"OH MY GOSH TEH!!!" Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa OA na reaction ng babaitang katawag ko. It was Ciara. Our dearest friend. Ikinuwento ko sa kanya lahat lahat.
"Im so happy. Natotomboy na ata si baklang Evan!" Sabi pa niya.
"Malabo din friend." Nakasimangot na sabi ko dito. "Pero bakit niya ako hinalikan?" Tanong ko dito.
"Malay mo may feelings na siya sayo." Sagot niya at tumili pa mukhang kinikilig ata. Napabuntong hininga ako.
"Ayokong mag assume beshi. Alam mo naman masakit yun." Disappointments lang ang dala.
"Edi gumawa ka ng paraan para mapaamin mo yung baklang yun." Suhestiyon niya. Parang ang dali naman eh.
"Parang ang dali lang gawin eh." Sarkastikong sabi ko.
"Nuka ba para na kayong tangang dalawa alam niyo ba yun? Ano tukaan lang ang new hobby niyo ngayon? Sinasabi ko na sayo may feelings na yang si Evan sayo."
"Pagselosin mo kaya." Suhestiyon niya.
"Tsk. Bye na nga medyo wala ka ding kwentang kausap." Sabi ko.
"Ouch!" Arte niya pero pinatay ko na ang tawag. Haller paano ko pagseselosin ang isang yun? Baka nga siya pa ang mang agaw sa boylet na gagamitin ko. Napabuntong hininga nalang ako.
Naisipan ko din namang bumalik doon at panatilihing hindi awkward ang atmosphere namin. Pero kumain muna ako bago pumunta doon. Napahinga ako ng malalim. Kaya koto kahit na ilang na ilang na ako sa kanya.
Hindi ko sila nakita sa may beach kaya pumunta ako sa may pool sa laging pinupuntahan ng mga magulang ko. At sakto nandun nga sila pati ang parents ko mukhang nagkakasiyahan sila. Pero bago pa ako makarating doon ay may humawak sa braso ko. Kunot noong napalingon ako.
"Siera is that you?" Tanong niya. Tinignan ko ang mukha ng lalaking tumawag ng pansin ko. Mas lalong nangunot ang noo ko. Inaalala kung sino ba siya.
"Its me Aico your-"
"Aico?!" Nagulat ako. Talaga siya na to. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Sorry hindi agad kita nakilala. You've changed a lot." Sabi ko. Napahawak siya sa batok niya at saka ngumiti. Niyaya niya akong umupo sa lamesa malapit sa may pool at tinawag ang isang staff para umorder ng maiinom. Pinaunlakan ko naman .
Aico is my childhood sweetheart. Well he is my ex to be exact. We've become lovers when we were still highschool and after 3 years of in relationship nagkahiwalay din kami because it doesn't work out.
Muntikan ko na siyang hindi nakilala. Dati kasi patpatin pa siya eh pero tignan niyo naman ngayon machong macho na siya at mas lalong gumwapo. Walang wala si Evan dito.
"So kumusta kana Siera?" Simula niya. "Its been what 9 years na ata nung huli tayong magkita." Sabi niya na siyang ikinatango ko.
"Okay lang. I owned a business. A coffee shop." Sagot ko sa kanya. Tumaas pa ang kanyang kilay parang sinasabi na dagdagan ko pa kaya napatawa ako. "Hay naku Aico. Kung tatanungin mo ako kung single pa ba ako. Yes Im single but not available. At kung bakit mahabang kwento." Tuloy ko at sumimangot ako sa dulo.
Napatawa naman siya.
"Aww! Sayang naman hindi na available". Pagdadrama niya. "Akala ko pa naman pwedeng magcomeback..." Biro niya. Napatawa nalang ako at napailing.
"Tsk. Wag mong sabihing hindi kapa nakakapag move on sa akin?" Naiiling na tanong ko.
"Hindi pa eh. Iba kasi ang ganda mo walang katulad." Banat niya na siyang ikinatawa ko.
"Bolero ka pa rin." Naiiling at tumatawang sabi ko. Tumawa na din siya. Madami pa kaming pinag usapan. Pero napakunot ako ng noo at napatingin ako sa gawi nila Evan noong maramdaman kong parang may mali. Napataas kilay ako noong magtama ang paningin namin. Parang galit ata siya. Iniwasan ko nalang siya at hindi na pinansin. Bahala siya diyan.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Aico.
"Attending my friend beach wedding." Sagot niya at sumipsip sa juice niya
"Ikaw kailan ang kasal mo?" Tanong ko.
"Ikaw ba kailan mo gusto?" Ngising tanong niya at saka siya nagpacute. Napatawa na naman ako dahil doon.
Sasagot na sana ako kaso-
"Siera!" Napalingon ako at nakita ko si Evan na madilim ang mukha. Salubong ang kanyang mga kilay. Bakit ba ganyan ang isang yan? Diko tuloy siya maintindihan. Tinapunan niya ng masamang tingin si Aico.
"Boyfriend mo Siera?" Kunot noong tanong ni Aico. Napataas ang kilay ko. Sana nga Aico. Sana nga. Pero kagaya mo ang hanap niya eh.
"Hin-" hindi ko pa natatapos sagutin yun nung bigla nalang may humila sa akin. Kinaladkad to be exact.
"Ano bang problema mo bakla!" Inis na tanong ko dito. Pero di niya ako pinansin. Nilingon ko si Aico na naiwan doon na kunot noo.
"Nice meeting you again Aico, next time ulit!" Pagpapaalam ko at kinawayan siya. Kumaway nalang siya pabalik sa akin. Dinala ako ni Evan sa isang private pool kaya kaming dalawa lang ang nandito sa ngayon.
"Problema mo ba?" Iritang tanong ko sa kanya noong makabitaw ako sa pagkakahila niya. Madilim parin ang kanyang mukha.
"Sino siya?" Panlalaking boses na tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. Teka. Nagseselos ba siya? Dahil sa isiping yun ay diko maiwasang kiligin. Napakagat labi ako para hindi mapangiti.
"Kakilala ko lang." Sagot ko at nag iwas ng tingin pero noong tinignan ko uli ang mukha niya ay salubong ang kanyang kilay habang nakataas ang isa. Mukhang hindi ata naniniwala sa sagot ko. "He's my ex." Sabi ko, na hindi ko na nalang sana sinabi. His face softens.
"Talaga?" Kunot noong tanong niya. Tumango ako. "May nagkamali din palang pumatol sayo." Ngising tuloy niya. Diba iniinsulto lang ako ng tangnang baklang to. Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Wala ka kasing kacharms charms eh. Promise." Tuloy niya at saka siya ngumisi at tinignan niya ako pataas at pababa. Napapahingang malalim nalang ako sa pagpipigil ng inis at galit ko.
Alam kong pang asar lang niya iyon pero bakit diko maiwasang mainsulto. Isa na ba ito sa dahilan kaya hindi niya ako magustuhan bukod sa pagiging bakla niya.
May charms ako siya lang ang nagsasabing wala. Nakakasama na din kasi ng loob lalo na kung paulit ulit na.
"F#ck you ka talaga Evan!!" Inis na sabi ko. Tinawanan niya ako kaya sa inis ko ay sinipa ko ang kanyang paa.
"Aw! Gaga kang bruha ka." Ngiwing sabi niya habang nagtatalon na hinawakan ang paang sinipa ko. Inirapan ko siya at tinalikuran at umalis doon.
Pero hindi pa ako nakakalayo noong tumigil ako at nilingon siya.
"Wala palang kacharms charms ah. Humanda ka sa akin." Nakangising bulong ko at tuluyan ng umalis doon.
