"WHAT?!" gulat na gulat na tanong ko sa staff na nandito. Parang nanlaki ang ulo ko sa sinabi niya. Sakto naman na nakita ko sina mama at papa. Si Evan walang kaalam alam sa nangyayari.
Nilapitan ko sina mama. Beastmode na ako. Oo beastmode na talaga.
"Oh my pretty daughter nakarating na pala kayo." Salubong sa akin ni mama. Lalong kumunot ang noo ko noong mapansing kakaiba ang mga ngiti niya. Pero wala ako sa mood ngayon para usisain iyon. Una pagod ako sa biyahe pangalawa sumasakit ang ulo ko sa sitwasyon ngayon!
"Ma! Bakit couple suit ang ipinareserve niyo?! Sabi ko diba dalawang kwarto!" Inis na tanong ko sa mga ito. Pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.
"Dalawang room ba. Ang dinig ko kasi couple room." Maang maangan pang sabi niya at saka humagikgik. Nasabi ko bang kilala ko ang mga magulang ko at strikto sila? Napahawak ako sa batok ko. Feeling ko mapuputulan ako ng ugat doon. I guess I really don't know my parents. I know they're planning something.
"Pa?" Sumbong ko kay papa. Sakaling kampihan niya ako. Dahil ako ang prinsesa niya alam kong hindi niya ako hahayaan na makasama sa couple suit si Evan. Kahit bakla yun lalaki parin siya!
"Siera, matatanda na kami. Siguro panahon na para mabigyan mo kami ng apo." Sabi ni papa na nagpalaglag sa panga ko.
"Tama ka diyan honey." Tuwang tuwang sabi ni mama na napapalakpak pa. Walang silbi ang pagrereklamo ko. Sa tingin ko desidido na sila. So ito ang plano nila? Bakit ba nabigyan ako ng mga magulang na excited magkaapo? At saka alam naman nilang walang namamagitan sa amin ni Evan. At alam naman nilang bakla si Evan, paano sila magkakaapo? Sige nga sabihin niyo paano??!!
Lugong lugo akong lumapit kay Evan na kinakausap na ang isang staff. Nilingon ko ang mga magulang ko na kung makangiti parang sinasabing 'Kaya mo yan! Ikaw naman ang kumilos!' Nagfighting sign pa silang dalawa. Pagkatapos nun nagkunyari pa si mama na may hawak hawak na baby at inihehele yun. Tas nagtawanan sila ni papa.
Sige nga sabihin niyo nga sa akin paano ko ba sila naging magulang?!!!!
"Tara na nga! Ang arte arte mo bes ha. Parang hindi pa naman tayo nagtatabi sa iisang kama." Nasa tabi ko na pala si Evan. Ayaw daw siyang bigyan ng room. Wala na daw available. Diba nakakaano lang.
"Saka wag kanga diyan. Hindi naman kita papatulan no. Kadiri ka ah." Nakangiwing sabi niya. Napanganga nalang ako
"Alam ko naman iyon Evan. May tiwala naman ako sayo ang kaso lang..." Hindi ko natuloy noong hinila na niya ako. Nagpatianod nalang ako sa kanya. Ang gwapo niya talagang bakla eh. May tiwala ako sa kanya ang kaso nga lang wala akong tiwala sa sarili ko. Baka marape ko siya. Oo nagtatabi kaming matulog but the difference is one night ganun lang. Hindi tulad nito na one week!
Maganda ang kwarto. Pero diko parin maapreciate dahil namumrublema parin ako.
"Bes, problema mo?" Takang tanong niya. Hindi ko siya kinibo. Paano ko ba sasabihin sa kanya.
Naglakad lakad ako nakita ko ang tsinelas panloob magkapares iyon. Nagpunta ako sa may banyo. Pati yung bathrobe magkapares din. At saka parang hindi naman pangordinaryong couple suit ito eh. Nanlaki nalang ang mata ko noong marealize na honeymoon suit ang kwartong ito!!!!
Napatampal ako sa noo ko. Ano bang klaseng utak mayroon ang mga magulang ko!!!!
"Aray!" Napahawak ako sa noo ko noong pitikin niya iyon. Nakacross arms na siya sa harapan ko. Nakataas na ang kilay niya.
"Itigil mo nga yang kaiisip mo ng kung ano ano girl. Dahil unang una hindi ka maganda at dyosa ako. Wala kang charms kaya kahit akitin mo ako walang mangyayari!" Diretsahang sabi niya. Napamaang nalang ako sa mukha niya. Sa kanya na mismo nanggaling na kahit akitin ko siya walang mangyayari.
Sorry mama! #Apo no more!!!! Napaiwas nalang ako ng tingin...
Kakahiya ka Siera kung ano ano kasi ang iniisip mo.
"Tunge nito! Hindi naman iyon ang iniisip ko eh." Tanggi ko pa. Napagpasyahan naming magpahinga nalang muna. Pagod kami sa biyahe. Malamang siya din. Nahiga na ako sa kama at pumikit. Nahiga na din siya sa tabi ko. Kahit na may umaahon na naman na kakaibang tibok sa puso ko.
Tumalikod nalang ako sa kanya take a deep sigh.
Hindi ko naman masisi ang mga magulang ko sa ginawa nila. Naiintindihan ko naman sila eh. For petes sake 29 years old na ako. Im not getting any younger. Walang boyfriend. Hindi nag e-entertain ng manliligaw. Kaya naiinitindihan ko kung bakit sila nag aalala sa buhay pag ibig ko. At saka alam kasi ni mama ang dahilan kung bakit single parin ako hanggang ngayon. Oo dahil sa baklang yan.
Alam na ata ng lahat na mahal ko siya. Siya lang tong hindi. Pero hindi ba niya napapansin? Haixt! Ewan! Kakastress! Makatulog na nga lang.
"Bes!" Tawag niya sa akin pero diko siya pinansin. "Bes." Tawag uli niya sabay poke sa balikat ko.
"Tulog na ata." Dinig ko pang bulong niya. Naramdaman ko nalang na idinantay niya ang kanyang kamay sa beywang ko. Nahigit ko ang hininga ko ng dahil doon. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa kanya. I feel stiff but later on ay naging komportable na din ang pakiramdam ko.
Kung sana lang kasi palaging ganito. Narinig ko na ang payapa niyang paghinga katunayan na tulog na siya. I moved and changed position to face him. Matagal kong tinitigan ang mukha niya at napahagikgik pa ako ng mahina noong nagsalubong ang kilay niya. I pointed the between of his brows at naghiwalay iyon.
I can stare his face as long as I want to when he is sleeping. Magtataka kasi siya kapag tinitigan ko siya ng matagal. Baka marinig ko na naman yung linya niyang-
'Oh pinagnanasaan mo na naman akong bruha ka. Yuck ka bes." Napangiti ako ng malungkot at napailing nalang.
Napatingin ako sa kilay niya down to his nose. Sa mata niyang nakapikit. Ang hahaba talaga ng pilik mata niya. Down to his lips. His red and kissable lips. Bakit mukhang malambot iyon? I bite my lips. Bakit parang ang sarap niyang halikan?
Shit ka Siera magbehave ka!
Yan na nga ba ang sinasasabi ko eh. May tiwala ako sa kanya pero wala akong tiwala sa sarili ko.
I gulp the lump in my throat. Bakit kasi kaakit akit ang isang to eh. Wala pa siyang ginagawa pero naaakit na ako. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung hahalikan ko siya ngayon hindi naman niya malalaman diba? Diba? Kaya lumapit pa ako sa kanya.
Tangna Siera! Pinagsasamantalahan mo ba siya?
Napailing iling ako. Behave ka lang Siera. Makonsensiya ka. My face is so near to his. Just an inch away. Magkanda duling duling na nga ako sa pagtingin sa labi niya. Pero I decided na lumayo din. This is not right. Ayokong maging awkward kaming dalawa.
I gasped and my eyes open wide when he pulled me unconsciously. I blink so many times at agad napalayo sa kanya. Napamura ako sa sarili ko.
Did his lips just touches mine? Napahawak ako sa labi ko at tulalang napatitig sa may kisame. Dahan dahan kong tinignan ang mukha niya. He's sleeping soundly.
So ako lang ang nakakaalam na nahalikan na niya ako. That a kiss happened between us?
Putragis that was just a smacked kiss Siera! Anong big deal don? Akala mo naman first kiss mo!
Napailing iling ako.
It was not my first kiss. Well may naging boyfriend din naman ako before he came to my life. I've kissed them pero kailan ba ako huling nagkabf? 2 years ago and yes two years na ring wala akong nahalikan.
Sabi nga nila magiging special ang ordinaryong bagay lalo na kung ginawa mo ito kasama ang taong mahal mo.
Our first kiss together was indeed a special one. Kahit na ako lang ang nakakaalam na may first kiss na kami.
