Part 29

29K 583 37
                                        

"Pa, saan ba kasi tayo pupunta?" Iritang tanong ko sa papa ko. Pero wala ata siyang balak sagutin ang kanina ko pa tinatanong. He's with my mom, nagdadrive si papa samantalang nasa passenger's seat naman si mama. Pati si mama ayaw din akong pansinin. I said na kaya ko naman na pumunta sa lugar kung saan magaganap ang business meeting na yan. I can drive my own but they insist na dapat ay sabay sabay na kami.

"Sa isang meeting nga." Sa wakas ay sagot na ni papa. I know, last week he told me about that meeting nakalimutan ko na nga then suddenly sinundo nila ako sa bahay ko and wear this. Napatingin ako sa suot kong dress. Maganda naman ito. It's just a simple peach off shoulder dress above the knee length. Pero naaalibadbaran nga ako. I don't, I just don't feel like wearing a dress. Masmabuti pa yung mga t-shirt ni Evan. And speaking of Evan wala din siya. Ano bang pinagkakaabalahan ng baklang iyon? Ni hindi siya nagpaalam sa akin kung saan siya pupunta. I wake up this morning at wala na siya sa tabi ko.

Bagot na bagot na ako sa biyahe at nataon pa na medyo mabagal ang traffic.

"Were here." Excited na sabi ni mama. Nakasimangot akong bumaba ng kotse. Only to find out that were infront of a fivestar hotel. Siguro bigatin ang kameeting namin para dito ganapin.

Palinga linga ako habang papasok kami. At saka nagtataka ako. Dahil nilagpasan namin ang restaurant.
Si papa ang nagpatiuna sa amin. Kasabay ko si mama, inaalalayan niya ako and I can see some emotion in her eyes. She is smiling pero parang nagpipigil din siya na wag umiyak.

Until we enter a VIP room, kung saan isang dinnet table ang makikita doon. The place was nice actually.

"Tito? Tita?" Gulat na sabi ko noong mapagsino ang nasa loob nun. Natigilan ako.

"Siera Ija." Sabi nang lalaki na medyo may katandaan na. He is smiling widely. Nakipagkamay si papa dito, nakipagbeso naman si mama sa ginang. Taka akong umupo sa isang bakanteng upuan na kaharap nung isang bakanteng upuan sa tabi ni tita. Kunot na kunot ang aking noo.

What was happening.

"Have a sit kumpadre." Ngiting ngiting sabi ng may katandaang lalaki. Nagpapalipat lipat lang ako ng tingin sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Then someone entered the door.

"Evan!" Gulat na sabi ko sa kanya. He smiled. Isang alanganing ngiti. Kumunot ang noo ko and then I glared at him.

"Easy Siera. Mamaya mo na ako patayin pwede." He joke but its not funny.

"What is this?" I mouthed him. Pero nilapitan lang niya ako and kiss my forehead at saka nginitian. Nagmano siya sa mama at papa ko.

At umupo na sa bakanteng upuan na kaharap ko. Pagkaupo niya sinipa ko siya sa ilalim at pinandilatan siya ng mata.

And the man and the woman na nadatnan namin. They are Evan's parents. At saka ano bang ibig sabihin ng pag kikita naming ito. I thought it's just a business meeting.

"Pasensiya na Mr. Mendoza sa gulong idinulot ng anak ko sa anak niyo. Tulad ng pinag usapan natin noon ay hindi na itutuloy ang kasalang Hopkins at Alcantra. That would be a big mistake if that will happen lalo pa't nasa sinapupunan na ng anak mo ang magiging apo natin." Mr. Hopkins said at pasimpleng sinulyapan ang aking may umbok ng tiyan. And then he grin na parang ang saya saya niya sa nakikita niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"And as we agreed then, my son will take all the responsibilities. I will let them marry each other." Tuloy pa nito. Gulat na napatingin ako sa papa ni Evan, sunod kay Evan na kunot na kunot din ang noo.
"We can also merge  the empire that we had." Sabi ni tito and leaned back on his chair na parang nasisiyahan. I look at my father who is also grinning from ear to ear.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon