Part 7

40K 722 46
                                        

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay habang nakatingala sa kalangitan.

Gasgas na ang linyang ito pero ano ang magagawa ko.

Si Evan katulad siya ng mga bituin sa langit abot tanaw mo pero kailan man hindi mo maabot kamay.

Pero sa sitwasyon ko, posible naman na maabot ko siya nasa sa akin na lang kung paano. Napangiti ako ng malungkot at napabuntong hininga.

Kanina pa ako nakatambay dito sa may dalampasigan. Kaninang papalubog na ang araw at hanggang ngayon na mga bituin nalang ang nakikita sa kalangitan. Naglatag lang ako ng banig.

Napalinga linga ako sa paligid. Konti lang ang taong nandito. May kadiliman kasi ang parteng ito.

When the dark night falls just look up in the sky, you will witness a beautiful things that will lessen your fear.

Masarap magmuni muni kapag nakatingin ka sa kalangitan na punong puno ng bituin.

Worth it pa bang magpatuloy at hintayin ang pagbabalik loob niya or do I need to give up?

"Hindi Siera." Bulong ko at napailing iling. Madami ka pang pagpipilian. Wag kang magstick sa two choices. Dahil ang katotohanan, madaming pagpipilian.

It is just us who narrowed down those choices to make it easy to choose.

'Gusto kalang naming maging masaya anak.' Napailing iling ako noong maalala ang sinabi ng parents ko. Napasimangot ako at napabuntong hininga.

"Ay chaka!" Gulat na sabi ko dahil biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko ang ID caller at napakagat ako sa labi ko noong mapagsino iyon. Si Evan. Tinitigan ko muna bago napagpasyahang sagutin.

"Besshhhi! Where are youuu?!!!" Napakunot ang noo ko. He's drunk. Hindi ako nakasagot. "Beshi!! Answer me I want to see you *hik!*" pabebeng sabi niya. Kahit lasing siya hindi parin talaga mapapalabas ang pagkamanly niya.

"I'm-"

"Oh I see you!" Sagot niya mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko at napalinga linga. Wala namang Evan sa paligid. How come na nakikita niya ako? Napayakap ako sa sarili ko noong humangin medyo malamig na ang simoy ng hangin.

"Bakla. Evan." Tawag ko dito pero wala na akong marinig na nagsasalita. Tinignan ko eh on going call palang naman. "Evan, you still there?" Kunot noong tanong ko. Tumayo ako at luminga sa paligid. Pinagloloko naman ako ng baklang yun eh. Wala naman siya.

"Ay chaka!" Gulat na sabi ko when someone put a jacket on my shoulder and hug me from behind.

"Beshi!!!" Lasing na tawag niya sa akin at ipinatong niya ang ulo niya sa may balikat ko. Natigilan na naman ako. Aatakihin ako sa puso nito eh. Una dahil sa panggugulat niya sa akin. Pangalawa dahil lumalakas na naman ang pagdagundong ng puso ko ng dahil sa kanya.

Tinignan ko siya. Nilingon. His eyes were close but he is smiling. Pangiti ngiti pa missing in action naman buong araw.

'Hindi siya missing in action. Iniiwasan mo siya.' Napabuntong hininga ako. Buset na konsensiya.

"You're drunk." Sabi ko sa kanya and he let out a chuckle na naging sexy sa pandinig ko. He motioned me to sit. Umupo ako at sumunod naman siya at muli ay ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa beywang ko at ipinatong ang kanyang chin sa aking balikat.

"Saan kaba nagpunta? Hinahanap kita kanina." Yes I was searching for him a while ago. Dahil hindi ko matagalan ang ganito. Ang awkward moment naming dalawa. I know I am at fault. Dahil ako naman ang may ginawang kagagahan kagabi. I want to apologize to him.

Bikini Try On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon