'Bakit kasi hindi nalang kayong dalawa?' Our friends always ask that. Pero si Evan ang unang nagrereact. Katakot takot na-
'Yuck kayo ha. Mandiri nga kayo. Hindi kami talo ni Siera.'
'Manginig nga kayo mas dyosa pa ako diyan eh.'
'Seriously kadiri ha! Para mo na ring sinabing magtomboy ako!' He would answer them that. Always! At ako ayun lang tahimik lang sa isang tabi. Kunwari hindi affected. Minsan nakikisabay din naman.
I woke up noong makaramdam ako ng gutom. But to my surprise wala na ako sa may sofa. Napatingala ako. And I was taken back from what I saw. Si Evan, tulog na tulog. Napakurap kurap ako ng ilang beses. His hands on my waist and his face is so close to mine. Tinitigan ko ang mukha niya.
"Bakit kasi hindi nalang tayong dalawa?" I whisper at napangiti ako ng mapakla. Kung gising lang siya grabe na siguro ang pandidiri niya. Naiintindihan ko naman na bakla siya kaya hindi talaga pwede. And I don't want to lose him or our friendship kaya kahit may feelings ako sa kanya I keep pretending na wala. Pero hanggang kailan ko ito maitatago?
He would make a great boyfriend or husband if and only if hindi siya naging bakla. Caring, sweet and he have it all, the nice traits but no girl could get him even I. Why? Because he's gay. And I can't do anything about it. i smiled bitterly and slowly caress his face. It would be great if this kind of face is what Im going to see every morning If I wake up. Pero malayong mangyari yun.
"Ey girl. Try mo kayang iseduce yang si Evan." Ciara, our friend adviced to me. Hay naku kung di lang ako takot matagal ko ng ginawa yan. But Im afraid. Pero kung minsan sumasagi din naman yan sa isip ko, baka sakling tumalab. But no, Im afraid taking the risk.
Agad kong inilayo ang kamay ko sa mukha niya noong mapansin kong magmumulat na siya ng mata. And his eyes meet mine. Tinitigan niya ako ng matagal. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya. In times like this hindi ko maiwasang mapatanong. Ano kayang iniisip niya? Napapaisip din kaya siya na magpakalalaki na siya para sa akin? Pero sinong niloko ko? Siya magpapakalalaki? Hay... No chance...
Lalayo na sana ako sa kanya but he pulled me towards him kaya napasinghap ako at nanlaki ang mata ko. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
"E-evan." Utal na sabi ko dito. Feeling ko nanigas ang katawan ko. Hindi siya nagsalita. I take a peek on his face. Nakapikit lang siya. Napabuntong hininga ako.
"Saglit lang bruha..." He murmured. Natigilan na naman ako. His hot breath fanning my neck. Napakurap kurap ako. At napalunok. Feeling ko namaga ang lalamunan ko at uminit ang buong paligid ko.
Kalma ka lang Siera! Wag kang ano diyan! Napahinga nalang ako ng malalim para irelax ang sarili ko.
Minsan clingy din siya madalas ako. But I will never get used to him being like this sometimes.
Hinaplos haplos ko nalang ang buhok niya. We stayed like that for a half an hour. Napasimangot naman ako noong dumagundong na naman ang tiyan ko. Gutom na talaga ako. At saka naalala ko pa pala wala akong dinalang bikini. I need to buy one! Tinapik ko siya ng mahina.
"Bakla gising na. Gutom na ako." Nakalabing sabi ko. He just groaned. Mukhang ayaw niyang paistorbo sa tulog niya. " Bakla." Tapik ko ulit sa kanya.
"5 minutes." Sabi niya at mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya. Napatahimik nalang ako dahil ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pilit kong sinusuway ang sarili ko but my heart keep on beating fast. This is not good. Napakagat nalang ako sa labi ko. Sana hindi niya marinig.
"Evan." Tawag ko ulit sa kanya. Gutom na ako. At kailangan ko ng makalayo sa kanya bago pa niya marinig ang tibok ng puso ko. Pupungas pungas siyang humiwalay sa akin. Bumangon na siya at pa indian sit na humarap sa akin. Nakalabi siya sa akin na parang ako ang may kasalanan kung bakit naantala ang tulog niya. Nakapikit parin siya. Sobrang cute niya sa hitsura niyang iyon kaya diko na natiis at pinanggigilan ko na ang pisngi niya.
"Ang cute cute mo talagang bakla ka!" Panggigigil ko sa kanya. Habang hawak hawak ang magkabilang pisngi niya. Napamulat siya ng mata at ayun na naman ang titig niya diretso sa mata ko. Kaya natigilan na naman ako at napatikhim. I suddenly feel awkward. Lumayo na ako sa kanya.
"Uhm. Get change magmomall tayo." Umiiwas ng tinging sabi ko.
"Mall?" Kunot noong tanong niya. Maya maya ay mapang asar na ngiti na ang nasa mukha niya.
"Bibili ka ng bikini mo noh?" Pang aasar niya sa akin. Sinimangutan ko nalang siya at saka tumango.Sa mall, kumain muna kami bago naglibot libot. At yung gaga naglilibot na naman ang mata niya. Nagboboyhunting na naman siya.
"Hmpft! Magbebreak din kayo!" Pairap na sabi niya noong may makasalubong kaming magjowa na sweet na sweet sa isat isa. Malamang gwapo yung lalaki kaya nasabi na naman niya iyon. Iniisip na naman niya na silang dalawa ang mas bagay nung guy. Napailing nalang ako at hinila siya papunta sa botique.
"Kastress ka girl. Hinila mo pa ako dito! Iinggitin mo na naman ako porke di na ako pwedeng magsuot ng ganyan!" Talak niya sa akin. Namimili na ako noong mga time na yun.
"Tulungan mo nalang kaya ako dito." Suhestiyon ko sa kanya. Nakita ko pa kung paano niya ako inirapan. Wala pa akong napipili, hindi ko nalang siya pinansin.
"O yan na, bruha nito!" Nagulat nalang ako noong may ibinigay siya sa akin. 4 pairs ata yun. Infairness kay bakla ah ang gaganda ng taste niya. Kinunutan ko siya ng noo kasya ba naman sa akin ang nga ito?
"Kasya yan. Alam ko ang size mo gaga.". Sabi niya at bumaba ang mata niya patungo sa didbdib ko. Agad ko namang tinakpan iyon. Namula pa ako dahil sa hiya. Tangnang bakla to. Pero tinawanan lang niya ako. Di naman ako flat eh. Di din naman malaki. Nasa may cup B lang ako. Pero yung tingin niya kanina parang sinasabi niya na flat ang boobs ko!
" Oh ito pa!" Sabi niya at ibinigay sa akin ang white lace na pamatong sa bikini. Napairap nalang ako. Oo siya na madaming alam.
"Dika bumili beshie?" Takang tanong ko sa kanya. Napairap na naman siya at itinuro ang paper bag na nasa cashier. "Bikini din ba?" I playfully asked him. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Kaya napatawa ako. "Malay ko ba. Baka kasi gusto mo ng bikini." Nagpipigil ngiting sabi ko pero mas sumama lang ang tingin niya sa akin. Kaya napatikom nalang ako ng bibig at nagpeace sign sa kanya. Napailing nalang siya.
Kinagabihan napagpasyahan na naming bumyahe para bukas ng umaga ay makarating na kami doon. Tinawagan pa ako ni mama para tanungin kung pupunta ba kami or hindi. Sinabihan ko na din sila mama na magpareserve ng magiging kwarto namin ni Evan. Siyempre hiwalay. Kilala ko ang parents ko istrikto ang mga yun pag ganitong bagay.
