Part 15

40.4K 707 42
                                        

Kanina pa ako umiiwas kay mama. Iniiwasan ko talaga siya.

Nakahinga ako ng maluwag noong matakasan ko siya.

Ayoko muna mahotseat okay.

Uusisain na naman kasi ako nun.

Malakas ang radar ni mama kaya malalaman at malalaman niya talaga na may mali.

"Huli ka!" Nanlaki ang mata ko at napalingon sa likuran ko kung saan nanggaling iyon.

"Mama!" Kunwari nakangiting bungad ko dito. Nakahalukipkip ito at nakataas ang kaliwang kilay at may kasamang hindi magandang ngiti ang kanyang labi. Kaya ang kunwari kong ngiti ay naging ngiwi.

"Ah eh. May pupuntahan pa pala ako." Palusot ko at akmang tatakas na pero napangiwi ako at napaangal noong

"Saan ka pupunta aber?" Tanong nito.

"Aray ma! Tama na masakit." Napapangiwi nalang ako dahil sa kirot ng pagkakapingot niya sa akin.

Matanda na ako. Magtitrenta na nga diba, pero hind parin naalis ni mama ang ugali niyang mamingot. Sige nga sabihin niyo nga sa akin deserve ko bang mapingot. Dapat si Evan ang pinipingot niya eh.


She dragged me in a table near the pool. At sapilitang pinaupo doon habang ako ay kanda ngiwi at reklamo na sa ginagawa niya.

"Ma! Tama na please. Hindi ko na deserve mapingot ireserve niyo na lang yan sa magiging apo niyo."

"Apo? Ha kailan pa Siera! Uugod ugod na ako pag nabigyan mo ako. Wala na akong lakas mamingot nun!" Litanya niya sa akin kaya mas napangiwi ako.

"Malapit na Ma! Promise tatlo ibibigay ko sayo! Aray!" Dahil doon ay binitawan na niya ang tenga ko.

Nakasimangot ako habang hinilot hilot ang aking tenga na piningot ni mama. Sinisimangutan ko siya at may kasama na ding pag irap.

At saka bubulong bulong ako dito na parang bubuyog.

Dahil kasi sa lintik na apong yan kaya najudge din ako ni Evan na nagpapakadesperada na daw ako.

Akalain niyo yun, ang advance ng isip niya na inaya ko daw ba si Aico na gumawa ng baby.

Tsk! At isa pa as if naman na kapag trenta na ako ay mag eexpire na ang matris ko.

Hindi naman eh. Kukunat at magkakaugat lang ang hymen ko pero hindi naman mag eexpire ang matris ko!

Pasalampak na naupo si mama sa upuan na nasa harapan ko.

"Nai stress akong dalawa sa inyo ni Evan! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha?" Tanong ni mama at napahawak pa sa batok nito.

See. Sabi na nga ba malakas ang radar ni mudrakels eh. Alam na niya agad na may mali sa aming dalawa ni Evan.

"Nagkatampuhan lang po." Napayuko ako noong isinagot ko iyan. Pero konti lang, true naman na nagkakatampuhan kami ni Evan pero sa ngayon kaya ayaw ko muna siyang makita dahil nahihiya ako. Siya naman kasi ehhh....

"Aray! Aray!" Daing ni mama kaya agad akong napatingin sa kanya. Akala ko kung ano na. Hawak hawak lang niya ang kanyang batok. But I knew my mother better. Best in Ka OAhan yang mama ko. "Aatakihin ako ng altapresyon sa inyong dalawa. " sabi niya at kanda ngiwi pa. Napamaang nalang ako sa kanya.

Hanggang ngayon napapatanong parin ako sa sarili ko. Paano ba napagtitisan ni papa si mama? Isa talagang malaking palaisipan iyon sa akin.

"Paano niyo ako mabibigyan ng apo kung nagkatampuhan kayo! Haru diyos ko naman Siera. Ayusin niyo yan." Sabi pa nito. Talagag desidido na sila.

'Muntikan na nga kaming gumawa ng apo niyo noong madaling araw kahit nagkakatampuhan kami.' My mind answers pero napailing ako ng lihim at feeling ko namumula ako ngayon dahil ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi.

Gosh!! Muntikan na talaga kaninang madaling araw.

"Eh ma,  pwede po bang maghanap ng iba- aray!" Napanguso ako noong kaltukan ako nito. Ano na naman bang kasalanan ko?

"Ako ba pinagluluko mo Siera! Hindi pwede! Si Evan lang ang gusto namin para sayo." Determinadong sabi ni mama.

"Si Evan lang ang gusto naming maging future son in law!" Napatayo pa si mama habang parang Nora Aunor na nakadipa ang kanyang dalawang kamay.

Kung ang isinisigaw ni Nora Aunor ay walang himala samantalang siya.

"Mama bakla po si Evan. Paano niyo siya magiging son in law. Wala pong himala." Pairap na sabi ko dito at naghalumbaba sa table habang nakatingala sa kanya.

Malapit ng magkaroon ng himala Siera konting push nalang bibigay din ang baklang iyon!

Napaismid si Mama. At yun nga sabi ko nga diba may topak ang nanay ko. Napangiwi nalang ako sa sunod niyang ginawa.

"May himala! May himala! Ang himala ay nasa kamay mo lamang anak!" Sabi niya na parang Nora Aunor pa. Sa panghuli niyang ginawa ay nilapitan ako at saka hinawakan ang magkabilang balikat at mas lalo akong napangiwi noong niyugyog ako ni mama.

"Nasa mga kamay mo lang anak." Sabi niya at saka niya ako nginisihan.

Maya maya ay pinatayo niya ako.

"Kaya wag kang tumunganga diyan at makipagbati kana kay Evan." Sabi niya sabay tulak sa akin.

"Pero Ma!!" Angal ko. Nilalabanan ko ang panunulak niya sa akin sa kung saan.

"Tsk! Dali na!" Pamimilit niya.

"Pero Ma siya po ang may kasalanan sa akin-" at nahihiya po ako sa kanya! Hindi ko na natuloy yang sagot ko.

"Walang pataasan ng pride lalo na kung malapit nang mag expire ang puday!"

"Oh my gosh Ma! Ang bastos po ng bunganga niyo." Naeeskandalong sabi ko.

"He! Matanda kana! Wag kang ano diyan. Dapat magkabati na kayo bago matapos ang araw na ito." At itinulak nga niya ako.

Napadpad kami sa isang pool area na kung saan medyo madami na ang lumalangoy.

Nilingon ko si mama. Salubong na ngayon ang aking mga kilay.

"Fighting anak!" Sabi pa niya at tumatawang umalis doon. Mas lalo akong napasimangot.

Inilibot ko ang aking paningin bakit dito ako dinala ni mama?

Haixt ewan ko sa matandang iyon. Napailing iling nalang ako.

Ang totoo kasi niyan. Hindi na ako nagtatampo sa kanya. Humingi na siya ng tawad diba.

Humingi siya ng tawad and more pa nga ang ginawa niya.

Wahhh! Tangna lang yung more diba? Shit naalala ko na naman. At alam ko grabe na ang pula ng mukha ko habang naalala yung nangyari kaninang madaling araw.

Muntikan na kaming gumawa ng baby. Kundi ko lang siguro siya tinulugan baka natuloy na.

Napatakip ako sa mukha ko at tinapik tapik ang aking pisngi at umiling iling para maalis sa isip ko yun.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon