Part 11

33.5K 732 57
                                    

Our 3rd night together since we arrived.

Ikatlong gabi palang pero napakarami ng nangyari.

Dahil naiinis ako kay Evan dahil sa pag iinis niya sa kin kanina ay hindi ko siya pinapansin.

Well nagtatampo ako sa kanya. Kaya hayaan niyo siya diyan nunka na papansinin ko ang baklang mapang asar at mapang lait na yan. Tsk.

I was so busy with my phone while him on the other hand ay kanina pa ako minamatyagan na hagikgik ng hagikgik dito.

Kachat ko kasi si Ciara at si Aico. At infairness Aico's humor is no joke. Magaling pa rin itong magpatawa.

"Kaimbiyerna talaga!" Napalingon ako kay Evan noong inis na inis na sinigaw niya yan. Problema ng isang yan?

Napakunot ang noo ko noong mapatingin sa hawak niyang papel na lukot lukot na dahil sa panggigil niya.

"Psh." Inirapan ko siya at isinawalang bahala. Nagtatampo pa rin talaga ako sa kanya.

Sabihan daw ba akong walang kacharms charms tsk!

Pinagtuunan ko na naman ng pansin ang phone ko.

'Sana nasa bokubularyo mo din ang salitang comeback, para may chance na magcomeback tayo.' Chat ni Aico.

Napatawa ako at saka napailing.

"EVAN!" gulat na sabi ko noong bigla nalang siyang lumapit sa akin at inagaw ang phone ko. Itinaas niya iyon. Bigla akong napatayo din pilit na inaabot ang phone ko pero dahil matangkad siya at hindi ako biniyayaan ng height ay nahihirapan ako. May kinalikot siya don.

"Bakit mo ba pinapakealaman ang phone ko?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Oh ayan na!" Pagmamaldita niya pero may ngisi namang nakapaskil sa kanyang labi. Pangisi ngisi siyang bumalik sa sofa na parang may nagawa siyang tama sa gabing ito.

"Pvtang ina Evan! Bakit mo blinock si Aico?!" Galit na galit na tanong ko sa kanya at sinugod siya sa kinauupuan niya at pinagpapalo ko siya ng unan.
Tawa lang siya ng tawa na para bang proud na proud pa siya sa ginawa niya.

"Ano bang problema mong bakla ka! Kaimbiyerna ka na! Buong araw mo ba akong bubwisiten!" Hinihingal akong napatigil sa pagpalo sa kanya ng unan.

I give up. Iba talaga ang trip ng baklang ito sa araw na ito.

Ano bang nakain nito?
Tinignan niya ako ng seryoso. Minsan gusto ko na din siyang tanungin. Pero baka barahin lang niya ako. Nakakalito na din kasi siya eh.



Tinignan ko siya ng matagal at napakunot noo ako. Natotomboy na ba ang baklang ito? Haixt kaimbiyerna pwede naman kasi siyang makiusap na kung maari ay wag na akong makipag usap kay Aico dahil nagseselos siya hindi yung ganyan!

"What?" Mataray na tanong niya noong nginisihan ko siya. Lumapit ako sa kanya kaya napaatras siya. Too bad for him wala na siyang aatrasan pa. Napasiksik siya sa dulo ng sofa. Gumapang ako papalapit sa kanya habang nakangisi pa rin.

"Tapatin mo nga ako Evan?" Malambing na sabi ko. Napahiga siya sa sofa at ako naman ay unti unti siyang kinubabawan. Itinukod ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinagtapat ang aming mga mukha.

I saw how he gulped nervously. At kita ko na din ang ilang pawis na namumuo sa noo niya.

Mas lalong lumapad ang aking pagkakangisi sa isiping may epekto ako sa kanya. Iniangat ko ang aking kamay at hinaplos ang kanyang mukha isang sensual na haplos at tumigil iyon sa gilid ng labi niya.
Tinitigan ko siya at napatingin ulit ako sa labi niya. Bakit parang ang sarap halikan ng mapupulang labi niya?

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon