Part 20

35.2K 699 103
                                        

"You're awake." Alalang sabi sa akin ni Ciarra. Inilibot ko ang aking mata sa aking paligid. Im in a hospital.
Anong nangyari bakit ako nandito?
Napaluha na naman ako noong maalala ang nabalitaan ko. Nawalan nga pala ako ng malay dahil hindi ko kinaya yun. Matiim ang pagkakatitig sa akin ni Ciarra na para bang hinahanapan niya ako ng eksplenasyon sa isang napakaseryosong bagay. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang dinala kita dito." Sabi niya sa akin na may kasama pang pag irap. Maya maya ay sumeryoso na naman siya. "You're pregnant." Sabi niya napatingin ako sa kanya at saka niya ako inirapan.
Kumunot din ang noo niya kalaunan noong mapansin niya sigurong ni hindi man lang ako nagulat.
Nanlaki ang mata niya.

"You already knew it!" Gulat na sabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinipigilan na naman ang sarili ko na wag umiyak.

Sabi ko nga noong may nangyari sa amin ni Evan diba na Im on my estrus stage. The whole week of vacation ay fertile ako. Nakakatawa nga at naitaon pa.  Kaya hindi na ako magtatakang may nabuong baby sa sinapupunan ko.
I took a pregnancy test three days ago dahil isang buwan na pero hindi pa rin ako dinadatnan. My menstruation is regular and to think of it that Im fertile on that day so I took the test.
And it turned out that Im pregnant. Kaya nga mas lumakas pa ang kagustuhan kong makausap si Evan. I went to his office, beg his secretary to let me in. Dati dati naman pinapapasok ako pero nagbago na. Wala daw siya.

I also went to his house pero nilamok na ako't lahat lahat wala parin. And lastly dahil dun  napunta ako sa bahay ni Ciarra to ask her.

And everything turned out like this.

Nakagawa nga kami ng baby, Im happy with it. But I can't help my self to feel sad. Nalulungkot din ako, at mas nasasaktan dahil sa isiping ang ama ng anak ko ay ikakasal na pala sa iba.

Sabi ko nga we need to talk. Kailangan lang namin talagang mag usap. Hindi ko ipapaako sa kanya ang bata. Ako naman ang may gustong gumawa ng baby diba?

We both made it, pero dahil sa nalaman ko na ikakasal na siya hindi ko na alam kung kailangan ko pa ba siyang kausapin. Do I still need to talk to him?

But for what? Ni hindi ko nga alam kung anong nararamdaman niya sa akin. Kung meron man. But I think he doesn't feel anything for me.

"Who's the father Siera?" Malamig na tanong niya at parang galit na ito.

"Wala." Sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "I don't  want him to know. Kaya wala. And please Ciarra not now. Wag muna nating pag usapan." I said and look away. Napabuntong hininga nalang siya.

"Gaga ka talaga. Alam ba nila tito at tita?" Tanong niya sa akin. Saka ko lang naalala sina mama at papa. They would jump in joy kapag nalaman nilang magkakaapo na sila. But I don't want them to know, lalo pa't naging ganito na ang sitwasyon. But if ever na nasa normal circumstance lang ako. I would happily tell them the news na finally magkakaapo na sila. Na matutupad na ang hinihiling nila.

Diko alam kung bakit bigla bigla nalang magpapakasal si Evan. Is it because of their company? He is one of the wisest business man in the country yun nalang ba ang natitirang solusyon na maiisip niya? An arrange marriage?

'Maybe one of his solution din para matakbuhan ka niya!'
Nanikip ang dibdib ko ng dahil doon.

Wala akong magawa kundi ang masaktan ng palihim. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang bugbugin dahil sa kanya kaya ako nasasaktan. Pero hindi ko naman magagawa ang lahat ng iyon kung hindi ko siya makakaharap.

"Wag mo munang sabihin sa kanila bes. Ako nang bahala dito." Buntong hiningang sabi ko sa kanya. Matagal niya akong tinignan na para bang may iniisip siya. Kapag kuwan ay tumaas ang kanyang kaliwang kilay.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon