NAGISING ako ng maaga para maghanda. Ngumiti ako sa harap ng salamin at tumawa na parang nababaliw na. Bumaba ako matapos ko ihanda and sarili at nagtungo sa aking sasakyan.
Pagkarating ko sa aking pakay ay agad ako nagbaba ng isang basket ng bulaklak. Dalawa sila kaya dalawa rin ang binili ko para tig iisa na sila. Malungkot akong ngumit at di mapigilan ang luhang kumawala sa aking mata. Natawa ako ng mapakla at napaluhod sa dalawang magkatabing puntod.
"Iniwan niyo na nga ako dati eh, pati ba naman ngayon? Ang daya niyo" sabi ko sa kanila na kung may ibang makakakita sa akin ay iisipin nilang nababaliw na ako.
"It's been years... Pero yung sakit parang kahapon lang. Diko parin matanggap hanggang ngayon." Sabi ko pa sa kanila. Yung sakit ay sariwa parin, ilang taon man ang lumipas ay nakaukit na yun sa puso ko. I will never be happy without them. And is magawa ko mang sumaya ay di na yun matutumbasan ang kaligayahan ko sa pagkawala nila.
"Sana nandito nalang kayo. Miss ko na kayo, sobra. Sobra pa. Parang naibaon ko rin yung puso ko kasama niyo." Sabi ko at tumawa nanaman ng mahina. " Masakit pero salamat sa panahon na nakilala ko kayo kahit sandali lang" dagdag ko pa sa seryosong boses.
"Mommy? You're crying again.." sabi ni Zachary sa akin sabay punas ng luha ko.
"Tama nga hula namin ni Dad. Nandito kalang" sabi niya at hinalikan ako sa pisnge. Napangiti ako ay niyakap siya. Parang yung kuya niya lang yung niyayakap ko.
"Sayang diko man lang nakilala si Kuya at Tita kloe." Sabi ni Zachary. Malungkot akong napangiti. Sayang talaga anak.
Tumayo na ako at napatingin sa bagong dating na Tyler, may inilapag itong isang malaking basket para sa kanila ni Kloe at Zack. Diko nanaman maiwasan maluha.
"Hush Mommy.. bawal ka po mastress sabi ng doctor. Baka raw po mapaano si Baby." Sabi ni Zachary at dinadama ang palad sa tyan kong dalawang buwan palang.
8 years old na si Zachary and may bago nanaman na parating sa buhay namin. Hinalikan ako sa noo ni Tyler ay yumakap.
Naalala ko pa noon na bumagsak yung sinasakyan namin sa Helicopter. After noon nagising nalang ako sa isang hospital bed na madaming aparatus, ganun rin si Tyler that time. Dineklara ring dead on arrival yung iba kabilang ma doon si Kloe. Kami lang dalawa ni Tyler and nakaligtas.
Nakuling rin kami ng dalawang taon ni Tyler dahil sa kasalanang nailabag sa batas. Nakalaya rin naman pagkatapos at napagdisisyunang magpakalayo-layo para kalimutan ang nakaraan and di na mabalikan yung gawain naming labag sa batas. Yung mga kalaban namin ay naikulong rin kaso pang habang buhay Yung sa kanila, madami rin and nasawi and marami rin ang nakatakas.
Pero sa ilang taon na lipas ay walang ni isang anino at walang nagparamdam na kalaban na ipinagpapasalamat namin ni Tyler. Simula noon ay nagsimula kami ulit ni Tyler. Malayo sa gulo, malayo sa pwedeng makapahamak sa amin ulit. Tinalikuran namin ang mga Organizations namin sa underworld at yung mga kayamanan namin. Lahat. Nagsimula kami ulit sa wala at sa lugar na walang nakakakilala sa amin kaya naging payapa yung mga sumunod na yugto namin sa buhay.
Napabalik ang isip ko sa kasulukuyan nung tapikin ni Tyler ang balikat ko at hinalikan nanaman ang aking noo. Yung lungkot sa mata niya at makikita mo talaga ngunit pinipilit niyang sumaya para sa anak namin ngayon.
"Let's forget everything in the past. Let's make another memory with Zachary and our baby. Let's start over. " sabi niya at humawak sa tyan ko.
Di man naging maganda yung lovestory namin, at perpekto, ay alam kung magiging okay na kami sa mga yugtong ito ng buhay namin. Lahat naman kayang kalimutan, pero may mga tao at alaala na di madaling iwan. Matoto nalang tayong tumanggap sa mga nawala and mamuhay sa paraang hindi na masama. Masaklap man ang nangyari noon, ay alam ko na di pa huli amd lahat para magbago.
Nagpaalam na kami kay Zack at Kloe dahil kami ay aalis na pabalik sa aming bahay. Sana, pag dating ng panahon ay tuluyan na maging maayus ang lahat.
-THE END-
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mistério / SuspenseHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...