Chapter 18-Tik Tok my princess..
Don't forget my kiss before I cut your head.-BK -
Napahawak ako sa puso ko dahil sa kaba, malakas ang tibok ng puso ko at anytime ay pwede akong mapaupo sa sahig dahil sa pang hihina. Lakas loob kong kinuha ang arrow na nakatusok sa pader saka pumasok sa loob. I calm myself para naman makapag isip ako ng maayos.
Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba ito sa Moretti's or not? Tanong nang kabilang utak ko. Pero galit pa ako sa kanila so NO. I won't tell this to them baka mas lalo lang akong pag bawalan.
Halata naman na ako ang pakay nila at hindi mga Moretti's kasi kung Moretti's ang pakay ng sender na ito ay dapat sa kanila ito ibinigay diba? At isa pa, pangalawang beses ko nang nakatanggap ng death threats kaya mas lalo akong natakot.
Ghad! May nakaaway ba ako nung hindi pa na wala ang memories ko? Kung meron nga, bakit alam nila na nandito ako? Mas lalo akong nangilabot sa kaisipang baka gusto rin ako patayin kasama ang mga Moretti's. Isa na pala akong Moretti dahil pinakasalan ko si Sean pero pati yun alam nila?
Kung ganun, madami ngang kaaway ang pamilyang ito at nadamay lang ako dito. Ako siguro ang tinatarget nila dahil mahina ako. Tinignan ko yung metal arrow, kulay silver ito at may logo sa gilid. May letrang L na may cobrang nakapalibot sa titik na iyon. L? Ano naman iyon? Tapos may BK pa? Fck.
Lumipas ang dalawang araw na hindi ko sinasabi ang natanggap ko. Ngayon ay makikita ko nanaman si Sean dahil kay Thamuz. Pinayagan niya akong makausap si Sean kaya heto ako ngayon sa may terrace, hinihintay ko ang pag dating ni Sean dito. Sinabihan kasi ako ni Thamuz na dito ko na raw hintayin dahil ayaw ni Sean na makikita siya at tititigan ng mga kasambahay dito kaya pumayag na din ako.
"Missy, Mr. Sean is here."
Napalingon ako sa nagsalita. I saw Sean na nakatingin sa akin. He slightly smiled at me kaya ngumiti na din ako. Lumapit ako sa kanya at itinulak siya malapit sa terrace dahil gusto ko din mag pahangin.
Maganda ang tanawin ngayong umaga at nakita ko nanaman sa baba na busy ang mga tao doon. Mga ilang minuto bago ko binasag ang katahimikan. Pwede ko namang tanongin at ilabas ang mga gusto kong sabihin sa kanya so okay lang. Sa amin lang naman ito dalawa e at isa pa gusto ko lang talaga ng kausap bago ako mabaliw dito sa kakaisip sa mga pangyayari.
"Ahmm.. Sean." Bigkas ko saka tumingin sa kanya, nakatingin siya sa paligid kaya malaya ko siyang matitigan. Kung hindi lang ito nagkaganito ay marahil masaya siyang nakikipagsalamuha sa iba ngayon. Naaawa din ako sa kanya kaya wala akong karapatan para tapusin ang buhay ko. Kung wala akong kakampi sa mga Moretti's at least I still have Sean kahit wala akong nararamdaman para sa kanya. After all, it's all just a contract. No feelings attached.
"Noong nakaraang mga araw.. May natanggap nanaman ako na death threat. Pangalawang beses na ito. The last time is nasa bed ko yun nakalagay and the other one ay bigla nalang may tumama dito na arrow" sabi ko sabay turo nung butas na gawa sa pagkakatama nung arrow.
Nakita ko yung pagkabigla sa mukha niya, at saglit nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Baka may alam nga ito.
"Ayoko sanang itanong pero... Bakit ako ang binibigyan ng mga death threats eh wala naman akong kaalam alam sa mga kalaban niyo?" takang tanong ko sa kanya. Alam ko naman na hindi siya sasagot e pero gusto ko parin itanong. Natahimik kaming dalawa dahil pareho kaming nag iisip. Tinitigan ko ang butas na gawa nung metal na arrow na tumama saka sinundan ang possibility na pwedeng pinagmulan noon.
Habang busy ako sa pag iimbestiga ay nakita kong naka titig lang sa akin si Sean. Alam kong may alam ka Sean pero di mo lang masabi kasi aside sa hindi kapa nakakapagsalita ay wala karing planong sabihin sa akin ang nalalaman mo just like the others.
Malawak ang Mansion kaya malabong may makapasok dahil sa higpit at dami ng tauhan ng Moretti's. Malawak at malayo ang gate at kung iisipin mo ito ng mabuti ay malabong nag mula sa labas ang taong iyo. Dahil imagine, metal arrow iyon tapos kung sa malayo siya nag mula patungo sa kwarto ko na nasa pinakataas na palapag ng Mansion ay malabong makakarating ang arrow dito dahil sa bigat nito.
Pero binasi ko sa lalim ng tusok nito sa pader ay malalim. It means malakas ang pagkakatira para kumapit ng ganun ka higpit ang arrow sa sementong pader.
Unless.. May traydor. Napapaisip din ako noong nakaraang araw matapos mangyari ang pagtama nung arrow dun sa pader. Hindi naman mailalagay nung sender na iyon sa kama ko ang threat kung hindi ito pumasok sa kwarto ko at hindi niya rin basta basta maipasok ang palaso niya dito dahil matataas ang pader na nakapalibot sa Mansyong ito!
Nakikita ko lang naman ang ganda ng paligid dahil ang kwarto ko ay nasa pinakataas napalapag ng Mansyon , at sa mansyong ito ay iisa lang ang living room kundi dun sa ground floor ng Mansyon. Parang alam ko na kung sino ang traydor sa bahay na ito pero kailangan ko ng matibay na proweba.
"Sean.. Satingin mo ba may traydor dito?" tanong ko ulit na ikinalaki ulit ng mga mata niya. Hindi malabong may traydor dito, Sa dami ba naman gusto pumatay sa mga Moretti's.
Natahimik uli ako dahil sa dami ng mga naiisip. Hindi na bago sa akin ang threats dahil na realized ko narin naman na malapit talaga ako sa kamatayan.
Mayamaya ay humarap ulit ako kay Sean dahil nakatingin nanaman kasi ako dun sa butas, nginitian ko siya saka ginulo ang buhok niya. Hindi ko pwedeng e-stress si Sean dahil magpaparecover pa ito. Kailangan niya ng lakas paramabilis ang pagkakarecover ng katawan niya. Siguro kapag okay na siya ay saka ko nalang sasabihin na wala akong feelings sa kanya.
Nagkwento lang ako nang kung anu-ano saka nagpaalam na kay Sean. Matapos naming mag kwentohan ay natulog na din ako kasi kinuha na siya ni Thamuz pabalik doon sa operating roon.
Nagising ako sa gabi at nagiingay na din ang tyan ko kaya bumangon na ako para baba dun sa dining area.
Napatingin ako sa orasan bago tuluyang umalis ng kwarto. 9:04 PM na pala. Nangmakarating ako sa baba ay nakita ko si Rhinna na may kausap sa telephono."Yes.. He can be here...yes yes."
Nagtago ako sa bukana ng dining area dahil baka mapansin ako ni Rhianna. Sino naman ang kausap nito sa ganitong oras?
"Don't worry. I have my eyes here, so, I assure you that."sabi niya pa sa kabilang linya. Pumasok na ako ng tuluyan at hindi na siya pinakinggan. Kung sino man ang kausap niya ay hindi ko alam. Kumuha ako ng plato at ulam na nandon saka nag simula ng kumain.
Matapos kong kumain ay umalis na din ako pero nakasalubong ko pa si Rhianna, magsasalita pa sana ako kaso iniwasan na niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto. Wala naman akong karapatan mainis dahil sa pag iwas niya dahil ginusto ko rin naman iyon.
2 AM na pero gising parin ako. Sa dami ba naman nangyari ngayon, I sighed. Sana naman matapos na itong paghihirap ko. Bigla kong naalala ang metal arrow kaya kinuha ko iyon sa drawer.
Kanino ba talaga ito?
L at BK. Ano ba talaga kayo?
Napatingin ako sa ceiling ko at nag isip. Baka may koneksyon ito lahat, from the first attacks ng mga kaaway ng Moretti's hanggang ngayon baka konektado talaga ito lahat.
Wala sa sarili akong napatingin sa papel na galing kay BK at binasa muli ang nakasulat doon at nag tanong sa kawalan."Konektado ba ito sayo Fara Davis?"
-----
Don't forget to comment and vote👇-unedited
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Tajemnica / ThrillerHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...