Chapter 19

71 7 0
                                    

Chapter 19

May kumatok ng kwarto ko kaya napatayo ako para pag buksan ito. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang katulong.. Si Marie. Nakayuko ito para mag bigay respeto sa akin.

"Pinapababa kayo ni Mr. Moretti." sabi niya.

Bakit naman? Gusto ko lang sana mag kulong ulit dito eh pero bakit pinapababa ako? Hindi ko man alam ang dahilan ay bumaba parin ako kasi utos yun ni Grandpa kahit inis na inis parin ako sa kanila. Pagkababa ko ay naabutan ko sila sa Living room, naabutan ko ang eksenang may kayakap si Tyler na bata.

Napahinto ako at feeling ko ay huminto ang mundo ko sandali.

S-sino ang batang iyan?

Mas nagulat ako nang mapatingin ang bata sa akin. Yung mga asul na mata, buhok na kagaya kay Tyler at ang ilong din nito.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa kinatatayuan ko at nakatitig sa batang iyon. Nakatingin na silang lahat sa akin pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Parang naka glue ang paa ko sa sahig dahil hindi ko magawang i hakbang.

Sino ba ang batang ito? Bakit ganito ang dating niya sa akin? Kapatid ba siya ni Tyler? Mag kamukha kasi sila ni Tyler, imposibleng anak niya ito dahil wala pa naman itong naipakilala na nabuntis niya at malabo ding si Maxie ang ina nito dahil ang sama naman ng ugali non. Ahh ewan!

Mas lalong gumulo ang iniisip ko dahil sa mga posibilidad na baka anak nga nila ito nung Maxie pero HINDI ako papayag. Oo, wag ka pumayag Jazmyn. Magkaanak na siya sa iba wag lang sa babaetang iyon! Kumirot ang puso ko dahil sa mga kaisipang iyon. Napayuko ako ng wala sa sarili at sa hindi malamang dahilan ay bumagsak nalang ang aking mga luha. Napaluhod ako ng dahan dahan. Nanghihina ako, ewan ko kung bakit ako umiiyak, hindi namang mag drama nalang ako bigla dahil may anak na sa iba si Tyler. Baka kapatid niya lang yan, pero diko talaga makuha ang rason kung bakit ako umiiyak. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko ma explain kung bakit.

Parang nawala ang bigat sa puso ko. Nawala yung takot. Inis. Galit. Pagkalito.

Ewan, parang nakikita ko sa mga mata nung bata na iyon ang itsura ko noon. Nagulat ako nung may maliliit na braso ang yumakap sa akin. Napaiyak ako lalo saka sinuklian ang yakap niya, ewan, may nagsasabi kasi sa akin na yakapin ko siya ng mahigpit. Napangiti ako ng wala sa oras nung maramdaman ko yung maliit na halik niya sa noo ko. Ang bait naman ng batang ito. I wonder kung ganito rin ba ako sa mga magulang ko.

"What a great scenario.. Where the Queen kneeled down in front of the young prince."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nung katulong. Humiwalay ako sa bata saka pinunasan ang mga luha ko dahil nakakahiya. Tinitigan ko ang bata matapos kong kumalma, nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Mayamaya ay sabay kaming napangiti, masaya ako dahil may bata na sa Moretti's, siguro hindi na ako maboboringan. Dito naman ito titira diba?

May tumikhim kaya nalipat ang paningin ko dun. Si Grandpa. Nakangiti sa amin at ganun rin si Rhianna,  maliban kay Tyler na nakamasid lang sa amin. Sa akin.

"Meet Zack Moretti and kloe White."pakilala ni Grandpa, agad na wala ang ngiti ko nung makita ko ang babaeng nakangiti sa tabi ni Grandpa. Ngayon ko lang na pansin ito.

Ito ba ang Mommy ni Zack?

" Zack.. Come here." tawag nung Kloe sa batang kaharap ko. Napatingin ako sa bata, nakatingin ito sa akin na para bang sinusuri ang  buong mukha ko. Bahagya akong tumango kaya lumapit na yung Zack sa Kloe White na iyon.

Bago pa ako mawalan ng mukha sa kahihiyan ay tumayo na ako. Lumapit sa akin yung kloe, nakangiti ito sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or not. Seriously, I don't know her.

Trapped [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon