala ay nag simula akong mag plano kasama ang kanang kamay nila Mommy at kasama ko doon sila Tres. We plan everything mula sa hakbang patungo sa pag pagpapabagsak namin sa ibang Organisayon na hindi maganda ang ginagawa mula nung namatay sila mommy at mawala ako. Mga taksil silang lahat!

"Pinuputol ko na ang ugnayan ng mga Davis at Moretti's! Ituring mo silang kaaway. Wala akong tiwala sa mga pinaggagawa nila." utos ko sa mga kasama ko dito sa Meeting room. Nagkatinginan sila bago ko marinig ang pag buntong hininga ni Tres.

"Masusunod, Uno." sagot niya sa akin kaya napatango naman ako. Hindi pwedeng masira ang plano ko dahil sa mga Moretti's kaya gagawin ko ang lahat para hindi mapahamak si Zack.

Pagkatapos namin mag meeting ay pinuntahan ko agad si Doctor Yee. Isa itong doctor ng mga Mafia dito sa Phoenix Org. Magaling siya, siguro matutulungan niya si Zack na gumaling.

Nakita ko siya sa laboratory niya kaya kinuha ko ang atensyon niya gamit ang pag basag ng isang test tube na mag kulay blue na substance.

"NO WAYYY!" sigaw niya na tinaasan ko lang ng kilay. Anong dina drama drama nito? Isa lang naman iyon ah.

"What now? Gonna scold  me like a kid?" tanong ko sa kanya. Gulat siyang napalingon sa akin saka umiling ng sunod sunod. Nung kumalma na siya dahil sa ginawa kong pag basag sa gamit niya ay kinausap ko na siya.

"Looks like it was a very important ingredient.." nakangisi kong sabi sa kanya na ikina iling niya lang dahil sa inis. Simula bata pa ako ay malapit ako kay Doctor Yee, dito ako natutung gumawa ng mga lason at antidote nga mga iyon pero ginagamit lang namin iyon basta nasa gera na kami.

" You never changed, Ry." sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya saka niyakap siya.

"Ofc." sabi ko sa kanya. Ginulo niya lang ang buhok ko saka tinanong ako kung ano ang sadyang ko dito. Napabuntong hininga naman ako dahil na alala ko nanaman si Zack.

"I need your help, Doc. Yee." sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Nasa 50s na ang edad nito  at mahahalata naman iyon sa itsura niya. Wala yatang araw na hindi siya gumagawa ng mga lason at alamin ang iba't ibang uri ng mga ito.

"Ano yun?" tanong niya ng seryoso. Nagsimula nanamang manubig ang mga mga ko dahil sa kalagayan ni Zack.

"Nalason ang anak ko... He won't make it so sayo na ako lalapit."pakaawa ko sa kanya. Nagulat siya sa mga nalaman niya, hindi niya alam na may anak ako. Walang nakakaalam maliban sa mga pamilya namin. Unti unti akong lumuhod sa harapan niya para makuha niya na seryoso ako sa mga sinasabi ko. Minsan ko lang ito gagawin lalo na't nasa critical na sitwasyon ang mga dahilan ko pwera nalang kong katanggap tanggap talaga nila ang pag luhod ko.

"OhmyGod, Fara! Stand up! You don't need to kneel down" sabi niya sa akin saka sinubukang patayuin ako pero hindi ako naging matinag. Oo, kahinaan ko ang pamilya ko lalo na yung anak ko. Gagawin ko ang lahat para magamot lang siya.

"P-please.. I badly need your help." sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang tumango kaya niyakap ko ang mga binti niya sa tuwa. Pinatayo niya ako pagkatapos saka sinabihan na dalhin ang anak ko dito.

"Mag iingat ka palagi, Ry. Ikaw nalang ang natitira sa lahi ng mga Davis. Gagawin din namin ang makakaya namin" sabi niya sa akin na ikinatango ko.

Gagawin ko din ang lahat para ipaglaban ang Org na ito. Kahit wala na ang mga magulang ko ay kakayanin ko paring tumayo dahil may rason ako kung bakit gusto ko pang manatili.

Hindi ko na hahayaan na tuluyan kaming mawalan ng kapangyarihan para pamunuan ang Phoenix Org.

"may isa pa pala akong sasabihin sayo, Ry." sabi niya sa akin. Tinignan ko siya saka nag antay sa sasabihin niya. Nagdadalawang isip ito pero sinabi pa rin sa akin.

"Mag ingat ka sa mga Morettis"








---unedited

Trapped [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon