Part 5

43.6K 797 67
                                        

Napagpasyahan nalang namin na bumalik sa kwarto namin. Kulang pa ang pahinga namin mula sa biyahe.

Napabuntong hininga ako. Naiistress ako. Napasulyap ako kay Evan na seryosong nakatutok sa laptop niya. Napasimangot ako hanggang dito dinala pa niya ang trabaho niya.

Kanina pa ako sa veranda. Habang umiinom. Nagparoom service ako kanina ng alak. I feel like drinking. Napatingin ako sa bote ng Jack daniels na iniinom ko. Medyo madami na din pala ang nainom ko kaya pala ramdam ko na ang pagkahilo. May tama na ako. Napasulyap ako sa kanya ulit.

Ano na? Hihintayin ko pa ba siya? Hanggang kailan? Inisang tungga ko na naman ang nakasalin sa baso ko. Sinalinan ko na naman yung baso ko at tinungga na naman iyon.

Hindi ko na alintana ang pait at init na humahagod sa lalamunan ko.

"Hoy bes nakarami ka na diyan." Puna niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin ibinalik niya ulit ang pansin niya sa laptop niya. Napatawa nalang ako noong may maisip akong kabaliwan.

Gagawin ko siyang lalaki!

Tama gagawin ko siyang lalaki. Tumayo ako pero muntik na akong matumba kaya napatawa ako konti.

"Lasing na ba ako *hik*?" Sinisinok na din ako. Hooo!

"Hindi pa!" Natatawang sagot ko. Pasuray suray akong lumapit sa kanya. Siguro nga lasing na ako. Pero iisa lang ang gusto kong mangyari sa ngayon. Napatingin nalang ako kay Evan kung saan ako patungo ngayon.

Ang gawin siyang lalaki. Pumunta ako sa likod niya na hindi niya namamalayan. At bigla ko siyang niyakap. Ipinulupot ko ang braso ko sa may leeg niya.

"Evan bakla!"

"Ay chaka!" Gulat na sabi niya. Napatawa pa ako dahil don. Bakla talaga siya eh. Nilingon niya ako.

"Lasing ka na gaga. Matulog kana." Napapailing na sabi niya. Napailing ako at napasimangot.

"Ayaw!" Parang batang protesta ko. Napabuntong hininga siya.

"Sige na bes. Lasing ka na oh."

"Hindi pa ako lasing." Sabi ko. "O tignan mo nakakalakad pa ako ng diretso." Sabi ko sa kanya at naglakad ako pero muntikan lang akong tumumba. Agad naman niya akong nasalo at inalalayan. Tumawa ako ng malakas.

Nababaliw na ata ako. Pero naalala ko baliw na pala ako mula noong mahulog ako sa kanya.

"Punyetang babaita ka talaga. Iinom inom ka tas hindi mo din pala kaya. Mambubulabog ka pa!" Dinig kong sabi niya. Napangiti ako na parang baliw. Kita ko ang kunot na kunot na noo niya kahit pa pipikit pikit ako dahil sa kalasingan.

Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan.

"Bakit ba ang gwapo gwapo mong bakla ka?!" Gigil na sabi ko. Napatawa pa ako dahil nakita ko siyang umirap. Hirap na hirap na siya sa pag alalay sa akin. Dahil maya maya ay bigla nalang akong matutumba.

"Kaimbiyerna kang babaita ka! Matulog ka nalang!" Iritang sabi niya. Kaya napasimangot ako.

I cling my hands on his nape. Im trying to lock gaze on his eyes pero hindi ko kaya dahil sa kalasingan. But its now or never. I need to do this. Or I need to say this.

"Evan!!" Tawag ko. Hindi ko alam kung ano ang reaction niya dahil nakapikit ako. " Evannnn!" Parang batang sabi ko na naman sa kanya.

"Bakit ba. Umayos ka ngang babaita ka!" I can hear irritation in his voice. He was trying to drag me papunta sa may kama but I resist it. Umiling iling pa ako. I won't sleep. Kaya itinulak ko siya.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon