Part 25

33.4K 684 224
                                        

Days, weeks and months. Dalawang buwan. Naiiyak nalang ako kapag naaalala ko si Evan. After our last conversation where I push him away from my life  hindi na siya nagpakita pa sa akin.

Sabi ko na nga ba talo ako. Mas mananaig pa rin ang pagmamahal niya kay Renee. Nasaktan ako, pero wala akong magagawa yun talaga eh. Okay lang, okay lang talaga ako.

Hindi ko siya hinihintay. I don't also trust him. Hindi na din ako umaasa. Sumuko na ako. Ayoko na. Pero kapag sasabihin ko iyan mukhang magiging labas sa ilong.

Pero palagi parin akong updated sa kaganapan sa buhay niya. Nakikibalita tungkol sa preparations ng kasal nila. Pero isang balita lang naman ang hinihintay ko.

Im on the second trimester of my preganancy, halata na din ang tiyan ko kahit na tatlong buwan at mahigit palang ito. Naglilihi pa rin ako, pero hindi na gaya nung dati na ayaw ko na sa amoy ng kape. Ngayon normal nalang kaya pumapasok na din ako sa coffee shop ko. Keysa mamatay ako ng dahil sa sobrang bored ko sa bahay. Hindi ko naman maabala si Ciarra dahil busy siya ngayon sa pagpipinta. She's a painter and I think may malaki siyang kliyente ngayon.

Nagulat nalang ako noong bumisita ang mama at papa ko sa bahay ko. Hindi dahil sa hindi ko sila ineexpect kundi dahil...

"Ano na? Talagang wala nang balak si Evan na panagutan ka?!" Galit na galit na tanong sa akin ni papa. Inaalo naman siya ni mama.

"Pa, hayaan niyo na po si Evan. At saka kaya ko naman pong palakihin ang magiging anak ko eh." Sabi ko dito pero hindi nakatulong dahil sa mas lalo pa ata siyang nahighblood.

"HINDI PWEDE! Sabi ko naman diba I wont let my grandchild to become fatherless! Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao!" Galit na galit na sabi niya.
Napabuntong hininga ako ng dahil doon.

"Wala akong pakealam sa ibang tao pa. Hindi ko naman mapipilit si Evan na umurong sa kasal eh. Dahil kung talagang ayaw niyang makasal at gusto niya talagang maging parte pa rin ng buhay ko he would have done something. Pero wala eh, so lets just move on and live." Sabi ko. "Besides nandiyan naman kayo ni mama eh, my baby will get much more love dahil sa inyo? Diba ma?" Paghahanap ko ng kakampi sa mama ko. My mama smiled, a sad one. Pero tumango din ito.

"Tama ang anak mo mahal." Sabi ni mama kay papa.
Pero nanatiling matigas ang mukha ni papa.

"Hindi pwede, kung hindi lalaban ang anak natin, ako ang kikilos. Ang ayoko sa lahat ay pinapangakuan ako na hindi naman natutupad!" Nanggagalaiting sabi nito. "I let him this past few months dahil hinihintay ko lang kumilos ang Hopkins na yun pero hinahayaan lang niya ang anak natin na mag isa! My daughter doesn't deserve this!" Sabi ni papa. "Naniwala ako sa kanya Mara!" He said to my mother.

"Alam ko. Pero wala na tayong magagawa pa Santi." Saad naman ni mama at napabuntong hininga ito.
Naging determinado ang mukha ni papa. At sa huli'y ngumisi ito.

"Meron pa." Sabi nito. I don't like his smile. Nakakakilabot, kilala ko ang papa ko kaya mas lalo akong natakot.

"Ma..." Tawag ko kay mama para sana balaan na kailangan niyang pigilan sa madilim na balak ni papa. Tumango lang si mama.

***

"One frapuccino please." Nag angat ako ng tingin dahil parang pamilyar ang boses noong umoorder. Nakaupo lang ako sa tabi ng counter kung saan nagbabasa ako ng libro. Napakurap kurap ako.

"Aico?" I ask. Nabaling ang tingin niya sa akin at saka nginitian niya ako ng pagkalawak lawak. Kinawayan niya pa ako. Napangiti na din ako.
Sinamahan ko siya sa table niya noong makaorder na siya.

"Long time no see." Ngiting sabi niya.
Nginitian ko lang siya. Napadako ang mata niya sa tiyan ko na medyo  halata niya.

"Ooh!" Sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko. Namula naman ako. "Ilang buwan na yan?" Ngising tanong niya.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon