Dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ay bumalik ako sa room namin. Kanina pa ako bumubuntong hininga.
Paano ko ba ieexplain yung nararamdaman ko ngayon?
Im embarassed and at the same time Im hurt. Regretting it as well. Hindi ko din maiwasang matakot na baka ito na ang simula ng hindi pagkakaintindihan namin. Baka lumabo na ang friendship namin. Baka masira na, dahil diba hindi na ito pure friendship nalang may lamat na. Mahal ko siya, samantalang diko alam kung anong nararamdaman niya.Confused siya, oo alam ko naman iyon. Kakaiba naman kasi siya diba. He's gay. Or should I say he was gay. Is it really in past tense? Nah, hindi ko alam. Baka nga hanggang ngayon bakla pa rin siya. Ewan! Nakakagulo na siya.
He's confused pero hindi naman pwedeng hanggang confused nalang siya. Dahil nandito ako oh, nandito ako na umaasa na balang araw maging klaro na din siya. Maging klaro na din ang nararamdaman niya sa akin.Pasalampak akong nahiga sa may kama at matagal na nakatitig sa may kisame. Iniisip kong mabuti ang sitwasyon namin ni Evan.
Should I wait for him, be patient and let him clear his mind at kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
Alam ko naman na may chance. My intuition is saying that he has something for me.Napatingin ako sa pinto noong bumukas iyon. May ilang segundo sigurong nagtama ang aming mga mata. Pero sabay din kaming nag iwas ng tingin.
Hanggang kailan kami magiging ganito? Hay, oo nagpapakapabebe na naman ako. Pero kasi nahihiya ako okay. Nahihiya ako sa kanya. I just confessed to him and he on the other side ay wala man lang reaction. Ni hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Nadampot ko ang aking phone noong magvibrate iyon. Tamad na inopen ko iyon. Tumaas ang aking kilay noong mabasa ang message ni Aico.~'Hey, may pool party dito sa tinutuluyan kong resort. Baka kako bored kana diyan. Interested?'~
Nagsalubong ang aking kilay. Party? May party din sa baba pero nabored ako kaya nga pumanhik ako dito sa kwarto namin diba. Pupunta ba ako? Pero baka mabored na naman ako.
But Aico is there. Sigurado naman akong hindi niya ako hahayaang mabored diba?
~'Please, tutal uuwi na ako bukas.'~
Ah oo nga pala. Uwi na siya bukas.
Nagkibit balikat nalang ako at saka nireplyan si Aico.~'Fetch me.'~ I replied at tumayo na ako mula sa pagkakahiga at hinalungkat ang mga gamit ko. Kumilos ako na parang wala si Evan sa paligid ko. Pero ang katotohanan niyan ay nasa sofa siya sinusundan ang bawat galaw ko habang umiinom ng beer. Seryoso din ang kanyang mukha. Hindi ako nagpahalatang minsan ay sinusulyapan ko din siya.
Tsk! Lalaking lalaki na sana pero napansin ko na nakacross legs siya at saka nakataas ang hinliliit niya habang hawak yung canned beer.Lihim akong napailing.
Isinawalang bahala ko nalang siya at patuloy na hinalughog ang aking gamit. Napangiti ako noong makita ko na ang hinahanap ko."What should I wear among this?" Bulong na tanong ko sa aking sarili habang tinitignan ang mga bikini na pinili ni Evan na binili namin bago pumunta dito. At saka ko lang naalala na, ilang araw na kami dito pero di pa rin ako nakakapag bikini. Tsk! Masyado na kasi akong naging focus sa nararamdaman ko kay Evan na hindi ko na naenjoy ang pag stay dito sa Aurora.
Kung dipa siguro ako isinama ni Aico kahapon ay hindi pa ako makakagala sa ibang lugar dito.
Inilapag ko ang mga iyon at inayos na ang ibang gamit ko.
"What are you doing?" Muntik pa akong matumba sa gulat noong bigla siyang nagsalita. Nasa may pintuan na ako ng banyo noon.
"Uhm- kwan..." I cleared my throat "Itatry ko lang tong mga bikini?" Sagot ko at nag iwas ng tinging. Tumaas ang kaliwang kilay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/210796344-288-k295144.jpg)