"Pvtang ina!" Gulat na sabi ko noong makalabas ako sa balkon ng kinaroroonan kong kwarto. Napanganga pa ako at napakurap kurap.
As in what the fvck talaga!
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
"EVAN!!!!!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ko sa pangalan ng alam kong may kagagawan ng lahat ng ito. Padabog akong pumasok ulit sa kwarto. Pero natigilan ako noong maging pamilyar sa akin ang kwartong ito. Kumunot ang aking noo at bumalik ulit sa veranda at muling inilibot ang aking mata.
"Aurora?" Bulong na tanong ko. Nandito ako sa Aurora? Pero paano?
Naalala ko kagabi. Hinihintay ko si Evan. Nahintay ko siya, pero tumakbo ako sa kwarto ko para hindi niya malaman na hinihintay ko siya.
Tas ewan ko kung panaginip lang or kung totoo na tinabihan niya ako sa pagtulog. Pero paanong napunta ako dito ng hindi ko man lang namamalayan.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at dumako ang mata ko sa dalawang maleta na malapit sa may sofa.
Nilapitan ko iyon at binuksan, its Evan's clothes. At yung isa naglalaman iyon ng mga damit ko.
What are his plans really?
Bakit niya ako dinala dito?
Napalingon ako sa may pintuan ng banyo noong bumukas iyon. Napakurap kurap ako sa nakita ko. Gosh! Bakit ang hot hot niya talaga. And yes! I am drooling over him. Pero napailing iling ako at tinignan siya ng masama. Its not time for me para maakit sa kanya.
"Good morning." Nakangiting bati niya sa akin pero naging ngiwi iyon noong tinignan ko siya ng masama at nagcross arms.
"Pakipaliwanag nga kung anong ginagawa natin dito Evan?" Malumanay pero madiin na tanong ko sa kanya. I saw how he gulp. Tinaasan ko siya ng kilay.
Nabibeastmode ako sa kanya. Ano hindi na naman niya sasagutin ang tanong ko? Nakakainis na yung ganun na ugali niya.
Nagpipigil lang ako ng galit ko. Napahinga ako ng malalim. Kalma ka lang Siera. Bawal kang mastress. Bawal kang mastress.
Pero stress na stress na ako sa kanya!
"Ano na!? Hindi mo na naman sasagutin ang tanong ko?! Alam mo nakakapagod ka ng intindihin! At ano na naman bang kabaliwan itong ginawa mo para dalhin ako dito?! Remember were not okay yet! Ni hindi mo pa nga nahuhulahan kung bakit ako nagtatampo sayo!" Humihingal na ako noong matapos kong magsalita at sigawan siya. Napaawang ang kanyang labi na parang may sasabihin siya.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Now answer me." Seryosong seryosong saad ko sa kanya. Lumunok lang siya at tinitigan ako.
Kastress na talaga siya! Damn it!
Hindi niya talaga sasagutin ang mga katanungan ko! Pwes! Bahala na siya sa buhay niya!
"Damn it! Ewan ko sayong bakla ka! Pagod na ako sayo!" Inis na sabi ko at tinalikuran na siya. Uuwi akong Manila ngayon din. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
"Siera teka lang-"
"What?! Kung ayaw mong sagutin ang mga tanong then fine sayo lang!" Inis na sabi ko.
"It's not like that Siera." He said with a sigh.
"Eh ano nga?"
"I can't answer you now. Maybe sooner or later." Sabi na naman niya. Yan na naman siya eh. Bakit ba napakahilig niya sa later later na yan hanggang sa magkalimutan na naman at hindi na naman niya masagot at hindi na naman kami magkausap.
"Im done with your 'later' Evan. Ewan ko na sayo! Im leaving!" Inis na sabi ko na siyang dahilan kung bakit dumilim ang mukha niya. What? Now he's mad! Sasabayan niya ang inis ko. Pero wala akong pakealam.
