Pupungas pungas akong nagising at wala na siya sa tabi ko kaya naman napasimangot ako.
"Anong oras na ba?" I whisper. Napatingin ako sa digital clock sa may bedside table.
It's already eight in the evening. Mahaba haba din pala ang naitulog ko.I roam my eyes around the room expecting that he would be here pero mas lalo lang akong napasimangot noong makitang wala siya. Nakasimangot akong naglakad patungo sa may banyo. At napabubtong hininga.
"It would be very nice If I saw him upon waking up." I murmured then I sigh. Nangunot ang noo ko at hinablot ko sa salamin ang sticky note na nakadikit doon.
I read it.'Bes,
Mag ayos ka. Dinner daw tayo sabi ng parents mo. Magpaganda ka ganun pero parang awa mo na wag mong talbugan ang beauty ko!Yours truly,
Dyosang Evan.😘Napangiti at napailing nalang ako. Self proclaimed dyosa talaga ang isang yun.
Kaya nagmadali na ako para ayusin ang aking sarili. Saktong papalabas na ako sa room noong tumawag siya."Bruha, nasan kana? Ineenterogate na ako ng fudrakels mo ditech." Bungad niya sa akin. I rolled my eyes sila papa talaga. Baka kung ano ano na naman ang pinagsasabi nun.
"Pababa na ako. Bakit kasi dimo ako ginising." Tanong ko. Alam kong may mangyayaring dinner. Mahilig kasi si mama sa mga ganun.
"Sunduin mo nalang ako dito." Suggest ko sa kanya para makawala siya kay papa.
"Good idea bes." Sabi niya. Kaya hinintay ko nalang siya. Hindi na ako pumasok sa room namin. Hindi nagtagal ay may lumapit sa akin napakunot ang noo ko. A guy, he seems drunk. Itsura palang niya mukhang hindi na mapagkakatiwalaan.
"Going somewhere miss?" Ngising tanong niya. Kumunot ang noo ko. May itsura siya. Mukha siyang tae! "Dare to come with me miss?" Sabi niya at akmang hahawakan na niya ang aking kamay pero umiwas ako. "Masmaganda sa pupuntahan natin miss. Mas masarap." Just eeww! Iwinaksi ko na naman ang kamay niya na hahawak sana sa akin.
"Fierce. I like that." Napangiwi ako noong maamoy ko ang amoy alak na hininga niya.
Napalinga linga ako sa paligid. Baka sakaling may ibang tao at matulungan ako."Hindi kita kilala. Im not comfortable with you. So Im asking you nicely back off!" Matigas na sabi ko. Lalapitan na sana niya ako pero napalingon ako sa kung kanino man ang may ari ng braso na pumulupot sa beywang ko.
"Something wrong here babe?" Seryosong tanong niya habang nakatitig ng masama sa lalaking nangiistorbo sa akin. Mabilis namang iyong umalis at iniwan na kami. Nakahinga ako ng maluwag. Im save coz he's here. Hinarap niya ako kunot parin ang kanyang noo. Nagiging manly talaga siya kapag ganito siya kaseryoso.
"You okay bes?" Tanong niya saken. Tumango ako at inaya na siya. "Wait lang." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Ipinaharap niya ako sa kanya at mataman niyang tinitigan ang aking mukha. Napatikhim naman ako. Im getting shy by the way he is looking at me. May problema ba sa mukha ko. Aasarin na naman ba niya ako?
Maya maya ay napabuntong hininga siya at inagaw ang clutch bag ko. Hinalungkat niya iyon at nung makita niya ang palagi kong dala dalang wet tissue, make up remover ay kinuha niya iyon.
"Sabi ko kasing wag mong talbugan ang beauty ko eh. Yan tuloy nagiging lapitin ka na. Anong nakain mo teh at nagred lipstick ka?" Nakasimangot na tanong niya sa akin habang inaalis ang lipstick ko. Napatitig lang ako sa mukha niya.
"Hindi mo na kasi kailangang maglipstick bruha." Sabi pa niya. Mukhang tapos na niyang burahin ang lipstick ko. Nakahawak lang siya sa magkabilang pisngi ko. Napatingala ako sa kanya. Kumunot ang aking noo. How can I seduce this man kung napakanormal nalang sa kanya ang mga bagay na ganito?Tumitig siya sa aking mga mata. Then down to my nose and then to my lips. Napalunok ako.
Naaakit din ba siya sa akin kahit konti lang? O kahit isang segundo lang ganun?
I saw how his adams apple move up and down as he gulped. Pero bigla din siyang napailing at binitawan na niya ang mukha ko at agad akong tinalikuran. I guess wala talaga akong epekto sa kanya.
I am wearing simple white summer dress na pinarisan ko lang ng flat sandal and I am ready to go. At mukhang match pa ang damit namin coz he's wearing a white floral polo.
Nadatnan namin ang mga magulang ko na naghihintay sa isang table malapit sa pool. A private one, medyo malamig nadin ang simoy ng hangin dahil siguro galing iyon sa dagat.
There we enjoyed our dinner talking about nonsense thing. Nagkuwentuhan nalang kami noong biglang Hinotseat kaming pareho ng magulang ko.
"So Evan. What do you think of our daughter?" Parang kinikilig na tanong ni mama.
"Ma!" Saway ko. Namula ako noong tignan ako ni Evan. Not good sana nalang pala hindi ko na sinama si Evan dito kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.
"Is she pretty?" Tanong ni mama. Pinandilatan ko na si mama. Pero wala lang, hindi tumalab ano bang gagawin ko dito sa mga magulang ko? Tinignan ko ulit si Evan.
"Yes tita. Maganda naman talaga si Beshi eh." May pagkamalambot na sagot niya.
'Pero mas dyosa ako.'
Ganyan sana ang tuloy niyan kilalang kilala ko na siya eh. Madami pang tinanong si mama. Nakakahiya na sa kanya.
"Ma. Aalis na kami." Paalam ko. Tututol pa sana si mama pero pumayag na si papa. Thank you pa at may nagawa ka na ring tama sa araw na ito.
"Hayaan mo na ang mga bata honey." Baling ni papa kay mama. Napangiting tagumpay nalang ako.
"Basta Evan wag mong kakalimutan ang sinabi ko sayo. Kapag nakapag isip isip ka at bumalik ka na sa dating daan nandiyan lang ang anak ko." Nakangising sabi ni papa at tinapik pa niya ang balikat ni Evan. Sa una diko magets pero napanganga nalang ako noong maintindihan ko na. Muntik pa akong natumba sa kinatatayuan ko.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na may ginawa ng tama ang papa ko. Napanganga ako. Hindi ako makapaniwalang ibinubugaw na ako ng mga magulang ko sa baklang ito.
Am I not their princess anymore at kulang nalang ay ipamigay nila ako? And then what my fathers says next silence me.
"Matatanda na kasi kami. Gusto lang naman namin na makita si Siera na lumagay na sa tahimik at magkaroon ng sarili niyang pamilya. As his father, ang maihatid nalang siya sa harap ng altar ang isa sa pinakapangarap namin para sa kanya." Sabi ni papa na nakapagpatahimik sa akin at nagpawala sa inis na nararamdaman ko.
I realize something, oo nga matatanda na sila.
"Papa." Naiiyak na tawag ko dito. Mag eemote ako. Natouch ako sa sinabi niya eh.
"Wag kang mag emote." Bara niya sa akin noong akmang yayakapin ko na siya. "Siya alis na. At aalis na din kami ng mama mo." Sabi niya napasimangot nalang ako.
Matanda na sila papa. Matanda na din ako. Ilang taon nalang mapag iiwanan na ako ng kalendaryo. Uugatin na ang hymen ko. Mangungunat na. Kaya pala ganun nalang ang pagpupush nila sa akin. Kung sabagay nga naman ang maihatid nalang ako sa altar ang isa sa misyon at responsibilidad nila bilang mga magulang. Pero paano mangyayari yun kung ang minamahal ko ay nawawala sa diretsong daan.
