Chapter 23
"Get out"
Malamig na utos ko kay Tyler. Nagdadalawang isip ito pero wala ding nagawa. Pagkalabas na pagkalabas ni Tyler ay nagunahan ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa ginawa nila sa akin, pinag mukha nila akong tanga, at niloko!
"M-mommy.. Are you fine now?"
Napabaling ang paningin ko sa katabi ko. Zack...
"A-anak?" nautal kong bigkas. He suddenly hug me kaya naiyak na din ako. Now, I know kung bakit ganun nalang ang gaan ng pakiramdam ko sa unang kita ko palang sa kanya.
"Mommy.." sabi niya habang umiiyak. Inilayo ko siya sa akin saka pinunasan ang mga luha niya sa mukha. Pinaulanan ko siya ng halik sa mukha saka mahigpit nanamang niyakap ito.
"Iloveyou." bulong ko sa tenga ni Zack na dahilan para marinig ko ang hikbi niya ulit.
"Kahit nakalimutan kita pero hindi ang puso ko. My heart knows you well." sabi ko ulit sa kanya sabay halik sa kanyang malambot na pisnge. Ilang minuto kaming nagyakapan saka ko siya natitigan ng mabuti. Yung ilong, kulay ng mata at buhok ay kagayang kagaya kay Tyler pero yung labi at matataas niyang pilikmata ay sa akin nakuha. Kaya nakikita ko yung itsura ko sa kanya dahil anak ko pala talaga siya.
"matagal mo ng alam, diba?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya. Alam niya ang ibig kong sabihin sa tanong. Malaki ang pasasalamat ko dahil alam niya at pinili niya ako kahit wala akong maalala, hindi katulad sa ama niya na ipinakasal ako sa iba kahit kami pa at siya naman ay nagpakasal din sa iba. Fck, Tyler. Hinding hindi kita mapapatawad! Harap harapan mo pa akong niloloko.
Hindi ko man alam ang ibang nangyari matapos doon sa kagubatan sa gitna ng Mafia War. Matagal akong nawala at mababasi ko iyon kay Zack. Kung gumagalaw sila habang ako ay walang kamalay malay pwes ako naman ang aataki patalikod.
Hapon nang maabutan ko si Marie sa kusina. Wala yung Maxie at kung nandito man yung babaeng iyon ay baka napatay ko na iyon. Sariwa padin naman ang sugat kong nakabenda pero hindi na gaano kasakit. Walang yung may-ari ng Mansyon maliban sa amin ni Zack. Maylakad siguro sila Grandpa at Rhianna, wala akong paki sa demonyo kong asawa, sa susunod ko naiyon tuturuan ng leksyon. Ang gagawin ko muna ay ang iligpit ang Traydor!
"Marie.."tawag ko sa kanya, nagulat siya sa paglapit ko pero agad din ito nakabawi saka yumuko." Asan pala si Maxie?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin saka umiling "Hindi ko po alam, Missy" sagot niya sakin saka yumuko ulit.
Napatango-tango nalang ako saka umalis sa harapan niya. Kumuha ako nang pagkain saka bumalik sa itaas pero bago pa ako makalapit sa kwarto ko ay nakita ko ang pinto ng kwarto ko na nakabukas. Kinabahan ako bigla.
Nagtago ako sa gilid nung narinig ko yung mga yapak nung taong pumasok sa kwarto ko. Simula kasi nung bumalik ang alaala ko ay nalaman ko na ang mga gagawin dahil nga may alam na ako noon.
Nakita ko si Bruno na lumabas doon. Hindi na kagulat-gulat, alam ko rin naman noong una pa na siya talaga yung traydor. Kapag kasi nakakasalubong ko siya ay hindi siya makatingin sa akin ng diretso tapos balisa.
Nung maisarado niya ang pintuan ng maayos at walang ingay ay nagmadali siyang umalis sa harapan non.
Kinabahan ako lalo nung mag sink in sa akin kung anong nandun sa kwarto ko. Fck!
Si Zack!
Agad ako tumakbo at nakita ko doon si Zack na natutulog parin. Sinuri ko ito ng maayos pero ganun parin naman ang posisyon niya. Napabuntong hininga ako saka sinuri naman ang kwarto ko.
Ano kaya ang ginawa nung Brunong iyon?
Napatingin ako sa tabi ni Zack at may nakita akong maliit na papel sa tabi ng kanang kamay ni Zack. Bakit hindi ko ito na pansin? Agad ko itong kinuha at binasa ang sulat na ikinakunot ng noo ko.
-Welcome to hell, Jazmyn. I'm looking forward to your death.
Tik tok... Surprise.
-BK-
Hindi ko alam ang sinasabi nito pero bigla akong kinabahan. Agad kong nilapitan at hinawakan ang noo ni Zack. Fck! Ang init niya!
"BRUNOOOOOOO!" galit kong sigaw. Bumukas ng malakas ang pintuan at nakita ko doon si Thamuz, nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi! Wag ang anak ko.
"Thamuz! Nalason si Zack!" sabi ko na maslalong ikinalaki nung mata niya. Agad niyang inakay si Zack sa kanyang braso saka itinakbo sa clinic. Pagkarating namin doon ay nakita ko si Mr. Lim na Family doctor ng mga Moretti's. Hindi ako pinapasok ni Mr. Lim sa loob dahil mas hindi siya makaka focus kapag nandun pa ako, baka raw magiiyak at masuntok ko na siya kaya hindi na niya ako pinapasok.
Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil samo't sari ang pumapasok sa isip ko.
Hindi talaga ako mapakali. Nakita ko si Thamuz na may tinatawagan at yung mga katulong ay nag kagulo.Naikuyom ko yung kamao ko dahil sa galit. Fck that BK whoever is that! Fck, Bruno! Napahinto ako dahil sa naalala. Yuh, that Bruno! Sabi ko sa isipan ko.
Agad ko tinawag si Thamuz para utosan.
"Ilagay mo si Bruno sa Basement. Now." galit na utos ko. Nagtataka man ay agad itong tumalima kaya naiwan akong mag isa doon sa harapan ng clinic. Kasalanan mo ito Tyler! Kung hindi kalang alis ng alis dito sa Mansyon edi sana nalaman muna kung sino ang Traydor sa hindi!
Naiisip ko pa lang na nagsasama yung dalawang yun ay parang gusto ko na sila patayin gamit ang dalawa kung kamay. Hindi ko mapapatawad ang mga taong nakapalibot sa akin kapag may nangyaring masama kay Zack! Talagang ako ang tatapos ng ugnayan ng mga Davis at Moretti kapag may mangyaring masama sa anak ko!
Alam ko na! Na ako si Fara Davis. Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit sinabi sa akin nung may amnesia pa ako na ako raw yung dahilan ng pagkamatay ng parents ko kaya iyon ang kokompermahin ko. Hindi rin ako naniniwala sa taong iyon, halata naman na inuuto lang ako. Wag lang siyang mag pakita sa akin uli baka ako na ang tatapos sa laro niya! Pero paano ko naman iyon tatapusin e hindi ko naman kilala? Kahit mag pakita pa siya hindi ko naman iyon kilala. Fck! Ang bobo ko parin.
Napabalik ako sa realidad nung bumukas ang pintuan ng clinic, I saw Mr. Lim's worried face. Kinabahan ako bigla sa expression niya.
"H-how's my son?" kinakabahan kong tanong na ikinagulat niya. Hindi guro niya iniexpect na gagaling ako mula sa pagkaka-amnesia. Bumuntong hinga siya saka tinitigan ako sa mga mata ko ng seryoso.
"Mrs. Moretti--"
"I Am not a Moretti!" matigas kong putol sa sinabi niya. Bumuntong hininga siya ulit saka nag patuloy.
"Ms. Davis... We need the antidote. To tell you frankly, I don't know what kind of chemical they've injected to Zack. Malala ang lagay niya... Ayoko mang isipin pero kung hindi natin makuha iyon ay baka ikakamatay ito ni Zack." sabi niya sa akin na ikinailing iling ko ng marahas. Hindi! Nagsisinungaling lang siya. Hindi ko pa nga nasasama ng matagal ang anak ko. Gusto ko pa siyang makasama ngayong nakabalik na ang ala-ala ko.
" Stop bluffing! How can you say na malala ang lagay niya? Nagkalagnat lang siya! Tama!.. N-nagkalagnat lang siya. Please.. Pagalingin niyo. " pagmamakaawa ko sa kanya. Nagdadalawang isip man ay tumango parin ito. Napatakip ako sa aking bibig. Bakit kailangan niya pang madamay?
"Ms. Davis, we only need the antidote. Hindi ko kasi alam ang klase ng chemical na iyon kaya hindi ko magawan ng antidote. Nagkalagnat siya dahil nagsisimula palang itong manira ng mga vital organs niya. Kailangan natin ang antidote para maagapan ito agad"paliwanag niya na ikinapanghina ko lalo. No.. Ang bata pa niya para madamay sa ganito.
Tyler.. Moretti's, Lee fam, Bruno and that BK! Humanda kayo sa akin. Fck all of you!
"Do everything you can, Mr. Lim. I'll get the antidote whether by hook or by crook!" matigas kong sabi sa kanya saka tumalikod. Uunahin ko muna si Bruno bago yung Tyler na iyon!
Fcking idiots! I'm back!
---—-
Naku naman 😔 Mah ZackkkDon't forget to comment and vote👇
-unedited
BINABASA MO ANG
Trapped [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHello! This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is...